Chapter 47: I'm sick

Start from the beginning
                                    

Diba dapat kanina pa nandito si Liam?? Nasan naba sya??

Pinilit kong tumayo pero nabubog ako.

"A-Ah!! A-Aray!!" sigaw ko sa sakit pero wala paring dumadating na Liam

Tumayo ako at paika-ikang pumunta sa banyo. Ginamot ko ang sugat sa ulo, paa, at iba pang katawan ko. Sinuoot ko ang malambot kong tsenelas dahil may sugat ako sa paa.

Dumiretso ako sa may kusina at nakita kong may pagkain doon kaya naman kumain ako.

Nang matapos ako hinanap ko si Liam sa loob ng kwarto ko. Nakita ko naman sya sa may sala, wala sya sa sarili nya. May hawak syang picture, medyo gumilid ako para makita iyon.

(⊙_⊙)

Picture yun ng isang babae.

Napabuntong hininga nalang ako, tumingala ako para pigilan ang mga luhang nagbabadyang tumulo. Tumingin ulit ako sakanya, wala talaga sya sa sarili nya, nakatingin lang sya sa picture nung babae

"L-Liam??" nauutal na tawag ko pero hindi nya ako nilingon "Liam!" nilakasan ko ang boses ko para marinig nya. Napatingin sya saakin ng gulat sabay tinago ang picture nung babae

"K-Kill??"

"Ano yung hawak mo??" tanong ko pero ang totoo ay alam kong picture iyon

"W-Wala yun p-picture lang iyon" nauutal na sagot nya.

"Picture nino??"

"P-Picture ko"

Parang ang bigat ng katawan ko, parang ayoko syang makita ng isang linggo.

Ang sakit! Bakit kaylangan nyang magsinungaling saakin??

"Sige babalik na ako sa kama" sabi ko

"Kumain kana ba??"

Tanging tango lang ang sinagut ko

"Sige mahihiga na ulit ako" pagapapaalam ko

"Teka! Labas muna tayo bakit mahihiga ka ulit?? Kakagising mo lang ah?"

Nakatalikod na ako bago nya sabihin yun, pero hindi pa ako nag lalakad.

"Hindi ko mapagbibigyan ang gusto mo Liam" sabi ko

"Bakit naman??" halata sa boses nya ang lungkot

Bakit ang galing nyang magpanggap sa harap ko??

"Kase may sakit ako"

Tuluyan na akong naglakad papunta sa kama ko at nahiga doon. Nagtalukbong ako ng kumot dahil nilalamig ako.

Naramdaman ko nalang na may yumakap saakin.

"Bakit hindi mo agad sinabe saakin na may sakit ka??" tanong nya

"Dahil ayokong mag alala ka"

"Kill girlfriend na kita, responsibilidad kita"

Half Blood Academy (School Of Half Bloods)Where stories live. Discover now