Kath's POV
"Manong Dito nalang po, Hintayin nyo nalang po ako dito :)" sabi ko dun sa
Driver namin.
"Sige Ma'am." Tumango nalang ako, tapos lumabas na ng sasakyan.
Dumeretso na ako dun sa Gate nila DJ. Tapos nag-doorbell.
*DING*DONG
"Sino po Sila?" Tanong nung guard na di pa binubuksang yung gate.
"Si kath po kuya." Tapos Binuksan na nya yung gate.
"Good Afternoon po Ma'am ^_^"
"good afternoon din po kuya. Si DJ po? Umuwi na po ba sya?"
"Ay opo, Kakadating nya lang po."
"Ahm. nandyan ba si tita karla?"
"naku Ma'am wala po eh. May pinuntahan po. Kaya si Sir Daniel lang po
yung nasa loob ng bahay."
"PO?! Hala. pano yung kuya, Eh may sakit sya."
"May sakit? kaya pala namumutla sya. Tinanong ko naman sya, sabi nya
wala lang daw yun. Naku ma'am mabuti pa puntahan nyo na lang po
si Sir. " Tuango nalang ako, tsaka pumasok sa loob ng bahay.
Buti nalang pumunta ako. Kung nagkataon, eh di walang mag-aalaga dun
lalakiNg yun =_= Konsensya ko pa.
Pumasok na ako sa loob ng bahay. Tapos sumalubong sa'kin yung
nag-iisa nilang katulong.
"Good afternoon Ma'am! Si Sir Daniel po ba yung hinahanap nyo? Nasa
kwarto po sya ngayon." sabi nya. Alam na agad eh noh?
"Ahh ganun ba? Salamat ah :)" sabi ko tapos pumunta na dun
sa kwarto nya. Alam ko naman kung saan yun, Kasi nakapunta na rin
ako dito.
Kakatok na sana ako, kaya lang naisip ko na baka natutulog sya ngayon.
=__= anong gagawin ko? Bahala na nga! kakatok parin ako!
*Tok *tok *tok
Tapos pinihit ko na yung door knob. Tapos dahan-dahan kong binuksan
yung pintuan..
"Dj? tulog ka ba----"
O______________O
WTH!
"Akala ko ba may sakit ka?!" Nagulat naman kasi ako.
Naglalaro kasi sya ngayon ng PS2, Eh dapat nakahiga lang sya,
natutulog,nagpapahinga.
"anong ginagawa mo dito?" sabi nya nang hindi nakatingin sa'kin.
Busy sya dun sa nilalaro nya. Di man lang ako nilingon ,--
"Di ba may sakit ka? " O.o