CHAPTER 15.1: Stop loving me

Start from the beginning
                                    

                “Jiro Lee.”

                “Pasok na daw po kayo, Sir.”

Pagkapasok ko, bigla akong binatukan ng ate ko. Sabi ko na nga ba eh.

                “Ate naman. Bakit mo ako binatukan?”

                 “E pano ba naman, first day mo sa trabaho, late ka na kaagad. Buti na lang at orientation mo pa lang ngayon.”

                 “Sorry na, ate.” Umupo ako sa silya sa tabi ng table niya. May inabot siya sa aking mga documents.

                 “Para saan to?” tanong ko sa kanya.

                 “Pag-aralan mo yan. Makakatulong yan habang nag-OOJT ka dito. Ikaw ang magiging CEO habang wala ako.”

                 “What?! CEO?!” OJT pa lang, CEO na kaagad ang posisyon ko.

                “Ayaw mo? E di, lumipat ka na lang sa kompanya ni Dad.”

                 “Ayoko. Alam mo naman na ayoko dun. Saan ka ba pupunta at kailangan ako pa ang pumalit sayo?”

                 “Magbabakasyon. Matagal ko nang pinlano to. Kaya wag ka ng umangal. Nakapagpa-book na ako ng flight namin ng hubby ko.” Oo nga pala. Bagong kasal si Ate sa isang businessman na na-meet niya sa Singapore ng minsan pumunta siya doon para sa isang business meeting. Mabait at mahal na mahal naman niya ang ate ko kaya pumayag sila Dad na magpakasal sila Ate.

                 “Kailan naman ang balik nyo?”

                 “A week before matapos ang OJT mo, andito na kami. I-eevaluate ko ang performance mo.”

                “WHAT?!” ok na sana eh. Kaso, ang tagal ko pala magiging acting CEO. Panigurado, magiging busy ako ng todo.

                “Brother, dear. You don’t have any choice. Saka magaan lang ang magiging trabaho mo habang wala ako. Hindi naman kasi kalakihan ang kompanya ko kumpara sa kompanya ni Dad.” May point siya. Ok na din siguro to. Sweswelduhan naman niya ako kaya pumayag na ako.

                 “Sige na. Payag na ako. Sabi mo nga din, no choice na ako.”

                 “Thank you!” agad naman niya akong niyakap.

  -------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

(---ADRIAN’S POV---)

Nandito ako ngayon sa kompanya namin. Maling information pala ang binigay sa akin ng sekretarya ni Dad, kaya pinapunta niya ako para ibigay ang magiging position ko sa kompanya. Ang tanga ko naman. Naniwala naman ako kaagad sa sinabi ng sekretarya ni Dad. Summer vacation ngayon kaya nasa bakasyon lahat ng staff ng school.

                 “Sir, andito na po si Mr. Adrian Lee.” Sambit ng sekretarya sa telepono.

                 “Pumasok na daw po kayo.” Agad naman akong pumasok sa pinto.

                 “Adrian, take a seat.” Umupo ako at tahimik na naghihintay sa sasabihin ni Dad.

                 “You’ll be acting as the president of the company. Here are the things that you should review.” May inabot sa akin na documents si Dad. Hinahanda na niya talaga ako para sa kompanya namin dahil only child lang ako. Walang ibang magmamana nito, kundi ako.

Crazy Textmates to Crazy Couple?Where stories live. Discover now