XV. Still (Kathryn)

Magsimula sa umpisa
                                    

Habang naglalakad papunta sa classroom, tahimik lang kami ni kuya. Parang walang gustong magsalita, parang sapat na magkasama kami. Kaunti palang ang tao ng pumasok kami sa classroom. Umupo ako sa upuan ko at umupo muna si kuya sa upuan ni Miles para tabi kami.

Bago siya magsalita, tiningnan niya ako sa mata. "Nakausap ko si mama kaninang umaga. Babalik na pala ulit sila sa abroad. Umuwi na rin pala 'yung kasambahay, si ate Dindin. Gusto mo bang doon muna ako matulog mamayang gabi?"

"Kuya naman. Wag mo akong sanayin na palagi kang nasa tabi ko. Kaya ko naman ang sarili ko." Nginitian ko si kuya. "Kakayanin ko."

"Pero-" Bago pa man matuloy ni kuya ang sasabihin niya, hinawakan ko ang kamay niya.

"Daniel, hindi ako ang kapatid mo. Meron kang dalawang nakababatang kapatid. Kailangan ka nila. Ngayon, sila naman ang protektahan mo." Saad ko kay kuya.

"Kathryn, hindi naman importante kung magkadugo tayo, eh. Kailangan mo rin ako. Nag-iisa ka nalang sa bahay." Sabi ni kuya.

"Alam ko. Alam kong hindi importante kung magkadugo tayo. Pero Daniel, paano 'yung mga kapatid mo? Hindi pwedeng ako nalang palagi. Sila, sila ang kailangan mong alagaan. Kaya ko na naman ang sarili ko. Ngayon? Magkaibigan nalang tayo. Hindi na tulad ng dati na palagi tayong magkasama. Maraming magbabago, Daniel." Seryosong saad ko kay kuya.

Alam kong hindi sumasangayon si kuya sa sinasabi ko. Pero alam kong eto ang tama. "Pero... ayaw kong mawala ang pagsasama natin. Gusto ko, ako pa rin ang kuya mo."

"Oo. Ikaw pa rin si kuya."

"Wag mo akong tatawaging Daniel lang."

"Oo, sorry na, kuya."

Dumating na si CJ at si Miles. Bumalik na rin si Daniel sa upuan niya at tumunog na rin ang bell. Pumasok na ang unang subject teacher namin at nagsimula na siyang magdiscuss. Pagkatapos ng tatlo pang subjects, lunch time na.

Dumeretso na kaming magkakaibigan sa cafeteria.

"Dito rin mag-aaral sina Arie at Sue?" tanong ko kay kuya, katabi ko siya ngayon.

"Oo, inaayos ngayon ng nanay ko." 

"Nanay ang tawag mo?"

"Depende. Minsan nanay, minsan inay.

"Ahh, ang galing!" Saad ko at nagpatuloy sa pagkain.

"Sis, pasama ako sa comfort room!" Sabi ni Julia at nginitian ako. Ngayon ko lang napansin na ang tahimik ni Julia ngayon. Parang siya nga lang ang hindi nagsasalita ngayon. Si Neil rin pala, hindi nagsasalita. Paano ba naman siya magsasalita, eh, ang daming laman ng bibig niya.

Fifteen SecondsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon