"May jumackpot na naman kagabi." Biglang nagsalita ang camera operator habang kumukuha ng pagkain.

"Malupit si direk, eh." Segunda ng gaffer at nagkatawan ang ilang crew.

"Tigilan niyo nga kami ni Morgan." Saway ni Vanessa sa mga crew pero may malapad itong ngiti sa labi. Magkatabi si Vanessa at Morgan sa kanang side ng cottage.

"Sana mamayang gabi ako naman ang pasukin sa tent." Biro naman ng first assistant camera.

"In your dreams! And for your information, hindi ko pinasok si Morgan dahil lang gusto ko. He invited me!" Nagtawanan ang lahat sa matapat na pahayag ni Vanessa. Bigla na lang tumayo si Harper at walang paalam na umalis. Mabilis na kumapit si Vanessa sa braso ni Morgan nang akma itong tatayo. Sinundan niya ng tingin ang papalayong si Harper. Nasasaktan ito dahil kay Vanessa at Morgan. Tingin niya ay mahal pa talaga ni Harper si Morgan.

Wala sa focus si Harper. Isang madadaling scene sa pelikula ay naging mahirap sa dalaga ngayon. Kung noon ay iniisang take lang iyon ni Harper ngayon ay naubos ang tatlong oras ay hindi nito iyon natapos. Sa tuwing lalapitan ito ni Morgan para payuhan kung ano ang dapat gawin ay mas lalo itong nawawalan ng gana. Sa halip na ituloy ang shoot ay pinatigil na muna iyon ni Morgan at pinagpahinga si Harper.

Sinubukan niyang kausapin ang dalaga pero mukhang gusto talagang mapag-isa kaya hindi na lang niya pinilit. Tinungo na lang niya ang tent nila Falcon. Pinakiusapan siya ni Queenie kung maaaring siya na lang ang tumawag sa magkakaibigan para sa pananghalian. Palinga-linga siya sa paligid habang naglalakad nang mapansing wala sa camp ang apat. Pero naibaling niya ang mata sa mismong tent ni Falcon nang may marinig siyang mga ungol hustong makalapit siya roon.

Bigla ang mabilis na pagtahip ng dibdib ni Mhelanie. Hindi na siya ganoong kainosenta para hindi malaman kung anong klaseng ungol iyon at kung ano ang ginagawa nito para lumika ng erotikong mga ungol. Pero sino ang kasama nito sa tent. Sa isipang may kasamang ibang babae si Falcon ay naninikip na ang dibdib niya. Kumuyom ang mga palad niya at inihakbang ang paa patungo sa tent ni Falcon. Nagpakawala siya ng isang malalim na hininga bago inabot ang zipper sa loob. May maliit na awang iyon dahil hindi gaanong naisara kaya madali para sa kanya na mabuksan ang tent. Agad niya iyong binuksan.

Napatili si Mhelanie at natutop ang bibig sa nakita. Hindi si Falcon ang naroroon kundi ang tatlong kaibigan ni Falcon na si Alford, Dock at Wilson. Walang pang-itaas, nakababa ang mga short at briefs ng mga ito habang sabay-sabay na nagma-masturbate. Katulad niya ay nabigla rin ang tatlo nang makita siya. Hawak ng mga ito ang sari-sariling sundalo habang nakatingin sa kanya.

"Fuck it!" Isang palatak ang narinig niya mula sa likuran at isang kamay ang tumakip sa kanyang mata.

"Shit! Your not so innocent eyes. Turn!" Natataratang boses iyon ni Falcon at pinatalikod siya bago hinarap ang mga kaibigan.

"Mga walanghiya talaga kayo! Sa tent ko pa talaga kayo nag-ja-jakol! Labas!" Hiyaw ni Falcon sa tatlong natatarantang inayos ang mga saplot. Lumabas ang tatlo ng tent at pinagsisipa ang mga ito ni Falcon. Nagtawanan ang mga ito.

"Sorry, MM! Ikaw naman kasi hindi ka man lang tumatao po, eh." Puro talaga kalokohan itong si Alford. Humarap si Mhelanie.

"So-sorry! Akala ko kasi si Tres. Akala mo may kasama siyang ibang babae." Humalakhak si Alford.

"Hindi niya gagawin 'yon. Baliw na baliw 'yan sa 'yo, eh." Ikinagalak iyon ng puso niya. Thank, God at hindi nga iyon si Falcon dahil kung nagkataon ay durog na durog na ang puso niya ngayon.

"I think I'll get a blue balls." Si Dock na hinaplos-haplos ang puson.

"Same here. Malapit na ako, eh." Si Wilson na napahaplos sa likod ng ulo.

Fatal Attraction 4: Sinful AffairWhere stories live. Discover now