Umikot ako at nakita ko si Kate na naka krus ang mga braso. "Ano? Dyan ka nalang sa labas?" Masungit nitong tanong.

Tumawa ako. "Heto na nga oh, papasok na. Ang sungit mo naman po!" Pang-aasar ko pang lalo habang papasok kami ng classroom.

Pagpasok namin ay agad kaming pinagtinginan ng mga istudyante sa loob. Witwiw, chix. Agad na reaksyon nila habang nakatingin samin. Mukhang naibalik ko na ang self-confidence ko kaya hindi ko na sila pinansin. Bahala kayo sa buhay niyo!

"Ay oh? Kaganda ba naman kasi ng kasama ko." Pagpaparinig ni Kate habang nangingiti.

Kinurot ko siya sa tagiliran. "Tumigil ka Kate. Umupo nalang tayo."

"Oh di waw Reyna. Gandaaaa!" Ani nito sabay hawi sa buhok niya.

"Mga miss! Dito na kayo umupo oh." Alok nung isang lalaking may itsura din, sabay ayos ng mga upuan sa harap nila. Ngumiti na lamang kaming pareho ni Kate pero hindi kami umupo doon. Anong akala nila samin? Duh!

Umupo kami doon sa parte na kaunti pa lamang ang nakaupo. Sa may pangalawang linya kami at nasa tabi ako ng bintana. Glass ang mga bintana kaya kita mo ang labas, pero hindi iyon nakabukas kasi air-conditioned ang mga rooms dito.

Ilang sandali pa ay nagdatingan na rin ang mga istudyante at unti-unti na ring napupuno ang mga upuan. May nakaupo sa harapan namin at halos puno na rin doon sa kabila, ngunit ang pangatlong linya sa likod ng inuupuan namin ay nanatili paring bakante.

Nanatiling walang nakaupo roon hanggang dumating yung tatlong lalaking kaibigan nung Paris. Nakita nila yung limang bakante sa likod namin kaya doon sila umupo.

Patay na! Ka blockmate nga namin sila! "What the hell! Nandito nga sila!" Naiinis na saad ni Kate sa akin. "Matutuwa na sana ako kung si Paris lang ang nandito eh kaso kasali pati yung tatlo! Lalo na yang Loel na yan!" Dagdag pa niya.

"Hoy! Anong sinasabi mo dyan? Akala mo di ko narinig yun?" Biglang nagsalita yung Loel.

Sumulyap si Kate sa likod. "Pake ko!" Ani nito.

"Kung ayaw mo kami dito, pwede ka ng umalis." Sagot naman nung Loel.

"Tse! Manahimik ka!" Pagtatapos ni Kate sa usapan at bumaling na sa phone niya. Tiningnan ko kung anong ginagawa niya doon pero pinapaglipat lipat lang niya yung homescreen niya.

"Hoy babae! Anong ginagawa mo? Baka masira na yang screen ng phone mo!" Natatawa kong puna rito.

Bigla naman siyang napatigil sa ginagawa niya. Tumingin uli siya sa akin pero hindi na siya sumagot. Okay! Seen zoned!

Biglang umingay sa parte namin dahil sa pagdating nilang tatlo. Sumulyap ako sa kanila at narinig ko kung gaano kalakas ang mga tawa nila. Yung dalawa ay nakaupo magkasunod malapit sa gitna, yung Loel naman ay nasa tabi rin nila at nasa likod lang naman ni Kate. Tumingin ako sa tabi nung Loel at nakita kong bakante pa iyon. Nasa likod iyon ng upaan ko.

Napamulagat ako ng may naisip. Nasaan yung Paris? Don't tell me para sa kanya yang upuan sa likod ko? Gosh! What to do? Naisip ko pa yung ginawa kong pagsisinungaling sa kanya, na nakadagdag sa kabang nararamdaman ko ngayon.

Nagsinungaling lang naman ako dahil ayokong mahusgahan. Ayokong mapangunahan dahil simula't sapul, may alitan na ang pamilya namin.

"Fourth year business management students!" Nagulantang kaming lahat ng pumasok ang isang babae sa room, mukha siyang teacher kaya ipinagpalagay ko na lamang na siya ang prof namin ngayong period at hindi naman ako nagkamali. "I am Mrs. Josefa Guazon and I am your instructor for your minor subject in Mythology."

The Parisian Queen (Complete)Where stories live. Discover now