To Love and be Loved in Return [Chapter 39]

Magsimula sa umpisa
                                    

Tumawa lang muna siya. “I can give all to her even if she can’t love me back. Pero tao lang ako, napapagod din.”

This time napangiti ako. Kasi alam kong may pag asa rin ako.

Bigla nalang akong naluha. Hindi ko alam kung bakit. Siguro dahil na rin sa sagot niya.

I hope, mamahalin niya rin ako… Sana

“Oh, bakit ka umiiyak Nina? May mali ba sa nasabi ko?”

“Nathan, you don’t know how you make me smile.”

“Ha? Hindi kita gets.”

“Nathan, I know it’s awkward to say… to confess… but… I have to.”

“What?!”

“Nung time na nagkabungguan tayo dahil bigla kang lumingon kasi napansin mo na wala ka ng kausap, remember? Nainis ka pa nga sakin noon dahil pinagkamalan mong ako si Ysabelle.”

FLASHBACK>>

“Ysabelle, mahal kita. Alam mo bang minahal na kita simula nung mga bata palang tayo? Haha. Naaalala mo ba nung mga bata tayo? Bata palang tayo, lagi na tayong pinagkakasundo ng mga magulang natin. Halos wala ka ngang pakealam sa mundo nun eh. kapag dinadalaw kita, lagi ka lang nasa kwarto mo. Naglalaro ng Barbie dolls.”

“Sabi ko nga sa sarili ko nun, na kapag nasa tamang edad na tayo, liligawan kita… papakasalan kita. Pero bakit ganito na ang nangyayari ngayon? Ni panliligaw hindi ko magawa.”

“Noon nga napagplanuhan ko nang ligawan ka kasi sigurado na ako sa nararamdaman ko sayo. Na mahal na kita… at hindi ako mag sasawang sabihin sayo yun ng paulit ulit.”

“Ysabelle bakit ganoon? Parang kang isang bituin na ang hirap abutin. Patuloy kitang inaabot. Pero sa sobrang taas mo, hindi na kita maabot.”

“Hindi ko alam kung talagang manhid ka. Andito naman ako. Kaya naman kitang pasayahin doble pa sa binibigay sayo ni Timothy. Pero bakit sa lahat ng mga sacrifice na ginagawa ko sayo, bakit si Timothy pa rin ang hinahanap mo?”

“Ysabelle, alam kong invisible ako sa paningin mo. Alam kong Masaya ka na sa kanya. Pero may isa akong tanong…

… Can I love you from afar? ;(”

END OF FLASHBACK>>

“HAHAHA! Natatawa nga ako sayo eh. *punas ng luha* Kasi kahit ako naman yung nandun, si Ysabelle pa rin… Siya pa rin…”

“Nina, bakit ba ganyan ka makapagsalita? Stop it okay? Nasasaktan ka lang.”

“HAHAHA! Naaalala mo ba? Yung pangalawa nating pagkikita?”

FLASHBACK>>

“Oh ayan, nalibre ka na ha. Siguro naman tutulungan mo na ako.”

“Oo ba. Basta ice cream everyday eh. Kailan ba uumpisahan?”

“Bukas na bukas din. Malapit na ang intramurals. Plano ko na sanang magtapat.”

“Magtapat? Eh 2 days nalang ha!”

“Kaya nga uumpisahan na natin bukas diba?”

“Oh sige.”

“Psh.”

END OF FLASHBACK>>

“HAHAHA! Naaalala mo ba yun? Nagpalibre nga kaagad ako sayo ng ice cream eh. pero nang sabihin mo sakin na magtatapat ka. Nasaktan ako… Kasi Nathan, andito naman ako. Kaya ko naman ibigay sayo lahat ng hindi mabibigay sayo ni Ysabelle eh… Kaya kong punuin ang pagmamahal na hindi niya kayang punuin para sayo… Sabi mo nga sakin non. Bakit ang manhid manhid ng mga tao… Pero narealize ko na isa ka sa mga manhid na yun…”

To Love and be Loved in Return [ON-HOLD!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon