Chapter 3: Apprehension

Start from the beginning
                                    

"Sumosobra ka na talaga eh!" sabi ni besh.

Bago pa lumabas yung pagiging maldita ng bestfriend ko eh hinila na lang namin siya ni Kuya Kurt. Nako mamaya kung ano pang gawin nun. Hinayaan ko na lang din na makalagpas yung lalakeng yun kesa naman mabugbog pa siya ni besh sayang naman eh! Hahaha!! Nanghinayang pa talaga ako. Pero nako, hindi pa talaga kami tapos nung lalake na yun! Mapapasa akin din siya!!! WAHAHA!!

Trixie POV

"Naman besh! Eh! Bakit kasi hinila niyo ako! Eh sasapakin ko na talaga yung lalake na yun eh!"

Nandito na kami ngayon sa may boutique bumibili na kasi ng pamalit itong si bestfriend. Nako, nakakairita talaga yung lalake na yun akala mo kung sino. Aba, nakakahighblood siya! Hindi man lang siya nagsorry tapos ayaw niya pa aminin na fault niya yung nangyari kanina. Pshh!! Badtrip lang talaga.

"Besh! Ayos na ok. Hayaan mo na lang yun. Ano bagay ba sakin? Ahahaha" tanong sakin ng sira kong bestfriend.

Parang kanina lang nagmamaktol siya dahil dun sa nangyari tapos eto ngayon ok na ok na ulit siya. Well kung ok na sa kanya siguro nga hindi ko na dapat pang isipin yun naiistress lang ako eh. 

"Oo, ayos may magandang kinapuntahan naman pala yung pagkakabasa sayo eh. Hahaha" 

"Tsss. Nasan na nga pala si Kuya Kurt?" tanong niya.

Oo nga nasan na nga ba yung Daniel Kurt Manzano na yun! Kanina nandito lang siya ah! Tska ano bang meron dun sa lalake na yun! Ang weird niya lang talaga! Tska yung kanina dun sa may fastfood chain eh parang feeling ko may gusto siyang sabihin pero makikita mo sa mga mata niya yung hesitation. Nako, kilalang kilala ko na yan si Kurt alam ko kung may gumugulo sa isip niya oh kung ano man. Kailangan kong malaman kung ano yung reason ng pagbalik niya dito. 

"Hoy besh!!! Tulala?" daldal talaga nitong besh ko kahit kelan.

"Hindi, nag-iisip lang ako. Halika na nga hanapin natin si Kurt ng makauwi na tayo pagod na ako eh."

 Tapos nun lumabas na kami dun sa boutique na pinagbilhan ni Ashley ng damit tapos hinanap namin si Kurt sa may malapit kaso wala naman eh. Tinawagan namin siya pero busy yung phone niya. Saan na naman kaya nagsusuot yung lalake na yun??

"Si Kuya Kurt oh!" turo ni Ashley. 

Lumapit kami sa kanya halos nalibot narin namin yung buong mall para lang hanapin siya tapos nandito lang siya sa may tapat ng isang jewelry shop? Say what??? Nung malapit na kami sa kanya napanisin ko na may kausap siya mukhang serious yung mukha niya na parang hindi mapakali tapos nung tumingin na siya sa direksyon namin eh parang nagmamadali naman siya na iend yung call.

"Hoy! Daniel Kurt! Kanina ka pa namin hinahanap ha! Tska ano namang ginagawa mo dito sa jewelry shop ha? At sino yung kausap mo kanina ha?"

Ok. Ang paranoid ko ba? Eh kasi naweweirdohan na talaga ako dito kay Kurt eh! Tapos nako, isama mo pa yung itsura niya nung makita kami at ngayon habang kausap ko siya. Ewan ko! Naiistress lang ako.

"Halika na uwi na lang tayo." sagot niya.

Aba! Deadma lang siya sa mga tanong ko at sabay naglakad na palayo sa amin. At eto naman kami ni Besh ayun sumunod na lang sa kanya, aba mamaya iwan pa kami nito. Umandar na naman yung mood swing nitong tao na ito eh.

Habang nasa byahe kami ayun kami lang ni Ashely yung nagsasalita paano naman kasi itong si Kurt talagang focused sa pagdridrive kung sasagot man siya sa tanong ni Ashley kung hindi "Ah" "Oo", "Hindi", "Wala". Hay nako! Anong nangyayari sa mundo!

"Besh! Anong masasabi mo dun kay Mr. Antipatiko?"

Naman! Eto na naman yang Mr. Antipatiko na yan eh! Mukhang loka naman kasi itong bestfriend ko eh! Mukhang interesadong-interesado dun sa lalakeng yun. Sabagay gwapo naman, pero don't get me wrong ha! Hindi siya yung mga tipo ko.

"Nakakaasar siya"

"Besh naman eh! Kalimutan mo na lang yun ok. I mean how about his looks? Ano ang gwapo diba? Do you think he likes my type?"

"Hoy, Aleng ha! Nako, tantanan mo ako diyan sa mga boys boys na yan ha!"

"Opo manang!!!! Nako, basta ako kapag nagsorry lang sakin yung Mr. Antipatiko na yun KAMI NA AGAD AGAD!!!"

"Tsss. KAYO NA AGAD EH HINDI PA NGA NANLILIGAW EH! Ang tanong liligawan ka ba niya? Tska nako Aleng kapag lang nagkagusto sayo yun papahirapan ko yun"

"Hahahaha..Kaya love na love kita Besh eh! Hayaan mo pagkinasal kami ikaw maid of honor ko! ahahahahha" 

"KASAL AGAD? EH HINDI MO PA NGA KILALA YUNG TAO! ALAM MO BA PANGALAN NUN HA?" tanong ko sa kanya.

Nako, nasisiraan na ata itong kaibigan ko na ito!!!! Bakit ba naman kasi naging bestfriend ko ito! Hahaha..

"Ehem" si Kurt yan.

Hindi namin namalayan nasa harap na kami ng bahay ko si Ashley ayun bumaba na gagamit daw kasi siya ng CR eh. Kaya kami na lang ni Kurt yung naiwan. Tsss, hindi ko feel yung ambiance iba yung dating ang awkward lang.

"Kurt! Ok ka lang ba ha? Kanina ka ba kasi tahimik diyan eh. Ano bang problema mo? Pwede mo naman sabihin sakin eh. Diba bestfriend kita? Tska kanina alam kong may gusto kang sabihin bago mangyari yung incident dun sa kainan. Ano ba talagang gumugulo sayo Kurt?"

""

"DANIEL KURT MANZANO!!!!"

"Trixie Coleen Chavez. I love you. Will you be my girlfriend? My Beau."

SAY WHAT?!?!?!?!?!?!?!?!?!?!?!

__________________________________________________________________________

A/N: Hahaha!! At last nakapagUD narin ako! So kmusta naman po ang Chapter 3? Hehe. Any reaction? Violent man yan o good sige lang sabihin niyo sa akin. Feel free to post it in the comment box. Maappreciate ko po yun. hehe. So anong meron kay Daniel haha.. Si Mr. Antipatiko kaya? Anong magiging reaksyon ni Coleen after nung confession ni Kurt? Ano kaya yung isasagot niya?

Hahahha!! Abangan na lang po natin! Salamat po ng sobra sa pagbasa at pagsupport ng work ko! Thank you guys :**** Feel free to vote.share.comment.fan sige lang hahahahah!!! :DDD

Love is BITTER the Second Time Around?? [Ch. 5]Where stories live. Discover now