"MANDY?"

Napakurap si Mandy at tumingin sa mommy niya. "I-I'm sorry, Mom. 'You were saying?" nahihiyang tanong niya. Kasalukuyan silang kumakain ng almusal. Papasok siya sa school. Pero hindi siya sigurado kung papasok ang mommy niya sa trabaho dahil naka-all dressed up ito.

Mataman siya nitong tinitigan. "Are you thinking about your asshole of an ex-boyfriend?"

Natigilan siya. Naiisip nga ba niya si Tim? No. Ang totoo, mula nang makipaghiwalay si Tim sa kanya may isang araw na ang nakalipas ay hindi na ito masyadong sumasagi sa isipan niya. Nasasaktan pa rin siya kapag naaalala ang mga pinagsamahan nila sa loob ng limang buwan pero hindi na katulad ng dati. Noon niya napagtanto na hindi ganoon kalalim ang pag-ibig sa dating kasintahan. Ideal guy kasi niya ito kaya mabilis niyang nakapalagayan ng loob.

Isa lang naman ang dahilan kung bakit siya nawawala sa tamang huwisyo: ang estrangherong lalaki na nakaenguwentro niya sa party. At sa tingin niya, ang lalaki rin ang dahilan kung bakit hindi na pumapasok si Tim sa isip niya. Ito rin ang dahilan kung bakit hindi siya parang sira-ulo na nagngangawa sa kama pagkatapos ng break-up.

Hindi pa rin makapaniwala si Mandy na nagawa niyang makipaghalikan sa isang lalaking hindi niya kilala na muntik pang mauwi sa pakikipagtalik! Mayroon din pala siyang wild side. Pagkatapos ng gabing iyon ay ang lalaki na lang palagi ang laman ng utak niya. At parang wala itong balak lubayan ang puso't isip niya. Maisip lang niya ito, nag-iinit na siya. Hindi niya ito makalimot-limutan!

Especially his lips. His luscious, hot, sinfully, mouthwatering lips.

Nag-init ang mga pisngi niya. Kung ano-ano nang kalahayan ang pumapasok sa isip niya! Damn that man! Wala na itong ginawa kundi i-corrupt ang isip niya. Masama ito sa kalusugan niya.

Ows? Huwag mo nga akong lokohin, Mandy. Masama raw, eh, gustong-gusto mo naman. Nag-iinit ka pa nga diyan, eh.

Kung tutuusin ay dapat na niyang kalimutan ang lalaki. Gaano man ito kakulit na sulpot nang sulpot sa isip niya. Kahit gaano pa ito kagaling at kasarap humalik. Kahit gaano pa siya napapaungol sa sar—Shit! Umiling-iling siya. Kailangan na niya itong kalimutan. Sigurado siyang hindi na sila magkikita nito kahit kailan.

Hindi alam ni Mandy kung bakit nakadama siya ng panghihinayang sa kaisipang iyon.

"Madeline, anak," inabot ng mommy niya ang isang kamay niyang nakapatong sa mesa at masuyong pinisil iyon. "It's okay to say you're not alright. Maliwanag na nakikita kong hindi ka okay. You looked even... confused. Parang hindi ka mapakali. I understand that because you're hurt. But I have to be honest with you. Nakahinga ako nang maluwag nang sabihin mong hiwalay na kayo ng lalaking iyon. I never liked that guy for you. At tama ang hinala ko na siya ang may kasalanan."

Tinugon ni Mandy nang mahigpit ang pagkakahawak ng ina sa kamay niya at nginitian ito. Kung alam lang nito na ibang lalaki ang nasa isip niya sa mga oras na iyon. At kung bakit mukha siyang nalilito at hindi mapakali. Baka manghilakbot ito kapag sinabi niya. Nag-iinit siya. Talagang hindi iyon okay! Pero hindi na niya itatama ang pag-aakala ng mommy niya. Hahayaan na lang niyang isipin nitong si Tim ang dahilan kung bakit siya nagkakaganoon.

"May makikilala ka pang higit sa kanya, anak. Na mas worth it sa puso mo. Trust me. I know it." kinindatan pa siya nito.

Natawa siya. "Thanks, Mom." sinserong pahayag niya.

"By the way, I love your lilac scarf. Bagay sa 'yo," puri nito, saka uminom ng tubig sa baso.

