Chapter 18 - Friend

Start from the beginning
                                    

"Krizzle Paz!" Maagap kong sagot.

Nagkatinginan kami ni Poi upang maghintay. Buti di ako iniwan.

"Pwede na po kayong pumasok ma'am!" Alangan nitong tingin sakin matapos naming marinig tumalak si Manager Hero dun sa walkie talkie. "Pasensya na po, bago lang po kasi ako."

Napakamot pa ito sa ulo at nahihiyang tumingin sa akin.

"Okay lang kuya, alam ko pong ginagawa niyo lang ang trabaho niyo. At masyado pong effective." Nakangiting sagot ko naman sa kanya at marahan pa itong tinapik sa balikat.

Nagpaalam na kami kay kuyang guard at sabay na kaming pumasok ni Poi sa loob ng bar. Pababa ang daan sa EE at diretso ito sa locker room ng lahat ng mga empleyado, na siyang katabi rin ng kusina at bar counter na adjacent sa jamming Area.

Nagpaalam na si Poi at dumiretso sa music room. Ang MR ay nasa likuran lang ng stage ng Disco/ jamming Area. Dun namamalage ang mga banda at soloista kapag kanila na ang next set. Next to the MR ay isang glass room - ang MR2. Dito tumatambay ang mga banda o soloista na ayaw makihalubilo sa crowd. Pwedeng e close (through drapes), pwede rin publicly open.

At mga single and group couches na ang nakapalibot sa stage area.

Sinalubong ako ni Manager Hero ng beso beso.

"Pasensiya ka na Ms. Krizzle, di namin na inform ang mga bagong gwardiya." Sabi nito.

"Okay lang Manager, kasalanan ko din. Di ako kumukuha ng Pass."

"You don't have to." Mataray pang pagkakasabi nito. "By the way, nasa office niya si Sir Gab at hinihintay ka na. Nasabi ko ng nandito ka."

"Thanks!"

"And oh, by the way!" Muling salita nito na tila may nakalimutang sabihin. Napalingon naman ako sa kanya. Nalagpasan ko na kasi ito ng lakad.

"Dumating yun kanina na di maipinta ang mukha. Sana mapangiti mo, kawawa yung mga empleyado niyang natatalakan kapag napapasok sa lungga nito." Then roll his eyes.

Mababakas ang stress sa mukha ni Manager Hero. Mukhang kahit ito ay napagtaasan malamang ng boses o di kaya'y napagalitan ni Gab.

I apologetically smile at him. "Susubukan ko po."

Nagpaalam na din ito sa akin dahil maya maya din ay magbubukas na ang Bar.

Mukhang problemado na naman itong kaibigan ko ah.

Pumanhik ako sa second floor at tinungo ang office nito na nasa gitna ng VIP5 at VIP 6 rooms.

May sampung VIP rooms kase dito sa taas that can accommodate 3 - 15 pax. All can be publicly open or privately close.

Kumatok na muna ako bago pumasok sa naturang opisina. Bukas din naman kasi.

Nadatnan ko ang isang lalaki na tahimik na nakaupo sa kanyang sofa. Mariin itong nakapikit habang nakahilig ang ulo sa sandalan. Hinihilot din nito ang sintido gamit ang kaliwang kamay habang may hawak na baso ng alak sa kanan.

"Hey, Gab!"

Pukaw ko rito na tila ba hindi narinig ang pagkatok ko.

Napaangat ito ng tingin sa direksyon ko.

Agad ko namang isinara ang pinto ng opisina nito ng makapasok. Nag uumpisa na kasing mag ingay ang tugtugin sa labas. Pero soundproof naman ang office ni Gab kaya kahit mag - ingay kami sa loob o sobrang ingay sa labas, ay okay lang.

"Hey Kriz!" Pilit ang ngiting bati niya sa akin.

Mababakas sa mukha nito ang pagod at lungkot na di man lang kayang takpan ng pag ngiti nito.

TSGU 1: He's My X (Unedited)Where stories live. Discover now