" Brad.. pahiram naman nung hairpen mo oh, nakakainis kasi tong bangs ko .. " syempre pagdadahilan ko lang yun .. nag dududa na kasi ako sa bespreen kong toh ..
Tsaka, yung Diary hindi na sya nag rereply sa akin . Isang linggo na ang nakakalipas,
siguro dahil tinanong ko kung tao ba siya?
Ayy .
Ayoko sanang pagdudahan ang Brad ko, pero .. basta ..
Feel ko lang na siya talaga .
" Bakit n-nman brad? " nagtatakang tanong niya .
" Heller, sinabi ko na ang dahilan di ba .. Psh. "
" Tsk, eto oh . " sabay abot nya nung hairpen sa akin .
" Salamat Brad . Sige ha, CR muna ako .. " sabay talikod ko at papunta sa LOCKER eta-try ko lang yung hairpen kung mabubuksan ba yung locker ko gamit nito .
- Sa Locker -
panay ang tusok ko nung hairpen sa locker pero hindi ko pa rin mabuksan ..
Tusok dito,
Tusok doon,
Tusok Again,
And repeat it again,
and Ag--
" Huy sheen .. Ano bang ginagawa mo dyan sa locker, tsk . kawawang locker. " hindi ko pinansin ang nagsalita kasi boses pa lang kilalang kilala ko na ..
" Ayaw kasi mabuksan Eros ee .. " konti na lang at magi-give up nako .. siguro nga hindi naman talaga si harvey yung nagsusulat sa Diary ko . Tsk. Pinagbintangan ko pa talaga . Aish .
" hayy .. " sambit ni Eros tapos kinuha ang Hairpen sa kamay ko " ganito kasi .. Binabali mo naman kasi yung Hairpen.. " tapos tinusok nya ito sa may butas nung lock at kinalikot . Ilang saglit bumakas ito .
" Wow. Magnanakaw ka siguro eh nuh? " sabi ko sa kanya sabay kuha nang hairpen sa kanya pati na nung diary .
" Who knows.. haha. Joke lang . Sira din kasi yung locker ko Last year, so hairpen din yung ginamit ko . ^__^V " aba't nagpa-cute na naman ang mokong, ang gwapo talaga, sayang taken na . :3
Tiningnan ko yung Diary kung may nakasulat na, pero sa kasamaang palad,
" ayy .. Wala pa din . (pout) " sabi ko at ibinalik ang diary at umupo sa bench .
" Oh? Bakit nakabusangot yang mukha mo? Tska, anong wala pa din? Smile ka nga, sige ka , d ka na magiging cute sa paningin ko . " nilagay naman ni eros sa magkabilang gilid ng labi ko ang mga hintuturo niya at ini-angat ito pataas para maka-form ng smile.. " ayan .. Ganyan . Ang ganda ! " sabay ngiti nya ng wagas .
" Ehh, kasi yung diary ee .. " tapos nag pout uli ako .
Naks !! ang sabihin mo Sheeylayn, nagpapa kyut ka !!
LANDI !!
" Ta mo .. Wag ka ngang bumusangot ! Smile ! " tapos nag smile ako, yung pilit at hindi na ito binitawan . " anong tungkol sa diary mo ? " tanong nya .
" Ehh, Kese yeng deyere ke, negre-repley se menge selet ke .. " napa-poker face naman sya .
" Alam kong sabi ko mag smile ka, pero hindi ibig sabihin nun, na pati pagsasalita naka smile parin .. tsk . ang engot . pasalamat ka !/#$@*! kita .. " ah ? d ko maintindihan yung huling sinabi nya . kasi nag smile din sya tapos nag salita .
" Ayy .. Kasi ganito yun .. Mag binigay si Harvey saking Diary .. " pagsisimula ko sa sasabihin ko . " Oh, Tapos? " sagot nya habang nakatingin sa akin .
" Ehh, Eros naman ihh .. wag ka ngang ganyan , seryoso ako . "
" Aba ! seryoso naman ako ah? hindi naman kita pinagkakatuwaan. " tugon nya sa akin at umakbay.
" hay, yun nga, may binigay sa akin si harvey na diary, tapos sabi nya ilagay ko lang daw yung mga problema ko at kahit anong gusto kong ilagay doon para gumaan ang loob ko .. " tapos tingin kay Eros na nakikinig ng masinsinan habang nakatingin sa akin . " Kaya yun, sinulat ko yung mga problema ko .. yung problema ko say-- " sayo . ay . muntik ko nang masabi . " mga problema ko sa lahat-lahat .. ehh, nagulat kasi ako nung ano .. " tapos tumingin ako kay eros ...
" nung ano ? "
" Wag kang tatawa ha ? " sabi ko sa kanya . kasi nung nakita ni Harvey na may nag-reply dun sa diary tumawa sya eh .
Dun din ako nagtataka ,
Kung si Harvey ang nagsulat dun,
bakit nya tinawanan ?
siguro para d sya mabuko ?
aysh !
" Hindi . promise. " sabay ni Eros at nag taas nang kanang kamay, which means he really mean it .
" Kasi nagulat ako nung may nag reply sa diary ko ... " pagtutuloy ko at tumingin sa kanya .
" Pfft ! mmmhm mhhmm ! T-Tapos ?! " hindi daw tatawa .
" ihhhh ... Wag na nga lang .. sabi mo d ka tatawa. " pagmamaktol ko .
" Hindi naman ah.. tinakpan ko nga yung bibig ko para d ako makatawa . " aysh .
" Psh . Yung nga .. May kutob kasi akong si Harvey yung may gawa nang lahat nang ito . Kasi nakakita ako nang Hairpen sa may tapat nang locker ko, tapos nakakapansin din akong laging nagdadala ng hairpen si Harvey , sabi nya naman sira daw locker nya . " tapos yumuko ako .
" Hmmm .... Siguro bakla sya . " hinampas ko sya sa balikat . " Ehh , Eros naman ih . "
" Hahahaha! Joke lang . Ahmm .. " nilagay nya naman ang hintuturo nya sa may chin nya na animoy nag iisip .
" Anong masasabi mo? " tanong ko sa kanya .
" Sabi nga nila, It's for HIM to know, and for YOU to find out, i guess ? " -__-
" Wow . galing . Thank you ha ! " Sarcastic na sagot ko sa kanya . Tapos tumawa lang siya . Hayyy ...
Ano nga kayang paniniwalaan ko ?
" Akin na yung diary mo .. may isusulat ako .. " sabi ni Eros sa akin .
" Ha? Bakit ? Ayoko ! Baka mabasa mo , " naku ! Puro Eros pa naman ang laman nuon ..
" E di wag mong ipakita yung mga nakasulat . Isang page lang naman susulatan ko iihh .. dali na, may itatanong lang ako, I mean, may itatanong ka ... " binigay ko naman sa kanya yung diary, at hinawakan ko yung kabilang page na may mga sulat ..
natapos naman nya yung sinusulat nya at akmang bubuksan yung mga nasulat ko ..
" Wag nga Eros !! " sabay hatak ko nung diary .
" eto naman .. binibiro lang kita .. Hahahaha ! ang kyutt talaga ... " sabay pisil ni Eros sa mga pisngi ko .
" Aray ! Humanda ka ! " akmang babatukan ko naman sya, pero tumakbo naman sya kaagad .
kaya ang kalalabasan ,
naghahabulan kami sa hallway ...
Oo ! Ako nang kinikilig !! >/////<
_ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _
Dear Diary,
Please .. paki sagot nang tanong ..
Kung hindi ka naman talaga sasagot, Itatapon ko na tong Diary.
Wala nang silbi ito kung hindi ka susulat pabalik . Ikaw lang ang nagpapagaan ng loob ko . Hihintayin ko ang sulat mo hanggang bukas ng tanghali .
P.S Please sana mag reply ka ...
_ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _
