"Anong masamang hangin ang Nagdala sayo dito?" tanong ko ng nakapikit.
"Eto oh.. Midnight Snack tayo." tapos nilapag niya yung Pizza sa Table. "Antok ka pa ba? Pasensiya na talaga ha.."
"Ok lang.." sagot ko.. Kumuha ako ng Pizza, sayang din 'to "Di kana pumasok kanina?" tanong ko, napakamot naman siya sa ulo niya
"Hindi na eh.. Pag dating ko sa Bahay, Humiga ako sa Kama tapos ayun, nakatulog ulit ako. Hehe." sagot niya.. Di ko naman sinabing mag explain. Kumain lang kami ng Pizza.. Nang maubos na ay pumikit ulit ako..
"Masama ba pakiramdam mo?" tanong niya
"Hindi.Bitin lang sa Tulog. Dami istorbo eh." sagot ko, narinig ko naman ang mahinang tawa niya..
"Sige pala, uuwi na k--" hindi ko siya pinatapos magsalita at hinila ko siya paupo sa tabi ko.
"Dito ka muna. Malalim na ang gabi, Baka kung mapano kapa sa Daan." sabi ko.. Pumikit ulit ako.. siya naman nakasteady lang ang upo.. Hinigpitan ko ang hawak sa kamay niya, baka tumakas -__- Joke. Gusto ko lang higpitan, lambot ng kamay ehh.. "Hindi kaba inaantok?" tanong ko. umayos naman siya ng upo.
"Hindi. Medyo kagigising ko lang kasi." sagot niya. Tumango lang ako. Nakahawak lang ako sa kamay niya habang nakapikit. Ayaw na kong dalawin ng Antok. Naramdaman ko ang Paggalaw niya, balak niyang tumayo pero hinigpitan ko ulit ang Hawak ko sa kanya.
"Saan ka pupunta?" tanong ko habang nakapikit padin
"Ha? Sa itaas, kukuha ako ng Kumot mo. Kala ko kasi tulog kana." sagot niya..
"Wag na. Dito ka lang sabi," madiing sabi ko, umayos ulit siya ng upo. "Nagka Girlfriend kana ba?" maya-maya'y tanong ko. Gusto ko lang malaman -___-
"Hindi pa." sagot niya.. Sa gwapo niyang yan? Hindi pa siya nagkaka GF?
"Bakit? Ayaw mo ba mag Girl Friend?" muling tanong ko.
"Hindi naman sa Ayaw. Yung gusto ko kasing Babae ay Taken na ang Puso." sagot niya. Hm, Ok?
"ako ba yun?" diretsang tanong ko.. Matagal naman bago siya sumagot
"Tinatanong pa ba yan?" sagot niya. Kung sa bagay, Dati ko pa nga naman alam na gusto niya ko.. Bobo mo talaga Crystal!
Muli kaming natahimik.. Pero naisipan kong magsalita muli
"Bakit ako ang nagustuhan mo? Hindi ako deserving sayo." sabi ko..
"Hindi ko alam. Kasalanan ko ba na Sa'yo tumibok at umibig ang Puso ko? Sinusunod ko lang kung anong sinasabi ng Puso ko" sagot niya
"At kaylan pa natutong magsalita ang Puso?" sarkastikong tanong ko. Natawa naman siya. Tsk. Ano nakakatawa sa sinabi ko?
"Mula nung Makita at makilala ka niya. Natuto siyang Magsalita at sabihin sa'kin kung ano ang nararamdaman niya." sagot niya. Oh sige na nga -__- "Eh ikaw? Bakit sa dinami-rami na pwede mong magustuhan, sa Bestfriend mo pa.?" tanong niya..
"Natural na yun. Limang taon na kaming magkakilala. Nahulog ang loob ko sa kanya. Kaya lang naman ako nasasaktan ay Dahil masyado akong umaasa. Yun ang Mali ko." sagot ko.
"Kung ako ba ang una mong nakilala, Magugustuhan mo din ako?" diretsahang tanong niya.
"Depende. Kung Katulad ka ni Matthew na Mabait, Totoo sa sarili. Gentleman. Yun bang Almost Perfect. Baka magustuhan din kita." sagot ko.. Bumuntong hininga naman siya.
"Ganun din naman ako ah, Hindi mo lang napapansin dahil laging nasa kanya ang Atensyon at Paningin mo." sabi niya.. Lumungkot ang Boses niya. "Pero may pagkakaiba naman kami"
"Ano?" tanong ko.
"Siya, Mahal ka niya Bilang kaibigan. Ako, Mahal kita Bilang Ikaw.. Siya Paasa. at ako. Hindi." natigilan ako sa sinabi niya.. Tama siya.. Yun ang pagkakaiba nila ni Matthew..
di nalang ako sumagot at umulo ako sa Balikat niya.. Hinigpitan ko ulit ang hawak ko sa kamay niya.
"Thank you.. For being with me." bulong ko..
"Basta para sayo.." sagot niya..
Haaayys.. Sana talaga .. si Zeus nalang ang una kong nakilala.. Eh kaso, Nagpahuli siya eh -__-
YOU ARE READING
Gitara [Completed]
Teen Fiction©2014 Mahirap mainlove sa isang kaibigan, dahil hindi mo alam kung saan ka lulugar.. Pilit mo mang ipagsiksikan ang sarili mo, wala ka din magagawa dahil yung pinaglalaban mo, ay wala namang pagtingin sayo. wag ng umasa kung wala namang aasahan..
Gitara-Part 7
Start from the beginning
![Gitara [Completed]](https://img.wattpad.com/cover/13872409-64-k133868.jpg)