"Umayos ka nga.." Naiilang na sabi niya.


"Ang ganda pala ng mga mata mo kapag malapitan,ano?" He smiled at her.


"Tigilan mo nga ako.." Inis na sabi niya. Shet. Kung alam lang nito kung ano ang ginagawa ng titig at mabubulaklak na salita nito sa kanya. Kung talagang maririnig lang nito ang lakas ng dagundung ng dibdib niya dahil sa kaba at antisipasyon ay marahil mabibingi ito.


Teka.. antisipasyon?


Antisipasyon para saan?


Akmang ilalayo na sana niya ang kanyang mukha ng bigla siyang halikan ni Marco. She couldn't help but surrender to his kisses.


What's the point of denying it?

She is definitely inlove with this man.


And did she ever mentioned that his kisses are as sweet as candies?


Nang maghiwalay ang mga labi nila ay nakuntento lang silang magkatitig.

Maingat na hinaplos nito ang kanyang pisngi at hinawi ang iilang buhok niyang nakatabing sa kanyang mukha.


"About what I said.." he started.


"Huwag nalang Marco." Pigil niya rito. Nakita niya ang pagbabago ng ekspresyon nito. Kumunot ang noo nito na tila naguguluhan sa sinabi niya.


Ayaw niyang marinig ang sasabihin nito. Dahil natatakot siya.


Natatakot siya na baka bawiin nito lahat ng sinabi niya.


Pero bakit siya nito hinalikan kung babawiin lang din nito ang sinabi?



'Baka pinaglalaruan ka lang!' sigaw ng isip niya.


Hindi. Ikinubli niya sa kanyang isipan ang pumasok na ideya sa kanya. Ayaw niyang isipin na ganoon nga ang intensyon ni Marco.

Alam niyang hindi nito kayang gawin iyong naiisip niya.


Pero natatakot parin siya.


"I like you,Adie. I really do." seryosong sabi nito sakanya.


Her lips trembled. This feeling is overwhelming her whole being.


"A-Ang bilis naman kasi eh.. B-Baka hindi ka sigurado sa nararamdaman mo,Marco. Pag-isipan mo munang mabuti ang mga salitang lumalabas sa bibig mo.." Naiiyak na sabi niya.


She swears that she saw how his jaw clenched because of what she said.


"Don't judge what I feel. If I say I like you, I like you. Tapos. Walang pero-pero.." matigas na sabi nito.


She flinched from the way he speaks. Ngayon lang niya ito nakitang ganito. Na seryosong-seryoso. Marahil ay napansin nito ang takot na bumalot sakanya kaya masuyong hinaplos ulit nito ang magkabilang pisngi niya. His eyes not leaving hers.



Huminga ito ng malalim bago pinagpatuloy ang sinasabi. "Look, Adie.. I will not lie to you. Why would I? Ano'ng mapapala ko kung magsisinungaling man ako sa'yo? Gusto kita. Gusto ko kapag nagagalit ka sa'kin, gusto ko 'yung makulit na ikaw, gusto ko yung nag-iinarte na ikaw, gusto ko kapag nag-aalala ka sa'kin. Gusto kita kasi ikaw ay ikaw."


Bawat salitang sinasabi nito ay tumatagos sa puso niya.

Ano ba'ng magandang ginawa niya at nagkagusto sakanya ang lalaking ito?


A Love to Report [Fin]Where stories live. Discover now