Chapter 20

72 5 0
                                    

South's POV

HINAHANDA ko na ang sarili ko na makita ang magiging reaction ni Dad kapag nakita niya akong kumanta at isa sa lead role ng play. Hindi naman ako kinakabahan sa pagtapak ko ng stage at mag-perform kundi kay Dad ako kinakabahan.

"Everything's gonna be okay, South," niyakap ako ni North mula sa likod.

"I hope so."

"God bless sa pag-act mo. Just remember nandito lang ako palagi."

"Magsisimula na tayo in 5 minutes. Kids, lapit muna kayong lahat," agaw pansin ni Sir Holland sa'ming lahat. Lumapit kami. Magkahawak pa rin ang mga kamay namin ni North. "Let's pray before we start. Let us all be aware of the holy presence of the Lord."

"And adore His holy name."

"In the name of the Father, of the Son, of the Holy Spirit, Amen. Lord, please guide us to make this musical play successful, especially these kids who'll perform in front of their parents. Don't let us be distracted and be conquered by nervousness, pressure, and stage fright. In the name of Jesus Christ, Your Son, Amen. In the name of the Father, of the Son, of the Holy Spirit, Amen. Just enjoy, Kids!"

Kanya-kanya na kami ng pagre-relax at pagkalma ng mga sarili bago lumabas ng backstage.

"Mauna na ako, South."

Lumabas ang mga kasali sa first scene kasama si North dahil siya ang gaganap na ama ni Cosette. Huminga ako ng malalim. Hihintayin ko nalang ang turn ko.

Matagal-tagal rin akong naghintay sa part ko. Nang tinawag na ako ni Sir Holland na malapit na ang part ko ay lumapit na ako sa may pinto at inayos ang suot ko. Ito ang scene kung saan nagra-rally ang mga tao sa plaza. Hanggang dumating na nga ang part na kakantahin ko ang On My Own at sa time na 'yon ay nakita ko si Mom at Dad na nakaupo sa second row.

Pinagmasdan kong maigi ang expression ng parents ko. Base sa mga mukha nila, proud si Mom sa nakikita niya ngayon sa'kin. At si Dad naman ay hindi ko maunawaan ang pinapakita niya. Kung galit ba siya o hindi.

Medyo bothered ako hanggang sa matapos ang play. Pinakilala na kami isa-isa bilang casts. Tumabi sa'kin si North at hinawakan ang kamay ko.

"Relax ka lang," bulong niya.

Nakita kong umalis na si Dad. Sinundan siya ni Mom. Hindi ko na maunawaan ang nararamdaman ko ngayon kahit na pinaghandaan ko na ito. Kailangan ko na talagang makausap si Dad tungkol dito.

Nagpalakpakan ang mga tao matapos ipakilala at nag-bow, at nagsara na ang malaking kurtina.

"Puntahan mo na sila. Ako nang bahala sa mga gamit mo. Susunod nalang ako."

Sa sinabing 'yon ni North ay nagmadali na akong lumabas ng theatre. Nakita ko si Mom at Dad na nag-uusap. Lumapit ako sa kanila.

"Dad, sorry!"

"Ilang beses ba kitang sasabihan na hindi ka dapat kumakanta para makapag-focus ka sa pagiging pianist?"

"Honey, malaki na si South. Hayaan na natin siya. Alam na niya ang ginagawa niya."

"Dad, please! Pakinggan mo naman ang side ko."

"Tigilan mo na ang pagkanta nakakasama lang yan sa pagiging pianist mo."

"Dad, kaya ko namang ipagsabay ang pagkanta at pag-play ng piano. Atsaka passion ko rin ang pagkanta. Gusto ko rin namang maging pianist kaya naisip ko na pwede ko naman siyang pagsabayin. May mga magagaling at sikat na pianist at the same time singer din ngayon sa music industry. Papatuyan ko po sa'yo na kaya ko ring gawin ang ganoon, Dad. Just let me do it, please!" Naluluha na ako nang sabihin ko lahat nang gusto kong sabihin.

More Than Words [Complete] (EDITING)Where stories live. Discover now