Chapter 1: The Beginning

36 2 0
                                    

Chapter 1: The Beginning

Emily's POV

Naaalala ko parin yung favorite hairstyle ko nung grade 5 pa lang ako. Nakalugay yung buhok ko and then sa may right side ng buhok ko, nakatali yung ibang hibla ng buhok ko.

Hindi pa uso yung k-pop noon kaya laging sinasabi nila na mukha raw akong tanga sa hairstyle ko. Araw-araw, limang piso lang ang baon ko. Minsan pa nga, wala na talaga.

Gusot lagi ang uniform ko dahil wala kameng plantsa. Minsan hindi na ako humaharap sa salamin at magsuklay man lang ng buhok bago pumasok.

Sobrang hirap namin nung bata pa ako dahil si papa lang ang nagtratrabaho at buntis pa si mama. Panganay ako sa pitong magkakapatid kaya ganon na lang akong walang paki sa itchura ko. Katuwang ako ni mama sa pag-aalaga ng mga kapatid ko at sa mga gawaing bahay.


First day of school

.
.
.

Pinagmamasdan ko ang paligid ng panibagong school na papasukan ko ngayong taon.

Medyo maluwag at may apat na buildings na puro dalawang palapag lang. Sobrang dami ng tao dahil pinayagang pumasok ang mga magulang sa loob ng school.

Napakaingay talaga. May sumisigaw na nanay, may umiiyak na bata, may naghaharutang estudyante at may mga dumadaang sasakyan.

"Section Kalinisan nak. Hanapin natin yung pila mo."

Sabi ni mama habang hawak yung kamay ko.

Parehas namin hinahanap ni mama ang karatula na nakalagay ang pangalan ng section ko.

Dahil maliit pa ako noon, para akong balerina sa kakatingkayad para mabasa yung mga karatulang hawak-hawak ng mga tao.

" Ayon! Nakita ko na nak".

Dali-dali kameng pumunta sa pila na gumagalaw. Papasok na pala sa room namin yung mga bago kong kaklase. Buti nalang at naabutan namin ni mama.

Nang nakapila na ako habang naglalakad. Bumitaw na sa pagkakahawak ng kamay ko si mama.

" Bye nak! Uuwi na ako. Enjoy ka jan. Love you".

" Oo ma. Love you too."

Habang pinagmamasdan ang pag-alis niya, nag-iisip ako. Ako nalang mag-isa sa panibagong lugar na'to.

Hindi mawawala sa mukha ko yung kaba at takot dahil pang limang school na'to na aking pinasukan. Lagi nalang takot at kaba ang nararamdaman ko sa unang araw ng pasukan.




Pumasok na kame sa room at dahil wala pa yung magiging adviser namin para ayusin kame. Kahit saan nalang namin gustong umupo.

At dahil nasa likod ako ng pila. No choice ako kundi umupo nalang muna sa likod. Simula nung kinder pa ako, malabo na talaga yung mata ko, kaya lagi akong nasa unahan umuupo. Sinabi ko na kay mama tungkol rito, ngunit ayaw niyang maniwala dahil sobrang bata ko pa raw para malabo yung mata.

Habang nakaupo lang ako sa likod. Inoobserbahan ko yung mga bagong kaklase ko. Hindi ako kumikibo dahil nahihiya akong makipag-usap sa mga tao. Mas gusto ko pang pinagmamasdan sila na sobrang saya kaysa sumali sa kasiyahan nila.

Ang ingay ng mga kaklase ko. Yung sa may bandang harapan, naghaharutan. Yung iba naman, nagtatakbuhan. Yung iba walang pakialam. Isa na ako doon pala.

Hindi nagtagal at dumating na ang masungit naming guro na si Mrs. Bernabe. Nasa mid 50's na si Mrs. Bernabe. Medyo may katabaan siya at maikli ang buhok hangang tenga ang haba. Kulot pa iyon at medyo brownish ang kulay.

Agad niya kameng inayos at isa-isang tinawag ang mga pangalan para sa attendance.

Hindi ko na maalala ang susunod na nangyari sa araw na iyon.

Hindi nag tagal at huminge ako ng permiso sa aking guro na lumipat sa unahan dahil hindi ko talaga makita sa likuran.

" Sino pang malabo
yung mata? "

tanong niya na may pag-aalala ang tono.

Konti lang kame nagtaas ng kamay sa pagkakaalala ko.

" Lahat kayo dito na sa harapan umupo magmula ngayon."

Sobrang tuwa ko dahil bukod sa nasa harapan ako , katabi ko pa yung pinakamaputing babae na nakilala ko sa tanang buhay ko noon, siya si Lucy. Para siyang taong lambanos sa kaputian. Ang kinis pa ng balat at namumula-mula pa yung pisnge.

Naging matalik kameng magkaibigan simula noon hangang ngayon.

Dahil siya lang yung kaibigan ko, ayaw na ayaw kong inaaway siya at umiiyak. Kaya inaaway ko rin yung mga kaaway niya. Kahit ang dami-dami nila, kaya kong talunin yung mga kaaway niya.

Advantage ng matangkad sa age na'yon. Ako yung pinakamatangkad na babae sa section namin. Kaya lagi nalang ako sa hulihan ng pila, pumipila.

" Find your height".

Isang salitang alam ko na ang gagawin ko 'pag narinig ko ang salitang yun.

Wala ng tansya-tansya sa mga kaklase.

Deretcho lakad papuntang likuran. Kapag ganun, nag-aalala ako kay Lucy. Ayuko kasing maghiwalay kame pag nasa loob kame ng school dahil prone siya sa mga bullies. Ang cute niya kasi at halatang mahina sa mga ganong bagay.

Fate's DesignWhere stories live. Discover now