Chapter 2

518 7 0
                                    



Des


Marami ng nagbago after 8 years. Nahilig ako sa paglalaro ng Volleyball dahil na din kay Achi at Dichi. They influenced me a lot. Si Achi Djanell more on sa pagcha-challenge lagi sa akin to do better while si Dichi Dannie naman ay ang laging taga Cheer ko at taga support she always told me " Go lang ng go! ". Oh well, si Ahia naman as always, dakilang bully.

Nabalitaan ko din nun na naging Varsity na din si Kib sa Basketball Team ng School nila sa Bacolod. Ever since 3 years old pa lang kami lagi na syang sinasama ng Dad niya sa mga games nila. Tito Roger was a Basketball Player.

I'm already a Varsity sa Volleyball Team ng school namin since Gradeschool. I was awarded as MVP na din sa Palarong Pambansa that made my family even super Proud of me. During those times na nakakuha ako ng awards at mas nakikilala ako naiisip ko, Sana mabalitaan din to ni Kib at maging proud din sya sakin.

When I graduated High School maraming university ang nag-offer sakin ng Scholarship and to play for their school but because my parents are both alumni ng DLSU, also my siblings are all studying in DLSU and it's really my Dream to play for DLSU that's why I choose De La Salle University Manila.

Though afford naman ng Parents ko na pag-aralin ako abroad, I still choose La Salle because bata pa lang ako Dream ko ng makapag-aral at makagraduate dito. Plus point na lang na isa akong Scholar because of Volleyball.

Nung malaman ng Parents ko that I'm choosing DLSU sobrang saya nila and full support silang lahat sa akin. My family's love and support have always been my confidence booster.

Then I thought Mas masaya sana if maishare ko ang mga achievements ko kay Kib.

But masyado ng maraming nagbago. Halos wala na akong balita kay Kib. Naging abala kami parehas sa mga sarili naming buhay.

Pero iba pa rin talaga pag ang tadhana na ang nagtakda.

flashback...

First day of school at excited na excited akong pumasok to meet new friends and also para maging official na ang pagiging La Sallian ko.

The day went well. Nagenjoy ako sa first day of school ko.

2:30pm nag-end ang last subject of the day ko so madalian akong tumungo ng Dorm to change, from school girl attire to volleyball training attire. I get my gym bag at nagmadali ng pumunta sa Razon Complex which is a few meters away lang sa Dorm namin. Nakasabay kong maglakad si Kianna na nagmamadali din.

Kianna:    Sana hindi pa tapos magtrain ang GA para hindi naman tayo agad agad na magumpisang magwarm up!

Me:   Sana nga at sana hindi tayo malate sa training natin today!

Kianna:   ayoko pa naman magpush-up ngayon! Hala bilisan na natin!

At sabay kaming natatawang naglakad-takbo papasok ng Razon.

Pagkapasok namin ng building agad kaming tumungo sa elevator at luckily nagbukas naman agad. Dali dali kaming pumasok sa elevator at pinress ang 9th floor button.

Pagdating namin ng 9th floor mabilis kaming naglakad papunta sa mga bleachers. Hindi pa naman tapos ang Green Archers magpraktis kaya naupo na lang muna kami kasama ang iba pa naming teammates.

Mika:     Marami ding bagong recruit ang GA ah.

Cyd:      Oo nga oh. Nagpapaligsahan ata tayo pag dating sa mga recruits eh!

Carol:     Aba tayo na panalo dyan! Di ba girls?

Lahat kami kunot noong tumingin kay Achi Carol.

Since ThenWhere stories live. Discover now