இ Chapter Nineteen: Creepy Confessions

Start from the beginning
                                        

"I'll pay, okay?"--Jennifer.

Napailing talaga ako. Hanggang sa lumayo na kami doon dahil nakakahiya na.

Naglalakad na naman kami sa daan. Kanina pa kami silip ng silip sa isa't isa. Nahihirapan kaming magsimula ng topic.

" Sorry, Jennifer. Hindi ko kasi afford yon. Pero gusto mo ba, buy 1 take 1 burger tayo?"

May nakita kasi akong burger on wheels di kalayoan sa amin. For 35 pesos, dalawang burger na yan.

She smiled and nodded then she said:

"sure thing."--Jennifer.

Kaya tumungo kami doon at bumili ako ng burgers. Tig-iisa kami.

Naglalakad kami habang kumakain. Nandito kami ngayon sa isang park at buti nalang, wala namang masyadong mga epal sa paligid. Nararamdaman ko ang iba sa kanila pero hindi naman sila nag-papapansin sa kagwapohan ko.

" Kael, Thanks for the burger."--Jennifer.

I feel so sorry for her. Hindi ko man lang afford ang Italian cuisine na gusto niya. Pero kung iisipin, kasalanan rin naman niya dahil biglaan ang pang-iinvite niya sakin sa labas eh 50 lang naman ang laman ng wallet ko. Nga nga si Wallet.

"Don't worry. Babawi ako next time kapag ibinigay na sakin ang allowance ko."

Kaya, mahirap makipag date kapag nag-aaral kapa at independent pa sa mga magulang mo. Sa allowance mo nakasalalay! But this one is friendly date.

"Hahaha. No need. It's okay."-Jennifer.
Napailing siya na parang nahihiya.

Si Jana kaya? Kumakain na kaya sila ngayon? Busog na kaya siya? Sa isang fancy resto kaya siya dinala ng pinsan ko?

Pakiramdam ko, dumadamoves na talaga pinsan ko. At baka nakipagsabwatan pa siya kay Jennifer na ilayo ako para masolo niya si Jana!

Ang slow ko. Tskk! Bakit ngayon pa lahat ng 'to pumasok sa isipan ko? Ano ba naman! Utak ko na talaga ang slow! Hindi sana ako pumayag na sumama si Jana sa kanya!

Mag fra-fried chicken sana kami ni Jana eh pero ang bilis nga nang pangyayari? It was like Jana was instantly snatched from my hand!

"Kainis!"

Hinawakan ni Jennifer ang wrist ko na parang pinipigilan niya ako sa ginagawa kong...

"Kael! Ano bang kasalanan ng burger na yan?"--Jennifer.

Agad kong nabitawan ang burger. Hindi ko namalayan that I scrunched up the burger. Naging tiny burger na ito. I just murdered this poor, cheap food. Ang sama ko.

" Sorry. Ganito kasi ako kumain ng tinapay. Hehehe. Ginaganito ko para maisubo ko talaga ng buo! Hahaha!"

Kahit medyo nandidiri ako sa ginawa ko, kinaya ko talagang lunokin ito.

"Hahaha. Alam kong may iniisip ka. Ano yon? mag kwento ka naman."--Jennifer.

Iniisip ko si Jana na ngayon ay kasama si Kael. Hindi naman sa nag-aalala ako sa kalagayan ni Jana! Alam ko naman na amazona yon. Mas mag-alala ako sa pinsan ko na kapag may ginawang masama sa kanya, siguradong bogbog sa mukha ang aabutin niya. Kailangan pa niyang magpa surgery para maisaayos mukha niya.

Pero just that... I'm... Yes... I'm Jealous because she's with him.

" kasi Jennifer, naisip ko lang si Jana."

Siguro naman, maaasahan ko na to si Jennifer. Mabait naman siya at alam ko, hindi niya ipagsasabi kung may aaminin man ako ngayon.

Hindi ako mahilig mag kwento ng tulad neto kasi parang ang lame ko. I sounds like a cute girl here telling a secret to her girly friend.

Creepy Red String Attached [ C O M P L E T E D ]Where stories live. Discover now