Pastry Chef vs. Chief Cook (Part XIV)

331 13 0
                                    

PCvsCC :(Baguio Escapade)

Samia's POV

"hi ako nga pala si Samia Gozon 26 years old Graduate ako ng Interior Architecture Design, mdami na akong naging client simula noon hanggang ngayon i'm also a freelance model ng mga signature bags, underwear's, perfumes, at mga damit, 5years ko ng boyfriend si Greg na sobrang pasaway, ewan ko ba bakit di ko maiwan kahit my pagka chick boy"

it's already 4:00am ng maalimpungatan ako, inilibot ko ang tingin ko sa buong kwarto, nakita kong ang sarap pa din ng tulog nitong boyfriend kong sleepy head

"hon!" tawag ko dito habang niyuyugyog

"hmmmmmm"

"alas kwatro na, samahan mo ko na mag handa ng almusal" aya ko dito

"ang aga aga pa hon mamaya na, inaantok pa ko ang sarap pa matulog oh" pag iinarte nito

hi di ko na ito pinansin, lumabas na ako ng kwarto namin ni greg at nag lakad na ako sa hallway nitong 2nd floor

ngunit bago pa ako makarating sa hagdanan ay nakarinig ako ng pag bukas ng pinto, nilingon ko ito at nakita kong lumabas ng kwarto si maureen yung ate ni martin

actually 1st time ko palang sya nameet pero ang gaan ng loob ko sa kanya, hindi sya plastic at tingin ko cool na cool ito kasama

"ui girl gising ka na pala" masayang bati ko dito

"ah eh oo girl, mag hahanap sana kasi ako ng mainit na maiinom nilalamig kasi ako" sagot nito

"tara dun tayo sa kusina, sakto dun din ang punta ko, balak ko kasi mag handa ng almusal" pag aaya ko dito

"punta tayo ng palengke?" tanong nito sa akin

"hmmm oo wala naman kasing stocks si allen dito eh" sagot ko naman dito

nag simulanna akong mag painit ng tubig, nag handa ako ng dalawang mug at binuhos ko dito ang dalawang 3in1 na kape,

ng kumulo na ang tubig ay nag timpla na ako ng kape at saka naupo sa tabi ni maureen

"alam mo ang swerte ng kapatid mo kay allen" pag sisimula ko ng topic

"sa tingin ko nga din eh, sana naman mag tagal sila, yung tipong pang habambuhay na, hehehe nasa tamang edad na sila and sa nakikita ko naman sa kanila eh matured na naman sila pareho" sagot nito

hanggang sa napunta na ang usapan namin sa mga personalities at personal life namin

bago pa man kami matapos mag coffee ay naramdaman kong my bumababa ng hagdan,

"ui martin gising ka na din pala gusto mo mag coffee?" tanong ko sa kakagising lang na si martin

"ah sige lang samia salamat" nakangiting sabi nito at saka nag kalkal sa kusina

"anong hinahanap mo tol?" tanong ng ate nito

"ah eh balak ko sanang ipag handa ng almusal si allen i mean breakfast para sa ating lahat" sabi nito

"ah walang stocks dyan, napag desisyonan n nga namin ng ate mo na mamalengke nag kape lang kami" sabi ko naman dito

"oh tol mag kape ka muna, tapos punta na tayo ng palengke" tumango lang ito at saka nag timpla ng kape

--
matapos mag kape ay nagsipag bihis na kami upang mag tungo na sa palengke

si maureen ang nag drive ng dala nilang sasakyan dahil mas saulo nya ang pasikot sikot dito sa baguio, habang si martin naman ay naupo sa passenger seat sa likod at para naman hindi mag mukhang driver ang ate nito ay naupo ako sa tabi nito, ilang minuto lang namin binyahe ang palengke, matapos mag park ni maureen ng sasakyan ay nagsibabaan na kami at nagsimulang mamili

Pastry Chef vs. Chief Cook (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon