Thirty-five : Suspicious Nelorie

Start from the beginning
                                    

He glanced at me then raised his left eyebrow. I want to thank him but I can't. Napagod sya dahil sa amin. Ang sabi ko isang beses lang ako magpapatulong pero eto kahit hindi ko sinabi ay ginawa nya.

Nagsimula na kaming kumain. Ganoon parin ang feeling ko,iyong lumalapat sa sikmura ko ang pagkain pero hindi ako nabubusog. Naiinis narin ako sa papuri na hindi naman sa akin. Samantalang si Berry,kering-keri umacting at angkinin ang pinaghirapan ng iba.

Nagparinig na naman ang adviser namin sa class A. Kesyo tamad daw magluto ang mga ito,minsan daw hindi sa lahat ng oras ginagamitan ng talino ang lahat. Sinasaway ko sya pero hindi sya nagpapaawat. May galit talaga sya sa class A.

"Wait lang. Sabi nyo sya nagluto nyan? Eh pag uwi natin diba dumiretso ka sa room at natulog?"

Kinabahan ako, tumingin sa nagtatanong na si Nelorie. Tumayo pa sya para makita kami. Mababa lang ang wall kaya kapag tumayo ka ay matatanaw ka na. And one more thing,magkalapit lang ang class A at class F.
She look at me suspiciously.

"Ah,eh..." hindi ko alam ang isasagot. Napakagat ako sa ibabang labi ko. All of class F stared at me,waiting for my response.

"At ngayon ka lang nagising diba? So how come you managed to cook?" sunod nya uling tanong. Natahimik ang lahat. Kahit ang kumakain,natigilan.

"Aaahh..." ano ba,Flare Joshel. Sumagot ka naman dyan para hindi ka mahuli.

Magsasalita na sana ako pero nauna na si Berry. "Ako ang nagluto nyan. Hindi sya."

Lalong naghinala si Nelorie. "Oh,really? You said before you didn't know how to cook. So how come?"

"Ah. Nag aral ako sa... " tiningnan ko si Berry. Wag ka naman sanang madulas,kundi patay tayong dalawa. "Sa youtube."

Umaliwalas ang tingin ko. Salamat naman at nakahanap din sya ng alibi.

"Hah,." Nelorie gasped. "As far as I know,confiscated ang mga gadgets natin. So saan ka nanood?"

Unti-unti rin nag sink-in sa utak ko ang mali sa alibi nya. Oo nga naman,wala kaming cellphone or laptop. Ano ba yan,patay na talaga kami ngayon.

"Ay mali. Sa cable pala ako nanood! May cable sa room namin." pinagpilitan talaga nya.

Huli na kami.

"You know what Berry the platypus, pinapahamak ka lang ng alibi mo."

"What? Are you saying that I'm a liar?" napatayo narin si Berry. Gusto nya sanang sugurin si Nelorie pero hinila ko ang manggas nya.

"Ow. I didn't say that. Pero kung iyon ang nasa isip mong itawag sa iyo. Okay lang." ngumisi sya. Kahit kailan talaga hindi sya manalu-nalo kay Nelorie. Maraming syang conclusion at hypothesis. Sa tingin ko nga,law ang kukunin ng babaeng yan pagdating ng college.

"Nelorie,shut up. Nasa harap ka ng pagkain." JG interupted. Sa lahat ng students,sya lang ang nagpatuloy sa pagkain. Parang wala lang sa kanya ang nangyayari.

"I'm just stating my conclusion." She defended.

Huminto si JG habang nginuya ang pagkain. "Enough. Wag mo na silang awayin,kumain na tayo."

Walang nagawa si Nelorie kundi ang magpadyak at umupo.

Walang nangahas na magtanong sa amin ni Berry. Lahat tahimik lang na kumain. Maybe they are waiting for me to tell my side,pero hindi nalang ako umimik. Bakit ko pa ipaglalaban kung alam ko namang mali?

"Buti nga." Berry murmured. Umismid sya.

Bumuntong hininga nalang ako.

After namin kumain,hinanap ko si JG. Nakita ko syang naglalakad papunta sa room nila.

Mysterious Case Of Love [COMPLETED] [UNEDITED]Where stories live. Discover now