Kabanata 1

13 0 0
                                        

"Ano ba! Hinaan mo nga yang boses mo! Baka marinig ka ng anak natin!" hiyaw ni Mama.

"Bakit ha, nahihiya ka?! Nahihiya kang malaman nya na ang tinitingala nyang ina ay walanghiya pala ha?! Sana naisip mo yan bago mo pagtaksilan ang pamilyang 'to!" ganti ni Papa.

Nagising ako dahil sa ingay na naririnig ko sa sala. Paulit-ulit kong sinampal ang mga pisngi ko. Masakit, ibigsabihin gising ako. Hindi panaginip ang mga salitang narinig ko. Inaaasahan ko na naman ito, ngunit namuo parin ang galit sa aking dibdib, pero mas nangingibabaw ang sakit.

"Sana rin naisip mong maglaan kahit katiting na oras para sa asawa mo! Puro ka na lang trabaho!" sumbat ni Mama.

Hindi na ako nakapagpigil, dumiretso ako sa hagdan at dahan dahang bumaba. Nakita kong rumehistro ang gulat sa mga mata ni Mama. Sakit at pag aalala naman ang nakita ko kay Papa. Nakita ko ang mga naglalakihang maleta at bag na bitbit ni Mama.

"A-anak, andiyan ka pala, kanina ka pa ba?" garagal na tanong ni Mama.
"Oo ma, sapat na para marinig ko ang lahat ng kataksilan mo." walang emosyong sambit ko at patakbong lumabas ng bahay.

"Sadie, sandali lang anak!" pahabol na sigaw ni Papa. Ngunit hindi ako lumingon, dire-diretso akong tumakbo, hindi ko alam kung saan papatungo. Hindi ko narinig ang pagtawag ni Mama, ibigsabihin ay mas pinipili nya ang kung sino mang lalaking iyon kaysa sa sarili nyang pamilya.

Hindi ko alam kung gaano na kalayo ang tinakbo ko, namalayan ko na lang na nasa isang park na pala ako kasabay ng malakas na pagbuhos ng ulan. Sinasabayan yata ako ng kalangitan. Nakakita ako ng swing sa di kalayuan at doon ay nagpahinga.

Flashback:
"Mama, anong gagawin ko? Hindi ko maintindihan. Mahal ko si Jayson, hindi naman kami magtatagal ng 2 years kung hindi diba? Pero nagsisimula na rin akong mahulog kay Andrew. Pinapaniwala ko ang sarili ko na naninibago lang ako sa milya-milyang distansya naming dalwa ni Jayson. Para bang..."

"Anak naiintindihan kita. Ekspresyon mo pa lang ay alam ko na ang dinadamdam mo." ani Mama. "Pero eto ang tandaan mo, wag na wag mong sayangin ang dalawang taong pinagsamahan nyo ni Jayson dahil lang malayo kayo sa isa't-isa. Matuto kayong intindihin ang bawat pangyayari. Sinusubok lang kayo anak." malambing na sambit ni Mama. "Alam kong maganda ka anak, pero isa-isa lang ha aba!" biro pa niya.

Isang malalim na buntong hininga ang inilabas ko. Gusto kong bumalik sa bahay at isumbat kay Mama ang mga payo nya sakin noon, pero hindi na, wala na akong lakas. Kasabay nang pagbuhos ng kulog at kidlat
ay ang unti-unting pagpatak ng aking mga luha.

Lumaki ako sa isang matatawag kong perpektong pamilya. Nakaka-kain ako ng 3 beses sa isang araw, nakakapag-aral sa maayos na eskwelahan, maraming mga kaibigan at higit sa lahat, may buo at masayang pamilya. Pero isang araw ay nagbago ang lahat.

Nalugi at nagsara ang tanging negosyo ng aming pamilya. Dahil dito ay kailangang humanap ng bagong trabaho at kumayod ng doble o kung minsan ay triple si Papa. Minsan ay gabi nang umuuwi si Papa, pagkauwi ay diretso tulog na dahil sa pagod. Minsan ang wala na syang oras sa amin ni Mama. Hanggang sa ang 'minsan' ay naging 'madalas', at sa huli'y ito ay naging 'palagi'.

Naiintindihan ko naman si Papa, para saamin din naman ang ginagawa nya. Sinasakripisyo nya ang kanyang sarili para lang mabuhay kami. Naiintindihan ko naman si Papa, at ganun din si Mama.... akala ko lang pala. 

Carry On Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang