Pastry Chef vs. Chief Cook (Part XIII) (SPG)

359 15 0
                                    

PCvsCC : (Matamis na OO)
-:> (1st night)
-:> (this chapter is RATED SPG)

________________________________________________________________________

2 months after

Greg's POV

Nandito kami ngayon sa baguio, dito sa rest house ni Allen actually kagabi pa kami nandito, nag inuman pa kami dito bago kami natulog

--
11am na kami nagising, sinimulan na naming mag ayos ng buong bahay, kasama namin ang aking girlfriend na si samia pati ang katiwala ko sa gym na si jaxx

si Martin naman at ang ate nito ay paalis palang ng manila, 6hours ang byahe kaya nakarkula na namin ang oras kaya maaga kami nag handa,

pinuno namin ng maraming helium na lobo ang kwarto na my nakasabit na naka curl na ribbon, suggestion kasi to ni samia at kaming dalawa na ang nag presinta na kami na ang bahala sa pag aayos ng kwarto

bawat dulo ng ribbon ay my mga solong picture ni martin ang iba naman ay my note na ang nakasulat ay, "will you be my boyfriend" "can i have your YES" at marami pang ibang linya na about sa pag papasagot

oo tama ang nababasa nyo, 2 buwan na kasing nang liligaw itong si allen kay martin at ngayon nya balak hingin ang matamis na oo nito

pinuno namin ng maraming petals ng rose ang sahig ng kwarto, pinalitan ko naman ang ilaw nito ng kulay dilaw na ilaw para romantic ang dating, ang kobre kama ay pinalitan din namin ng kulay puting puti na bed sheet

inilagay namin ang mas malaki pa sa aming teddy bear sa kama, isinandal namin ito sa head board ng kama, binuksan ko na ang asul na box na nag lalaman ng couple ring nila, tapos ay hinanapan naman ni samia ng magandang pwesto sa kama ang 5dozen white calla lily flowers,

bawat pader ng kwarto ay may naka dikit na kung ano anong mga pictures flowers at notes

--

"hindi ba ang OA na ng design ng kwarto?" tanong ko kay samia

"HON para sakin hindi OA yan at alam kong magugustuhan yan ni martin, palibhasa kasi lalaki ka kaya di mo masyadong feel ang mga gantong surprise" paliwanag naman ni samia

lumabas na kami ng kwarto at inilock na namin ito habang nakabukas ang aircon sa loob para naman hindi daw malanta yungvmga bulaklak, nagtungo na muna kami sa salas at busy si allen at jaxx sa pag pupunas pag wawalis at pag lilinis ng mga gamit dito, tinulungan na din namin ni samia ang dalawa sa pag lilinis

--

mag aalas kwatro na ng hapon ng matapos kami sa pag lilinis ng buong bahay, nakapag luto na din si allen ng ilang klaseng pagkain para sa dinner namin, nakaupo lang kami dito sa may terrace ng bahay at umiinom ng juice habang nag kanya kanya kaming sindi ng sigarilyo, hapon palang pero ang lamig lamig na ng hampas ng hangin,

"oh mr. loverboy bakit di ka pa mag papogi, anong oras na din oh baka mamaya biglang dumating si martin ikaw din" pag puna naman ni samia kay allen na naka hagis ang katawan sa isa sa mga upuan dito

"pahinga lang ako ng konte, napagod ako eh, oo nga pala kamusta yung kwarto?" tanong ni allen sa amin

"ok na ok na yun allen" kinikilig na sabi ni samia

Pastry Chef vs. Chief Cook (COMPLETED)Where stories live. Discover now