"Di eh! Walang mag-aasikaso ng business mo! Remember!"

"Eh... Pwede namang----- ah, basta mom, dad sasama ako sa inyo. Ayaw kong maiwan sa babaeng 'to!" turo kay Gabriela'ng bruha.

"O bakit naman ayaw mo'ng maiwan kasama ako!" sabay ngisi niya. Naku masasapak ko itong demonyitang 'to ah. Ayaw ko nga'ng makasama 'to. Matapos nung nangyari kanina. Baka nga hindi lang yun' ang abutin ko, baka rape-in pa niya ako. Baka nga pasukin niya ang kwarto ko habang mahimbing na natutulog ako. Mahirap na.

"Basta 'di ka pwedeng sumama.. Quality time namin yun ng daddy mo. Diba honey?!" mommy

"Yes my dear wife!" sabay kindat ni daddy kay mommy

Mukhang may masamang binabalak ang dalawang matandang ito. Iba kasi ang tinginan sa isa't isa. Mukhang kailangan kong mag-ingat.

Gabby's POV:

"O Hija! pagkakataon mo na ito para masolo si Janus! Ayusin mo ha!" ngumiti na lang ako kay tita.

Tinutulungan ko siya ngayon sa pag-aayos ng kanilang maleta. Paalis na din kasi sila ni tito bukas na bukas din.

"O siya! Tama na ito matulog ka na. Kaya ko na naman ito!"

"Sige po tita" sabay beso sa kanya "Matulog na din po kayo. Maaga pa ang flight niyo bukas ni tito"

**********

"Hoy! Pwede ba bumangon ka na dyan. Hindi ka sensyorita dito para ako pa ang gumising sayo! Abah! Napapa-swerte kang bruha ka!" hahaha.... si Janus my loves.

Ginigising niya ako kahit buhay na buhay na naman ang diwa ko. Nagpapanggap lang ako na natutulog. Sayang din kasi yung paghawak niya sa braso ko. Hihihi...

"Ayaw mo talagang gumising huh! teka hintayin mo lang ako, may alam akong ibang paraan para bumangon ka na dyan!" naramdaman ko namang lumabas ito ng kwarto ko. Ang sarap niyang asarin.

Maya-maya lang i heard some footsteps na papalapit sa pinto ng kwarto. Baka siya na yun'.

"Abah!!!! tulog mantika ka talaga huh!"

"Eto bagay sayo!"

"Uwwwaaahhh!!!!! Ang lameeeeegggggg" huhuhuhu!!!... Binuhusan niya lang naman ako ng malamig na tubig. May ice cubes pang kasama. Napaka maldita niya.

"Ba-Bakett mo naman ako binuhusan ng malamig na tubig? May yelo pang kasama.... Pwede namang daanin sa magandang paraan"

"Eh kasi naman po ang hirap-hirap mong gisingin! Dinaig mo pa ang mantika!!!!!. Yan na lang ang way para gumising ka. Bumagon ka na nga dyan nang makapagbihis ka na. Ikaw na lang ang hinihintay. Maaga pa ang fight nila dady't mommy.... Paimportante! Hmmmmmp!" sabay walkout

**********

Nandito na kami ngayon sa airport.... Tita and tito will have there vacation in Hawaii. Magtatagal din siguro sila dun. Ang dami kasing dalang gamit.

"Ingat po kayo tita! tito" paalam ko sa kanila.

"Ingat din kayong dalawa" si tito

"Janus! mag-iingat kayong dalawa hah! I-double check niyo ang bahay bago matulog. Mahirap na baka pasukin kayo ng magnanakaw" si tita

"Ma' ano ka ba?! para naman akong bata para sabihan mo pa ng ganyang bagay. Alam ko na naman yan! Helloooo!!!!"

Janus' POV:

Nadito kami ngayon sa kotse ko. Pauwi na.... Mukha akong driver nito. Samantalang yung bruha na babae na yon nasa back seat prenteng-prente na nakaupo.

"Janus!!! Pwede bang mag drive thru na lang tayo.... It's almost 7 na din naman kasi eh!.. Gutom na ako. It's late na rin naman para magluto pa sa bahay!"

"Ayos kang makapag utos ah! ako ang katulong? ikaw ang amo? at pwede ba huwag mo akong matawag-tawag lang na Janus. It's MADAM JANUS!!! Gets?" taasan ko nga ng kilay.

"Yes!.... sir Janus" sabay salute niya sa'kin

"Abah! sinabi ng madam eh!" singhal ko sa kanya.

"Ayaw ko nga... Kung gusto ko sir eh! Di bagay sayo ang madam! Sayang ang kagandahang lalaki mo"

Nakakaloka na talaga siya. Ayaw ko nang makipagtalo sa kanya. Masyado siyang makulit.

"Ay! Huwag na lang pala sa drive thru.... May alam akong ibang kainan... Mas masarap dun" sabay taas, baba ng kilay niya sa akin. Talagang ang babaeng ito.... Ang gulo niya. Ang sarap niyang ihampas sa pader.

Gabby's POV:

"Kumain ka na! Masarap naman ang pagkain dito!" pagpupumilit ko kay Janus. Nandito kasi kami ngayon sa isang karinderya. Dito ko siya niyaya para kumain.

"Bakit ba kasi dito mo pa ako hinila-hila! ayaw ko na nga'ng bumaba ng kotse eh!" reklamo niya

"Bakit ba ang arte mo? parang di ka lalaki. Malinis naman ang pagkain dito ah! at masarap pa" ang sama ng tingin niya saken.

*kruuuu' kruuuu' kruuuu*

"Pfftttttt.... Hahahaha..... Kita mo na! Pati tiyan mo nagwewelga na.. Kumain ka na kasi... Hahahaha!" lalong sumama ang tingin niya saken.

"Grrrrrr!!!!! Nakakainis kang bruha ka! Ang sarap mong kalbuhin!'" akmang sasabunutan na niya sana ako.

"Oi, oi, oi, nasa harapan tayo ng pagkain oh!" pigil ko dito. Napapatingin na din kasi sa aming dalawa ang ibang mga kumakain dito. Ang lakas kasi ng boses namin. Agaw atensyon kami sa mga costumer.

"Hehehe.. Pasensya na po!" paumanhin ko sa mga kumakain dito sa karinderya.

"Kumain ka na kasi. Masarap naman yang mga pagkain dito. Huwag ka nang mag inarte pa" sabay lagay nang ulam sa plato nang kanin na nasa harap niya.

"Siguraduhin mong malinis ang pagkain dito! kung hindi itatapon kita sa Manila Bay nang buhay" pabulong na sabi niya sa akin

"Basta kumain ka na lang diyan!"

**********

"Hayyyy!!! Grabe busog na busog ako dun ah!" ako habang hinihimas ang tiyan ko.

"Sa dami mo namang kumain sino ba naman ang hindi mabubusog dun?. Naka tatlong order ka kaya ng kanin! dinaig mo pa ang lalaki kung kumain"

"Parang hindi siya. Aayaw-ayaw pang kumain sa karinderya na kesyo madumi daw, hindi masarap! Eh ang dami mo din namang nakain" sabay ngisi ko dito.

Siya naman iniwanan ako dito sa living room. Nag-walk out.

Hindi talaga mabiro ang lalaking yun. Ang pikunin niya.

Ang dami naman talaga niyang nakain sa karinderya eh!.

HIS SEXY MAIDWhere stories live. Discover now