Season 2 | Q |>> #TheTruthAboutUs (PART THREE)

Magsimula sa umpisa
                                    

Mga ala-sais na nang umaga nang tumayo na ako sa sulok na kinatataguan ko at nilakasan ang loob ko at nag-ayos para pumunta sa bahay nila Kendrick at ako na mismo ang kumuha nang mga gamit ko doon.

Hindi ko alam kung bakit ko ito ginawa pero siguro may maliit na parte pa din sa akin na gusto ko siyang makita o masulyapan man lang. At may parte sa akin na sadista at masokistang gustong malaman kung pareho kaming nasasaktan sa desisyon ko.

Naligo ako at nag make-up para maitago ang mga mugtong mata ko dahil sa pag-iyak ko kagabi. I know I looked like crap and if ever Kendrick will see me, he might laugh at me for being such a mess.  Pero baka hindi din, kasi sabi niya sa akin noon mas maganda daw akong walang ayos o make-up. Sabi niya dati minahal niya daw ako hindi dahil maganda ako kung hindi dahil sa buong pagkatao ko…sabi niya…

No. Belle. Ikaw ang nag desisyong layuan siya. Pangatawanan mo yan.

Matagal pa akong nag decide kung anong isu-suot ko pero sa huli, naisuot ko din yung blue shirt niyang kinuha ko last week. I know I may look like a desperate ex, wala na akong maisip na suotin. Kukunin ko na ang lahat ng gamit ko sa bahay niya, gusto ko kahit paano maalala ko na minsan naging parte siya ng buhay ko.

Hindi na ako nag-abalang tumawag sa kanila at umasang wala sa bahay nila Si Kendrick.

Yung mayordoma nila ang nagbukas sa akin ng gate. Alas-otso na din kasi nang makarating ako. “Manang? Nandyan po ba si Kendrick?”

Tiningnan ako ng malungkot ni manang Aiyah, siguro nahahalata niya yung pamumugto nang mata ko kahit anong kapal pa nang make-up na inilagay ko.

 

“Ma’am, hindi ko po napansin na umuwi si sir Kendrick kagabi. Bakit po?”

Pinilit kong ngumiti kahit na sobrang nag-aalala ako. “Ah wala naman. Kukunin ko lang ang mga gamit ko sa kwarto niya.”

Mukhang naguluhan si manang sa sinabi ko pero hindi ko siya pinansin at dumeretso sa kwarto ni Kendrick na nagsilbing pangalawang kwarto ko na din nitong mga nakaraang buwan.

Pagkapasok ko hindi ko na naman mapigilan ang pagpatak ng luha ko. Kagaya pa din ito nang iniwan ko nang nakaraang buwan. Nandun pa din yung red shoes ko sa may dulo nang higaan katabi nang sneakers ni Kendrick. Pati yung mga pabango ko nasa may side table pa din at yung librong iniregalo ko nasa kama pa din niya.

Tahimik kong inilagay ang lahat ng gamit ko sa bag na dala ko at umalis na sa kwarto.  Pero bago nun kumuha ako nang isang piraso nang stick note sa may drawer at nagsulat nang ‘I’m Sorry,’ bago ito idikit sa may head board niya.

Hindi ko kayang mag-tagal sa loob. Puno yun nang mga alala na magkasama kami at baka hindi ko na kayanin kapag nagtagal pa ako doon sa loob. At isa pa ayokong maabutan ang mga kapatid niya. Hindi ko kayang i-explain sa kanila ang nangyari. Nahihiya ako.

Tinulungan ako ni manang na ilagay sa kotse yung bag. “Ma’am hindi naman po sa pangi-ngialam pero may problema po ba?”

Bad Girl for A Girlfriend (1 &2) | To be SELF PUBLISH ON FEBRUARY 2025Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon