Foreword

6 0 0
                                        

ABOUT THE COVER

Memories are one of the greatest gift we have received.

We look back and try hard to untangle the pain that is always attached in every corner.

Magulo.

Sabi nga nila..

It's valuable. It's always there.. Haunting you.

Minsan maiisip mo. Bakit ko pa ba naaalalala? Bakit hindi pwedeng burahin?

Masakit man isipin, pero lahat tayo ay magiging alaala na lamang ng ating sariling mga abo.

Darating ang panahon na babawiin na ang ating hiniram na sandali dito sa sanlibutan.

At sa pagdating na panahon na iyon.

Magiging bahagi na lamang tayo ng kahapon - maaaring kalimutan o kaya ay balikan.

Ngunit naisip mo rin ba ang liwanag na nakapalibot sa iyo? Sila, siya, maaaring maging bahagi ka nila. Alaala ng saya, lungkot, pait, pagdadalamhati. At iyon ang iiwan natin sa kanila.

Alaala.

Napakagandang regalo na nagmula sa Kanya.

At ito ang magsisilbing kalasag natin sa hinaharap maging sa kasukuyan.

Pagkakakilanlan at isang sandatang natutulak sa ating labanan ang agos at suwagin ang mga haharang sa ating daan.

Naging mapait man ang iyong alaala. Isang kalungkutan na patuloy na bumabalong sa kaibuturan ng iyong puso..

Wag mong kalimutang..

Ang mga alaalang ito ang magsisilbing pakpak natin na hindi tayo iiwan. Ating baon sa ating paglalakbay patungo sa kaganapan..

At sa ating sariling kalangitan.

--*--

Maraming salamat sa pagbibigay ng panahon! Salamat sa pagbabasa.

Sana'y suportahan mo ang Kisap Mata!

Please continue reading!

Kei_Sparks.

Kisap Mata (Compilation of Memories)Stories to obsess over. Discover now