"Thanks," sagot niya at napahigpit ng hawak sa laylayan ng scarf. "Ahm, Mom?"

"Yes, honey?"

"Papasok po ba kayo ngayon sa opisina? Bihis na bihis po kayo, eh." she asked curiously.

Ngumiti ang mommy niya at para itong kinikilig. "No, anak. I'm not going to work today because I have a date."

Nagsalubong ang mga kilay ni Mandy. Parang hindi na maganda ang takbo ng usapan. She knew this. "Date? Nang ganito kaaga?"

"Yes. Remember Daniel, the lawyer that I've told you three days ago? Siya ang makaka-date ko. Nag-decide kaming agahan para mas matagal naming makasama ang isa't isa, makilala. Gosh, Mandy, I'm so excited. Para akong teenager na kinikilig maisip ko pa lang ang mangyayari sa date namin ni Daniel mamaya." Her mother giggled like she was really a love struck teen.

Hindi niya napigilan ang sariling mapangiwi. Iyon pa ang isang pinoproblema niya. Her mother was searching for true love. Last year lang ito nagsimula. Na-realize daw nito na hindi ang daddy niya ang nakatadhana para dito kaya naghiwalay ang mga ito. Naniniwala itong mahahanap din nito ang tamang lalaki.

Hindi maiwasang mabahala ni Mandy. Sure Audrianna Iris still looked stunning at the age of forty-nine, kaya marami pa ring lalaki ang naghahabol dito. But for God's sake, nakakasampung boyfriend na ito! At nakasisiguro siyang madadagdagan pa ang listahan nito.

Buwan lang ang itinatagal ng nakakarelasyon ng mommy niya dahil pare-parehong manloloko. Ngayon ay may bago na naman itong idine-date. Wala rin naman siyang balak kilalanin ang mga idina-date nito dahil siguradong paiiyakin lang sa huli ang mommy niya. Natatakot siyang masaktan ito nang paulit-ulit. Maraming beses na niya itong sinaway pero hindi ito nakikinig. Hindi raw ito susuko. Desperado itong mahanap ang "the one" nito.

"Mommy, hindi po ba kayo nagsasawa sa pakikipag-date? Wala rin namang nagtatagal sa mga nakakarelasyon n'yo. Palagi na lang kayong nasasaktan." kastigo niya.

"Huwag n'yo po sanang masamain. Inaalala ko lang po kayo. Pero Mommy, nakakasampung boyfriend ka na. Hindi n'yo po ba napapansin na paulit-ulit na lang kayong niloloko? Masaya naman tayong dalawa lang ang magkasama. Hindi pa po ba sapat 'yon?"

"Mandy, anak, please, hayaan mo na lang ako. Oo, masaya tayo. You're my only daughter and I love you so much. Pero iba pa rin ang may kasama ako sa buhay hanggang sa pagtanda. Gusto ko ring may magmamahal sa akin nang totoo bukod sa pagmamahal ng isang anak. Sana maintindihan mo ako." anito na may pinalidad sa boses. Alam ni Mandy na sa tonong iyon ay hindi talaga niya ito mapipigilan. Pero susubukan pa rin niya.

Napabuntong-hininga siya.

"WHAT an asshole!" nanggigigil na bulalas ni Maggie pagkatapos ikuwento ni Mandy ang panloloko ni Tim. "Ang kapal ng mukha! Sa cell phone pa talaga siya nakipaghiwalay sa 'yo? Ano ba namang klase 'yon? My goodness!"

"Iyan na nga ba ang sinasabi ko, eh. Matagal ka na niyang niloloko pero hindi ka pa rin nakinig sa amin. Mas pinaniwalaan mo siya." sumbat ni Phoebe na may halong pagtatampo.

"I was in love. Natural ipagtatanggol ko siya. May tiwala ako sa kanya kaya pinaniwalaan ko siya." depensa niya sa sarili.

Pinaikot ni Heroine ang mga mata. "Oh, c'mon. Yes, you loved him, all right. We understand that. Pero hindi ka dapat masyadong nagpakabulag sa pagmamahal sa kanya. Dapat kinumpirma mo ang hinala ni Phoebe na niloloko ka na nang walanghiyang iyon. Tingnan mo tuloy ang nangyari."

