Chapter 4 - Not Yours to Command

Start from the beginning
                                        

Problema nito, saka Luna na naman?

"Wala kasing signal eh."Itinaas ko ang phone ko. "Kailangan kong tawagan ang kapatid ko. Bakit nga pala Luna ang tawag nyo sakin?"

Nagkatinginan sila na wari'y nag-uusap. 

"Sa tingin kasi namin mas bagay sayo na Luna ang itawag." Si Jonathan ang sumagot habang nagsasalang ng cd.

"Pangit ba ang Sandy?"

"Hindi," sabay-sabay silang umiling. "Mas maganda lang talaga kung Luna."

Nagpatango-tango ako. Weird!

"At sinong may sabi sayong lumabas ka ng kwarto ng ganyan ang suot?"

Napalingon ako sa nagsalita. Nasalubong ko ang galit na itsura ng demonyong humalik sa akin kagabi.

"Umakyat ka sa taas at magbihis ka."

Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa apat na nasa harap ko na tila uneasy sa kinatatayuan at sabay sabay na nagsiupo. 

Napatingin ako sa suot ko. Naka sleeveless ako and okay medyo maiksi nga ang suot kong shorts. Pero ano bang pakialam nya? Maganda naman ang legs ko ah.

"Ano na namang problema mo sakin?"

"Hindi ko gusto ang suot mo."

"Ano namang pake ko sa gusto mo. At sino ka naman para diktahan ang mga isusuot ko?" Nakahalukipkip na tanong ko. Ano bang feeling nya? Ang huli kong natatandaan hindi sya ang tatay ko?

"Magbihis ka." Madiing sabi nya na hinagod ako ng tingin.

Nagpanting ang tainga ko. 

"Titigan mo nga ako lalaki. Ano bang tingin mo sa akin, hubad? Aba, sobra na yata yang kamanyakan mo sa katawan. At nagawa mo na akong hubaran ng sarili mong isip." 

Itinuro ko ang apat na lalaki na nakaupo. "Bakit hindi yang apat na iyan ang sabihan mo na magbihis tutal sila naman ang hubad. 

Itinuro ko ang suot kong damit. " At itong suot ko, ang tawag po dito shorts eto naman sleeveless, copy mo?"

Napansin kong lalong nagdilim ang itsura niya. Ano ba talagang kinakagalit nito?

Hello! Nasa bansang Pilipinas kaya tayo kaya  malaya akong sundin ang gusto ko at wala siyang pake kahit ano pang suot ko dahil sa tingin ko dito ako maganda. 

Sorry na lamang siya dahil sa tatay ko lamang ako nasunod. But that was ten years ago dahil matagal ng na tsugi ang ama ko.

Napatingin ako sa apat na lalaki na seryosong nanonood ng Tom and Jerry. 

Seriosly, wala man lang ba siyang pakialam kahit na nakikinig ang apat na ito sa sinsabi niya?

"Magpalit ka."

"Ayoko."

"Magpalit ka."

 "Ayoko nga sabi, sino ka ba?"

"Magbibihis ka o gagahasain kita sa harap ng apat na yan?"

"Problema mo ba?" Naiiritang tanong ko. 

Tumayo ako at nakahalukipkip na humarap sa kanya. "Ano bang pakialam mo sakin. Kahit mag underwear lang ako sa harap nyo wala kang paki. Katawan ko to at wala kang magagawa."

"Gusto mo akong subukan?" Nanghahamong tanong nya at nagsimula ng mag hubad ng pang itaas na damit.

Nanlaki ang matang napatili ako. Naiinis na kinuha ko ang isang throw pillow at walang humpay na inihampas sa kanya. "Bastos ka, bastos. Kampon ka ni Oliver."

Alpha's MateWhere stories live. Discover now