Chapter 9

55 4 0
                                    

North's POV

MUNTIK pa tuloy nasira ang plano ko dahil sa tatlong yun. Hindi nga ako makapaniwala na naging kaibigan ko ang tatlong yun at masali pa sa banda nila. Hindi talaga nila ako tinigilan hangga't hindi ako pumapayag na maging vocalist nila. Kaya pumayag na ako, ang kulit kasi. Nung nasa cafeteria na kami nagkwentuhan lang kami tungkol sa mga buhay-buhay namin nang madulas ako at nasabi ko ang tungkol kay South.

Hinatid ko nalang si south sa next subject niya, mahirap na baka magtanong pa yun, mabuko pa ako.

"Mr. Collins," tawag ng prof namin sa history of music. Tumingin ako sa kanya.

"Yes sir?"

"What is music?" tanong niya sa'kin. Tumayo ako. "Music is the window of our soul. It portrays our story as we live our life everyday. And it expresses the emotions and feelings that we cannot say straightly to a person. We can also call it as life," dire-diretso kong sagot sa prof namin. Umupo na ako at sinulat ang mga nakasulat sa white board.

Hindi ako nakinig sa discussion, ang boring. Kaya kinopya ko nalang lahat nang nasa board. History kasi ng music ang dini-discuss, kung saan nagsimula, at kung sino ang kauna-unahang taong nakaimbento ng instrument na ito, mga ganyan.

Naramdaman kong nag-vibrate ang cellphone ko sa bulsa. Kinuha ko ito ng pasekreto, ayokong ma-confiscate 'to. Si Timothy lang pala nag-text akala ko kung sino. Sinabi lang na may practice kami pagkatapos ng klase sa music room.

Tinanong ko siya kung saan banda yun ng school makikita. Yun pala yung room na pinasukan ko pagkatapos ng audition.

♪♪♪

Dumiretso na ako ng music room pagkatapos ng klase ko. Pagkarating ko doon na nandoon na silang tatlo at nire-ready na ang mga instrument na gagamitin namin.

"Anong kakantahin ko?" tanong ko sa kanila pagkapasok ko.

May inabot si Timothy na mga bondpaper sa'kin. Binasa ko yung mga titles ng kanta. Buti nalang familiar sa'kin yung mga kanta pero hindi ko pa ganun ka kabisado.

"Alam mo ba ang mga kantang yan?" tanong ni Timothy.

"Medyo pero di ko pa talaga ito ganun ka kabisado."

"Ok, magsimula na tayo."

Sinimulan na ni Timothy at Micheal mag-guitar sumunod na rin si Vam mag-drum para sa intro ng kanta. Lumapit na ako sa mic.

Tatlong kanta ang pa-praktisin namin na iba't ibang genre. Ang unang kanta ay Vulnerable ng Secondhand Serenade, ang pangalawa ay This Love ng Maroon 5 at Ignorance ng Paramore.

Naging maayos ang practice naming medyo nakakailang nga lang kasi yung mga taong dumadaan ng music room tumitingin sa'min tapos bigla-bigla silang ngingiti. Naka-glass kasi yung window kaya kitang-kita kami ng mga tao sa labas.

"Bukas ulit, guys. Dito pa rin," sabi ni Timothy, siya yung leader ng band, pagkatapos namin mag-practice. Nauna akong lumabas para makapagpahinga ako sa bar kahit saglit lang.

"North!"

Nilingon ko ang tumawag sa'kin. Kilalang-kilala ko na ang boses na ito.

"Bakit?" walang gana kong sagot sa tumawag sa'kin.

"Uuwi ka na?"

"Uuwi na sana kung hindi mo ako tinawag," ngumiti ako sa kanya.

"Samahan mo muna ako sa mall, may bibilhin lang ako dun saglit," sabi niya nang naka-puppy eyes at pout. Heto na naman tayo sa ganyan. Hindi talaga ako makapagtanggi 'pag ginagawa niya 'yan. Ang cute talaga niya tingnan ng nakaganyan.

More Than Words [Complete] (EDITING)Where stories live. Discover now