"Ah, Sure." sagot ko. Ngumiti naman siya tapos umupo na. Nilabas niya yung Cellphone niya at inilagay sa Tenga niya.

"Hello? Ha? Yup, Nandito sa Labas. Yup. Ok, Wait kita." tapos binaba niya na ulit. Tumingin siya sa'kin at muling ngumiti.. "Mag-isa ka lang?" tanong niya

"Hmm, Hindi. Kasama ko yung Friend ko." pagkasabi ko nun, saktong dating naman ni Zeus. Tumabi siya sa'kin.

"Zeus Dela Vega, Right?" sabi nung babae. Tumingin ako kay Zeus

"Magkakilala kayo?" tanong ko..

"Di naman, Siya yung Transferee." sagot ni Zeus. Ah, Ok. Siya pala yun. Maganda nga. Inumpisahan ko ng kumain ng Ice cream.. Tahimik lang yung Babae at maya't-maya ang tingin sa Cellphone niya.

"He's Here.." nakangiting sabi niya.. 

"Sorry, Katatapos lang ng Practice." sabi ng lalaking kadarating lang..

"Best Friend?!" sabi niya ng Makita niya 'ko. Nginitian ko lang siya. "Magkakilala na kayo?" tanong niya sa Girl.

"Ha? So, siya pala yung kinukwento mo na BestFriend mo?" sabi nung Girl habang nakaturo sa'kin.

"Yup. BestFriend, siya si Sheena.. Sheena, BestFriend ko, si Crystal." nakangiting pagpapakilala ni Matthew. Siya pala yun. Maganda, Sexy,Makinis,Mabait at Palangiti.

"Hi, Crystal =)" nakangiting pagbati niya kaya nginitian ko nalang din siya.. "Let's Go?" tanong niya kay Matthew.. May lakad sila?

"BestFriend. Ingat ka pag-uwi ah? Tol, ingatan mo yan." saad ni Matthew bago sila umalis -__- Binitawan ko ang kutsara ko, Nawalan ako ng Gana.

"Hey, Sayang yan." sabi ni Zeus. bumuntong hininga lang ako..

"Hatid mo 'ko." diretsong sabi ko sa kanya.

"Sure ka?" tanong niya . Tumango-tango lang ako.

Naglalakad na kami Pauwi sa Apartment ko.. Saan kaya sila nagpunta? Haaaayyss. Bakit ko ba iniisip yun.

"Salamat ha." sabi ko kay Zeus ng nasa tapat na kami ng Apartment. "Pasok ka muna." pag-aya ko sa kanya, Napakamot naman siya sa Batok niya.. "Tara.." sabi ko tapos pumasok na 'ko. Sumunod naman siya. Sa totoo lang. Siya ang Panglawang Lalake na nakatuntong sa Loob ng Apartment ko, Yung una si Matthew siyempre. "Upo ka muna." sabi ko sa kanya, dumiretso naman ako sa itaas sa Kwarto ko. Nagbihis lang ako tapos kinuha ko yung gitara ko. Pagbaba ko, naabutan ko siyang nililibot ng Tingin ang bawat sulok ng Apartment ko. "Juice, gusto mo?" tanong ko,

"Hindi na. Salamat." sagot niya. Umupo naman ako. Umupo din siya

"Marunong ka mag gitara diba?" tanong ko.

"Oo, pero hindi ako gaanong maalam." sagot niya.

"Gusto mo,Kantahan kita?" nakangiti kong tanong. Umaliwalas naman ang mukha niya

"Talaga?" balik tanong niya.. Di ko na siya sinagot at inumpisahan ang Pag strum ng gitara..

[PLAY NIYO PO YUNG SONG ^__^]

~Umaasang magmamahal muli.. Ang buong akala ko'y siya na.... Kabiguan ang napala paghilom ng Puso'y hindi madali.. Ang malaman ang mahal mo'y walang pag-ibig sa'yo...

Nakatingin lang ako sa kanya habang Nag-i-strum ng Gitara.. Nginitian ko siya..

~Ang umasang magmahal muli siyang magagawa..Huwag hanapin ang Pag-ibig ito'y darating..ito'y darating...ito'y darating sayo....

Bagay sa'kin yung Lyrics.. Nakakatawa man pero, Talagang umaasa ako... Yumuko ako at patuloy na nag-strum. Muli kong tinignan si Zeus..

~Hanggang sa tayo'y magtagpo.. sa kabiguang natamo...Kaya ako ay maghihintay sa tunay kong mahal isipin ang bukas at kalimutan ang nakalipas...~Ang umasang magmahal muli siyang magagawa..Huwag hanapin ang Pag-ibig ito'y darating sayo....

Bakit ba hindi nalang si Zeus ang minahal ko? Edi sana, hindi ako nasasaktan, ng dahil sa Bestfriend ko.. Sana kaya kong turuan ang Puso ko..

~aking naranasan.. ohhh.. ang pagluha tulad ng sa ulan...~Ang umasang magmahal muli siyang magagawa..Huwag hanapin ang Pag-ibig ito'y darating sayo....

Hininto ko ang pagkanta at pagstrum ng Gitara.. Nginitian ko si Zeus.

"Ayos ba?" nakangiting tanong ko.. Napakamot ulit siya sa Batok niya..

"Galing mo talaga. Hmm, Ganda ng Boses mo." sabi niya sabay iwas ng Tingin.. Napangiti ako.. Madali lang naman siyang Mahalin, kaso. hindi pa ko handa na iwan at kalimutan si Matthew.

"Practice tayo.." masiglang sabi ko, ngumiti naman siya.. Nag practice lang kami. Tawanan at kulitan... Hanggang sa di ko namalayan na nakatulog ako..

 Nagising ako na nakasandal sa Balikat ni Zeus. Tinignan ko yung Oras. 11:14 pm. Malalim na ang Gabi. Umakyat ako sa kwarto at kumuha ng kumot.. Binalot ko yun kay Zeus. Tinitigan ko siya.. Sana, sana dumating yung araw na Matutunan kitang mahalin. at sana, pag dumating yung araw na yun, Sana.. Ako padin ang gusto mo..

---

 A/N: gustong-gusto ko talaga yung 'Magmahal Muli' ni Say Alonzo at Sam Milby ^___^

 COMMENT naman po.. kahit wag na Vote. Mas gusto ko Comment para malaman ko ang saloobin niyo sa Kwentong 'to. Hehe. SALAMAT!

Gitara [Completed]Where stories live. Discover now