Choice A

206 3 0
                                    

“Ano to?” tanong ni Angelo kay Marky.

“Papel yan tol. Hehe. Tingnan mo na lang.”

May nakasulat na address sa papel. “Kay JR?” Tumango ito. Ngumiti siya.

“Tiningnan ko yung info sheet niya sa prof namin sa Arts and Soc. Crush ata ko ni Ma’am eh kaya pumayag. Hehe.”

“Salamat.”

“Bakit? Pinapakita ko lang yan sayo no. Akin na nga yan. Hehe. Joke lang.”

“Salamat dude.”

“Walang anuman. It’s time for me to be the one to let go, laging ikaw eh. Tsaka para mabawas-bawasan yang kadramahan mo sa buhay.”

Nakangiti pa rin siya kahit nang-aasar ito. Kinabukasan ay nagpasya kaagad siyang lumuwas ng Maynila at puntahan ang address na binigay ni Marky. Tinawagan niya si Keanne.

“I-hello mo na lang ako sa kanya pag nagkita kayo. Sabihin mo, andaya niya. Nang-iiwan,” sabi nito.

“Sige. May napagtanungan na ako nung lugar nila. Malapit na daw ako. Humahanap lang ako ng parking area.”

“Sige pare, ingat.” Nang makahanap ng parking space at makaparada, bumaba na siya at nagsimulang maglakad. Looban pa daw ang bahay nina JR. Isang lalaking teenager ang naabutan niya sa tapat ng isang bahay sa dulo.

“Excuse me, nandyan ba si Jeanne?”

Tumingin ito sa kanya at tumayo ng maayos. May katangkaran ang lalaki at kahawig ni JR. Kuya yata nito. “Teka lang po ah. May binili lang. Pasok ka muna.”

Pumasok naman siya sa may katamtamang laking bahay. Malinis ito kahit medyo magulo. Sa sala ay may apat na upuan at isang sofa. May TV na katabi ng isang maliit na mesang may vase na imbes na bulaklak ay payong ang nakalagay. May mga nakasabit ding frames na may litrato ng pamilya ni JR. Meron din itong solo na mukhang kuha sa high school grad.

“Good afternoon po,” sabi niya ng nakatayo nang makita ang isang may edad na lalaki.

“Good afternoon. Kaklase ka ni Jeng? Ay! Jeanne pala.”

“O-opo.” Napalunok pa siya kahit pa nga smiling face ang lalaki at mukhang hindi nakakatakot.

“Upo ka, may binili lang siya saglit.” Umupo naman siya kasabay ng pagbukas ng TV. “Niko, bumili ka nga ng RC sa labas,” sabi nito sa matangkad na binata sabay ngiti sa kanya. “Manliligaw ka ba?”

“Ho?” Nagulat siya hindi lang sa ka-prangkahan nito kundi pati sa mapanlokong tingin. Nagpapanggap itong galit pero mukha namang natatawa. “O-opo sana.”

“Buti naman.”

“Po?”

“Hehe… Wala. Anong pangalan mo?”

“Angelo de Padillo po. Are you her father?”

“Yes I am. Proud to be.”

“Okay lang po bang manli-?”

“Manliligaw ka lang naman eh. Hindi mo naman itatanan di ba? Okay lang yun. Nag-aalala nga kami dyan dahil sabi niya hindi daw siya mag-aasawa at mag-aalaga na lang ng pamangkin niya. Siya pa naman ang panganay at only girl. Sayang naman ang lahi ko kung hindi niya ipapakalat diba?”

Natawa na siya sa huling sinabi nito. Mukhang alam na niya kung kanino nagmana si JR sa kakulitan at kadaldalan. Dumating na ang binata at may kasama ito. Isang batang lalaki at si JR.

“Kakain na nga, nasa labas ka pa. Kung san san kita pinaghahanap.”

“Jeng, may bisita ka,” sabi ng ama ni JR.

Just Another Ordinary GirlWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu