"Mas mahal ka nya iha,nakikita namin yun,kaya iwasan ang pagkamaldita ha." Paalala nito sa kanya.

     "Yaya!" Ang piksi ni Avery.

     "Tama si yaya,anak!" Ang segunda ng kanyang Ama.

      "Dad,naman pati ba ikaw." Ang nakanguso nyang sabi bago nagmano dito. Nakagawian na nya ito kahit pa laking Germany sya,sanay din syang magtagalog dahil lahat ng kasambahay nila ay Pilipina at maging ang magulang ay ganun din ang salita. Kahit pa sabihin may pagka-bratt sya ay hindi naman sya kagaya ng iba na wala na yatang modo.

      "Para kanino ba yan?" Tanong ng kanyang ama.

      "Daddy birthday ni Blake at I want to surprise him."

     "Hmm wag mong sabihin balak mo ng mag-asawa after graduation?"


      "Dad no,I want to work sa'ting company at kapag may napatunayan na ako saka ako mag-aasawa. Kaya easy ka lang Dad!"

     "Okey,I'm going to sleep, goodnight Princess night yaya."

      "Goodnight!" Dueto nila Avery.

Ng matapos sila sa pagluluto ay agad na inilagay ni Avery ang mga ginawa sa refrigerator at nagpasalamat ng sobra sa kanyang yaya. Agad syang naglinis ng kanyang katawan at nag-set ng alarm at natulog ng may ngiti sa labi.


Kinabukasan ay maaga pa sa alarm clock si Avery mabilis syang naligo gusto nyang mauna sya sa bumati Kay Blake kaya naman agad syang nag-aayos ng sarili nagpaganda  sya at nagpabango ng todo para sa kasintahan.


      "Yaya,alis na po ako,kayo na po bahala magsabi kila mom." Paalam ni Avery matapos ilagay lahat ng kanyang niluto kagabi sa backseat ng kanyang kotse na regalo ng kanyang parents noong 16years old sya isang white Toyota corolla.

    "Ingat iha happy birthday Kay Blake." Sagot ng kanyang yaya.


Masayang tinahak ni Avery ang daan patungo kila Blake,at ng marating nya iyon ay agad syang bumaba at nagpatulong sa mga kasambahay ng kasintahan.

     "Where's everyone?" Pabulong na tanong ng dalaga.

      "Tulog pa po ate Avery."

      "Si Blake?"

      "Tulog pa rin po."


       "Okey pakilagay lahat sa refrigerator ha,akyat na ako sa taas,gusto ko ako ang unang babati sa kanya." Nakangiting paalam niya dito. Dahan-dahan pinihit ni Avery ang pinto ng kwarto ng kasintahan, bumungad sa kanya ang mabangong amoy ng kwarto nito,malinis ang kwarto ni Blake, kaya naman lalo nya itong minahal daig pa sya nito sa kalinisan. Marahan ang bawat pagkilos nya sa loob ng kwarto para hindi sya makalikha ng anumang ingay kinalas nya ang mga lobong hawak na puro blue at hinayaang nakalutang sa ere sa tapat ng higaan ng binata.

      "Ang gwapo talaga ng mahal ko." Bulong ni Avery habang minamasdan si Blake na natutulog,napangiti sya ng maalala kung saan nya nakilala ang binata.

     "Miss,wag mo na akong tanungin kung ano gusto ko baka masabi ko pa na ikaw ang gusto ko." Nakangiting pahayag ni Blake. Pinamulahan ng mukha si Avery na kasalakuyan nagtinda para sa kanilang school fare. At nasa may stage siya noon, doon nagsimula ang lahat it was three years ago. Mahal na mahal nya ito kaya naman lahat ng kabutihan nito ay sinusuklian nya. Matapos nyang nakawan ito ng maagan na halik sa labi ay kinuha nya ang kanyang cellphone at naupo sa sulok ng kwarto ng binata.

Naalimpungtan si Blake sa walang humpay na tunog ng kanyang cellphone, kinapa nya ito ng hindi iminumulat ang mga mata at ng makuha nya ito ay tiningnan nya ang caller..

     "Babes calling"

      "Babes,good morning." Bati ni Blake. Ngunit hindi sumasagot si Avery kaya naman napaupo sya kanyang kama at ibinukas ang ilaw sa kanyang ulunan unang tumambad sa kanya ang napakaraming lobo.

     "happy birthday babes!"sabi ni Avery sa kasintahan. Atsaka sya dahan-dahan lumapit sa binata, napanganga si Blake sa nakita sobra nyang mahal si Avery kaya naman napaluha sya ng makita itong nakatayo sa harapan nyang may hawak ng isang slice ng cake at may blue candle.

      " babes, akala ko may importante kang lakad?"tanog nya sa kasintahan.

      "Oo and it's you." Sagot ng dalaga."happy birthday babes, I love you and more candle to blow with me. "

     "Thanks babes, I will..I love you so much,you made me the happiest man on earth now!" Sabi ni Blake kasabay ng paihip sa kandila,bago niyakap ng mahigpit ang dalaga.

     "Wait me here,I'll go shower and we will eat outside for lunch later." Sabi ng binata.

     "No! We will have lunch here! I prepared everything last night babes, that's the important thing that I did."

     "Hmm! Swerte ko talaga sayo babes, beautiful sexy chef,smart and loving,what I can ask for more? Wala na kundi ang makasal tayo at the right time." Masuyo nitong sabi sa dalaga.

     "Naman kinilig ako babes,hindi ako smart kasi lagi na lang mainit ang ulo ng bagong Prof namin sa'kin!" Sagot ni Avery.

     "Pinahihirapan ka ba babes,kausapin ko gusto mo?" Tanong ni Blake.

     "No,kahit kayo pa ang may-ari ng school wag na wag mong gagawin yun okey, pansarili ko na yun okey babes."


   "Okey,I love you!"


     "I'll wait you outside,babes." Tugon ni Avery.


Ng makalabas si Avery sa kwarto ni Blake ay napaurong si Miguel ng makita ang dalagang nakangiti na pababa ng hagdan sinundan nya ito ng tingin kaya naman nabalot ng pagtataka ang kanyang isip.


      "Flirt!" Bulong nya sa sarili. Habang nakatingin pa rin sa hagdan na binabaan ng dalaga."sakit talaga ito sa ulo,at mukhang kapatid ko pa ang balak nitong guluhin!"



TBC....

{Completed} Straight From the Heart {Editing}Where stories live. Discover now