{6} April Fools

799 30 6
                                    

Matagal na pala 'tong nasa draft ko haha. Post ko lang.

Nagmamadali akong umupo sa bakanteng upuan sa canteen kung saan malapit kay crush.

Kumakain lang ako nang mabitawan ko ang kutsara't tinidor ko dahil nakita kong nakatingin siya sa akin at hindi ako nagkakamali! Papalapit siya sa akin.

Kinuha ko ng madalian sa bag ko ang salamin at nagpaganda ako. Syempre, once in a life time lang ang ganito. Umayos ako ng upo at nagkunwaring hindi ko alam na papunta siya.

"Hi Mae." ang sabi nito. Halos magtatalon ako sa tuwa! Ang tagal-tagal ko nang hinihintay 'to. Ilang araw na ba? buwan? o baka nga taon na?

"Gusto ko lang tanungin.... p-pwede ba kitang mayaya sa date?" napatayo ako at kung ppwedeng magningning ang mga mata ko ay naging chandellier na ito sa harap ni crush.

"H-ha? D-date? O-o-oo." nahihiya ko pang sagot. Lumapit pa siya sa akin lalo at pinisil niya ang pisnge ko.

"Ang cute mo pala." double, triple kilig ang naramdaman ko! level 999999!

Tulala lang akong pinagmasdan siyang bumalik sa table ng mga kabarkada niya.

Pero nagulantang ang buong katawan ko nang tumayo ulit siya at nakangiting lumapit.

Tumigil siya sa harapan ko.

"Ano nga palang date ngayon?" tanong nito. Madali ko namang kinuha ang cellphone ko at tinignan ang date ngayon. Baka para ma-set na niya kung kelan kami lalabas! 

"April 1," sagot ko. Akala ko ay ngingiti lang siya ng napaka-tamis pero ikinagulat ko nang humalkhak siya ng malakas sa harap ko.

"HAPPY APRIL FOOLS DAY."

At tsaka lang nag process ang lahat sa utak ko.

One Shot CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon