Chapter One ~ new friends

57.4K 930 60
                                    

ONE ~

"anak gising ka na !" sabi ng nanay

"opo , eto na po !" sabi ko naman

unang araw ng eskwela ngayon , excited ako pero kinakabahan .4th year high school na ako at Scholar kasi ako sa isang school , di naman sa nagmamayabang , matalino kasi ako at syempre , pursigido , para naman masuklian ko yung kabutihan ng mga magulang ko sakin . mahirap lang kasi kami , pero di ko iyon ikinakahiya .

naligo ako , nagbihis at lumabas mula sa kwarto ko .

"goodmorning nay , good morning tay " sabi ko at humalik sa pisngi ng tatay at nanay ko .

"good morning din anak , papasok ka na ?" tanong ng nanay

"opo" ako at kumuha ng pandesal mula sa plastik na lalagyan .

"oh , eto baon mo" sabi ng tatay at nag abot ng 100 piso pero tinanggihan ko

"ay nako tatay , hindi na po , ipambili nyo na lang po ng gamot iyan kesa ibigay nyo yan sakin" sabi  ko sabay isinoli sa kanya yung 100 . may katandaan na rin kasi sila kaya imbis na lakihan yung baon ko ay ipinambibili ko nalang ng gamot nila .

"hay nako bata ka oo , napaka bait mo , kaya ang swerte ng lalaking iibigin mo" sabi ng tatay na ikina-tawa ng nanay >//////////<

"tatay naman eh , sige tatay , nanay , una na po ako" sabi ko sa kanilang dalawa

"teka anak !" sigaw ng tatay na ikinaharap ko

"bakit ho ?" tanong ko

"kahit eto na lang , tanggapin mo para may pambili ka ng inumin mo" sabi ng tatay at iniabot sakin ang 20 pessos .

"salamat tatay ! salamat nanay !" sabi ko at nagsimulang tumakbo papuntang eskwelahan.

ay di pa nga pala ako nakakapagpakilala . Ako si Athena Venus Whitlock , alam kong ampon lang ako ni nanay at tatay pero hindi ako galit sa mga magulang ko dahil alam kong may rason sila kung bakit nila ako pinamigay. 16 years old na ako at nagaaral ako sa CRUZ UNIVERSITY bilang scholar at 4th year high school .

~

pagkatapos siguro ng 25 minutes , nakarating ako sa eskwelahan . medyo malayo din kasi yung school mula sa bahay pero keri ko naman , sanay na ako eh ^______^

"ENAAAA !" sigaw ng kaibigan ko , ena nick name ko as in athENA 

"BESPREEEEN !" sigaw ko pabalik

sya naman si maica joyce williams , 16 pa lang pero may kotse na yan , yaman nya no ? pero tanggap nya ako . Sya yung kaisa-isang kaibigan ko dito sa school , pang mayaman kasi tong school eh pero nga dahil scholar ako nakapasok ako

"tara na bespren , pasok na tayo" sabi nya at naglakad kami papunta sa room pero habang naglalakad kami ay may bumungo sakin

"panget na nga , mahirap na , TANGA PA !" sabi ni aika

"like , your right sister , lets go na , baka mahawa pa tayo sa germs nyan" sabi naman ni bea

"yeah right sister like so eeww" sabi ni denise

sila naman yung tatlong laging nambubully sakin , si aika , bea at denise . I usually call them ' the power puff girls '

"hoy ! kung makapagsalita kayo wah" depensa naman sakin ng bestfriend ko

"tama na maiks (maica) wag mo na patulan yang mga yan" sabi ko naman tsaka siya hinila

"no bes , 4 na taon kang nagpabully sa mga yan" sabi nya sabay turo sa powerpuff

The Lost Vampire PrincessDonde viven las historias. Descúbrelo ahora