Sixteenth Serving = The Family

Start from the beginning
                                    

"Wala pa pong exact date. Baka po magbago pa ang isip ko eh." Biro ko, saka ako tumingin kay Alex. Sumama lang ang tingin niya sa akin.

"Hahahahahaha!" Malakas na tawa ni Mrs. Montefalco. "I like you already." Hinawakan nito ang aking siko at iginiya ako sa sofa, naiwang nakatayo si Alex. "Sit down, hija." Nakangiti pa ring sabi nito, nagniningning ang mga mata. "So, where do you work? Ilang taon ka na ba, hija?"

Dumadagundong na ang dibdib ko sa kaba. Pero sinabi ko pa rin ang totoo. "I'm 18 years old na po, Mrs. Montefalco." Ngumiti ako.

"Your only 18?" Bakas ang pagkagulat sa mukha ng ginang, bumaling ito kay Alex. "Why, your a cradle snatcher anak!" Sumbat nito sa anak. Tumingin siya sa akin. Pero nagsalita na si Alex.

"Ma, we love each other. Stop being so defiant." Naiiling na sabi ni Alex.

"Shut up." Sabi ni Mrs. Montefalco

"Don't mind her, Mrs. Montefalco." Sabi niya dito.

"Misis what? From now on, I'm Mama Beth. No formalities. We're family na eh." At ngumiti siya sa akin.

"Refrain from being so nosy, Beth." Nakangising sabi ng isang lalaki na nasa hagdanan kay Mama Beth. Lalaki na parang si Alex sa built, shape ng mukha, ilong at kilay. Oha, saulo ko ang mukha ni Alex :"""))) Baka ito na yung drop dead nung panahon nina Maricel Soriano. Pero gwapo pa rin siya hanggang ngayon. Pakakasalan ko na si Alex for the good genes. Siguradong magiging maganda at gwapo ang mga anak nila.

Napatayo ako. "Good evening po, Sir." Nakangiti kong bati sa kanya pagkababa niya ng hagdanan.

"Quit the 'sir', young lady. You can call me Papa Andy." Nakangiti pa niyang sabi sa akin. Gwapo pa din ah XD

I nodded happily. At home na at home na ako dito, grabe. Dyaskeng kaba yan, hindi pala ako dapat na kinabahan. Pero patuloy pa din sa pagtibok ang puso ko. Mas lalong lumakas ngayon.

Narinig ko na lang ang boses ng maid na okay na daw ang hapunan. Hinawakan agad ako sa kamay ni Alex at dinala sa komedor.

Ipinaghila agad ako ni Alex ng upuan sa tabi nito. Sa kabisera ang Papa niya, sa kaliwa ang mama niya, siya sa kanan.

Bonggang bongga eh. Ang daming mga handa, parang hindi apat lang ng kakain.

"So.. Charity, anak. By the way, can I call you Cha?"

"Everybody does, Mama," sagot ko.

Napapalakpak ito. "That's pleasant to my ears! I have no daughter kasi eh. I was given two boys." Natutuwang kwento nito sa kanya.

<UNDER REVISIONS>Served On A Sizzling Plate [SPG]Where stories live. Discover now