Pag dating sa School,Dumiretso agad ako sa Room..

"Uy! Crystal!" tawag sa'kin ni Lyka pagkaupo ko. "Bakit ka Absent kanina? Si Zeus, absent din. Wala tuloy ako kasabay kumain kanina." sabi niya ng Nakanguso -__-

"Tinanghali ako ng gising." sagot ko.. Tumango-tango naman siya

"Siguro si Zeus, Tinanghali din ng Gising." Nakangiting sabi niya ..

"Anong gusto mong palabasin?" tanong ko. Ngumiti ulit siya

"Wala akong sinasabi ha!" sabi niya. Tsk..

 Natapos ang klase ng ganun-ganun lang. Sana pala ay hindi na 'ko pumasok -__- Inaantay ko na magtext si Matthew, Baka kasi Ayain akong Umuwi or sabihin niya sabay kami.. Kaso Asa pa naman daw ako. Dumaan sa Harap ko kasama yung nililigawan niya. At sa sobrang Titig sa Nililigawan niya, hindi niya na ko napansin. Haaayys.. Sanay naman na ako eh. Ganyan talaga siya kapag may nililigawan.

 No choice ako kaya umuwi na ko mag-isa. ayoko naman kasabay si Lyka. Ang daldal eh -__- si Zeus naman, di ko pa nakikita. Baka di na pumasok.

Pagdating ko sa Bahay. Deretso kwarto ulit ako.. Kinuha ang Gitara at muling kumanta. Ganito naman ako lagi ehh. Para hindi ako maboring..Habang Nag-i-strum ako ng Gitara. Napansin ko na naman ang Lalaking nakatingin sa'kin. Kahit di ko makita ang mukha niya dahil nasa dilim siya ay sigurado ako na dito siya nakatingin. sa'kin. Tumayo ako atsaka bumaba. Lumabas ako ng Bahay. Pero pagtingin ko, wala na siya..

 Nahihiwagaan na 'ko sa lalaking yun ah..

Tumaas nalang ulit ako.. Matutulog nalang ako, mas Masaya pa -____-

-

 *Too many walls been built inbetween us Too many dreams have been shattered around us itf i seem to give up they'll still never win....~

Kinapa-kapa ko ang Cellphone kong kanina pa Nagwawala..

"Hello?" nakapikit kong sagot sa tumatawag

[CRYSTAL!!] napabalikwas naman ako.. Napakamot ako sa ulo ko

"What ? Dad? Sinabi ko na, hindi ako sasama! Ayoko!" sabi ko..

[Bakit ba napakatigas ng ulo mong Bata ka?!!]

"Ayoko sumama sa inyo! Nakalimutan mo na bang nag-aaral ako?!!" sagot ko, aish! Sa tagal ng Panahon na Nagawa niyang pabayaan akong mag-isa dito ay ngayon niya lang naisipan na isama ako? tsk

[Mapipilit din kita!!] *tooot tooot*

Humiga ulit ako.. Kulit -___-

*Bzzzt Bzzzzt*

Muli kong kinuha ang Cellphone ko. Aish! Bakit ba napaka daming istorbo sa Pagtulog ko?!

UNKNOWN::

[Silip ka sa Bintana]

 Ehhhh? sino naman 'to? At dahil Curious ako.. Tumayo ako at sumilip sa Bintana. -___- anong ginagawa niyan dito? Kumaway pa siya..

 Bumaba ako tapos Binuksan ko ang Pinto at pinapasok siya..

"Pasensya na sa istorbo." sabi niya.. Umupo naman ako tapos pumikit..

Gitara [Completed]Where stories live. Discover now