"M-masaya ako .. para s-sayo.." ang tanging sagot ko Humarap siya sakin ng nakangiti.. Ginulo niya ang Buhok ko. Tumayo siya.
"Hindi kita maihahatid mamaya Best. Pasensya na ha?" sabi niya..
"Ok lang" sagot ko.. Muli siyang ngumiti
"Ipapakilala ko siya sa'yo.. Sige ha? Puntahan ko lang siya." nagpaalam na siya... tinitigan ko siya habang papalayo .. papunta sa babaeng talagang Mahal nya ..
Napayuko ako... Mag-isa na naman ako. Ramdam ko na mahal niya pa yung Babae. Sheena? Ang gandang pangalan, siguro ay maganda siya.. Naramdaman ko ang Pagtulo ng luha ko.. Nararamdaman ko na naman yung sakit..
"Umiiyak kana naman.." Napatingala ako ng may magsalita
"Z-zeus.." Muling Tumulo ang luha ko, umupo siya sa Harap ko at pinunasan ang luha ko.
"Sabi ko naman kasi sa'yo. Wag kanang umasa sa kanya. Lalo ka lang masasaktan."
"Ang hirap eh.. di ko alam kung paano iiwas.. Di ko kaya." umiiling iling kong sabi. Bumuntong hinga siya. Hinila niya ko patayo at hinawakan ang kamay ko..
"Kain tayo Icecream." sabi niya at hinila na 'ko.. Pinunasan ko ang Luha ko. Tinignan ko siya. Lagi siyang andiyan sa oras na kaylangan ko ng Makakadamay, Dumarating siya kapag Nasasaktan ako. Siya ang Laging nagpupunas ng Luha ko.. Hindi ba dapat akong Mainlove sa kanya dahil sa ginagawa niya? Pero bakit.. si Matthew parin ang gusto ko? Ganito ba talaga ako katanga? Ganito ba ko kamartyr para hindi Marealize na Nandiyan si Zeus sa Tuwing wala si Matthew?
Huminto ako kaya napahinto din siya.
"Bakit?" tanong niya.. Pero imbis na sagutin ay lumapit ako sa kanya at niyakap siya.. Na ikinagulat niya.
"Thank You.." bulong ko.. Tinapik tapik naman niya ang Likod ko.. Eto ang kaylangan ko ngayon, ang Maiiyakan at mapaglalabasan ng sama ng loob..Naramdaman ko ang Pagyakap niya sa'kin
"Ayoko lang na nakikita kang nasasaktan at umiiyak ng dahil sa kanya." bulong niya..Hinigpitan ko ang yakap ko sa kanya at muling tumulo ang luha ko..
"Pangit ba 'ko? Masama ba ugali ko? Bakit hindi niya ko magustuhan?" umiiyak na tanong ko,
"Minsan kasi, Hindi lang sa Itsura At Ugali binabase ang Pagmamahal. Depende yun sa kung ano Lang ang Mararamdaman niya para sayo. At kung ikaw, mahal mo siya higit pa sa kaibigan, Ibahin mo siya. Dahil Minamahal ka niya Bilang kaibigan lang." sagot niya.. Ang sakit isipin, ang hirap tanggapin. Pero Tama siya. Masyado lang akong Umaasa na mamahalin din ako ni Matthew tulad ng Pagmamahal ko sa kanya..
"Thank you.." muli kong bulong bago ako bumitaw sa yakap.. Hinawakan niya ulit ang kamay ko at naglakad palabas ng Campus..
Napabuntong Hininga ako..
Lord, Bakit po hindi nalang si Zeus ang una niyong ibinigay sa'kin? Gusto niyo po ba na Palagi akong nahihirapan at nasasaktan?
Hinigpitan ko ang Hawak ko sa kamay niya..
Ayokong bumitiw .. dahil baka iwan niya din ako...
-
Dinala niya ko sa Ice cream Parlor Malapit sa University.
"Vanilla ang akin." sabi ko.. Tumango naman siya at umorder na.. Haaayss..
"Excuse me.Pwede maki-upo?" napatingin ako sa Babaeng nasa harap ko. Naka-uniform siya ng Tulad ng Akin. Matangkad, makinis. at Maganda.
YOU ARE READING
Gitara [Completed]
Teen Fiction©2014 Mahirap mainlove sa isang kaibigan, dahil hindi mo alam kung saan ka lulugar.. Pilit mo mang ipagsiksikan ang sarili mo, wala ka din magagawa dahil yung pinaglalaban mo, ay wala namang pagtingin sayo. wag ng umasa kung wala namang aasahan..
Gitara-Part 6
Start from the beginning
![Gitara [Completed]](https://img.wattpad.com/cover/13872409-64-k133868.jpg)