Bumuntong-hininga siya. "I'm sorry, girls. You're right. I made a mistake. I made a fool of myself. Ang akala ko kasi totoo si Tim sa akin. He was my ideal guy. Pero katulad lang din siya ng mga nakaka-date ni Mommy, manloloko."

"Alam na rin ba ito ni Tita Audrianna?" tanong ni Heroine.

"Oo. Good news nga 'yon para kay Mommy."

"See? Lahat kami nagkakaisa laban sa talipandas na iyon." Humalukipkip si Phoebe. "Pero mabuti naman at naliwanagan ka na. Mabuti na 'yong nagkahiwalay kayo. You don't deserve that kind of guy."

"Ang hindi ko matanggap ay ang paraan ng pakikipaghiwalay niya sa 'yo. Nasaan na ang sinasabi mong gentleman na Tim at sa cell phone ka lang niya hiniwalayan? Nakakainit ng ulo ang ginawa niya. Kung talagang lalaki siya, matuto siyang makipaghiwalay sa babae nang maayos." pahayag ni Maggie na mariing sinang-ayunan nina Phoebe at Heroine.

"Hayaan mo na, Mags. Bahala na siya sa buhay niya. Wala na akong pakialam sa lalaking iyon. Ang akala ba niya, hahabulin ko siya at magmamakaawang balikan ko? Hell, no. I would not waste my time over a jerk."

"You go, girl! That's right." nag-thumbs up si Phoebe sa kanya.

Tumingin si Heroine sa kanya. "Pero dapat tinawagan mo kami. Nadamayan ka sana namin noong time na 'yon."

Umiling siya. "Ayaw ko lang kayong istorbuhin. Walang kuwentang lalaki lang naman ang pag-aaksayan natin ng oras." Isa pa, may dumamay na sa akin noong gabing iyon. Hindi lang niya ako basta dinamayan. pilyang sabi niya sa isip na agad din niyang pinalis. She told herself she would forget him, right? Right.

"Hay naku, girl. Kami pa ba? Mahihiya ka pa sa amin? At times like that, kailangan mo rin naman ng mga totoong kaibigan, 'di ba?" katwiran ni Maggie, sabay kindat.

Nginitian niya ang mga ito. "Aww, thank you, best friends. Ano na lang ako kung wala kayo?" madramang turan niya na ikinatawa ng mga ito.

Pagbukas ni Mandy ng locker ay natigilan siya. Isang tangkay ng pulang rosas na may kasamang note ang tumambad sa kanya.

You're so lovely, Mandy, basa niya sa mensahe sa isip.

"OMG! Sino'ng nagbigay sa 'yo ng rose na 'yan?" nakasinghap na tanong ni Phoebe.

Nagkibit-balikat siya. "No idea. Walang nakalagay na pangalan sa note, eh."

"Grabe, ha. May secret admirer ka na naman." natatawang komento ni Maggie.

"Kailan ba nawalan ng secret admirer si Mandy?" nakangising balik ni Heroine. "Weekly may nagko-confess ng pagsinta sa kanya."

Hindi na bago kay Mandy ang magkaroon ng secret admirers. Halos buwan-buwan—kahit may boyfriend—ay may natatanggap siyang regalo, tsokolate, at love letters sa locker niya. Eventually ay nagpapakilala rin naman sa kanya kung sino ang nagpapadala. Pero kapag wala siyang makapang damdamin para sa manliligaw ay dinederetsa agad niya. Ayaw lang niya itong paasahin.

"Ikaw na talaga, girl. Isa ka nga palang campus princess ng SAU. Ang haba ng hair mo!" Maggie chuckled. Akmang hahablutin na nito ang scarf niya pero maagap niya itong napigilan.

"No, Maggie! Not my scarf!" Dumistansiya siya rito. Baka makita ng mga ito ang pinakatatago-tago niya! Wala pa naman siyang balak sabihin sa mga kaibigan ang tungkol sa hot encounter niya sa estrangherong lalaki. Her face would surely burn like hell. Takang-taka naman si Maggie sa OA na reaksiyon niya. Mabilis na pinagana niya ang isip. "B-baka mawala sa poise, eh."

"Ang weird mo. Ganyan ba ang nagagawa nang may secret admirer?" ani Maggie.

Natawa si Mandy. Sinarado na niya ang locker. "C'mon, girls. Let's go na." yakag niya sa mga ito.

HOT STRINGS ATTACHED ✔Where stories live. Discover now