Pangalawang Tula

944 42 1
                                    


At nung nagdalga't nagbinata ang dalawa,
Hindi maipinta ang saya ng bawat isa
Sadyang masaya lang sila,
At ang bulaklak ng pag-ibig ay unti-unti ng namumukadkad.

Ang dating naglalaro lamang,
Ngayon ay nagkakahiyaan,
Dala ng pagbabago,
At dala ng damdaming umuusbong

Magkikita sa tanghali, hanggang dapi't hapon,
Mga tingin sa isa't isa na wari'y hindi lalaon.
Naguumapaw na kasiyahan,
Ang sa isa't isa'y pinararatangan.

Mga tingin na nakababaon sa lupa,
Wari'y patay na ngunit sa mukha'y may ngiti pa.
Na noon ay ako lamang ang nakadarama
At ngayon ay parehas na

Isang tawag, isang text
Mga sandaling sayo'y napalapit,
Pupuntahan sa bahay,
Mag-uusap saglit.

Maari nga ba?
Ikaw at ako?
Na tayong dalawa,
Ay maging magkasama?

Sa tuwing nasisilayan ang iyong ngiti,
Puso'y hindi mapigilang pumintig.
Sa tuwing magtatama ang tingin,
Para akong nasa himpapawid.

"Yzabella mahal kita"
Mga salitang nagpabilis sa tibok ng puso,
Mga salitang nagpabagal sa mundo ko,
Mga salitang noon pinapangarap ko lang marinig.

"Hindi ako mabubuhay, nang wala ka"
Matamis na pagbigkas,
Puso'y nagniningas,
Sa mga labi'y pumapagaspas.

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin,
Kikiligin?
Papakipot?
Ah basta, "Mahal din kita"

Naalala mo ba, sinta
Ang pagsuyo mong sakin ay pinakilala
Mga salitang nagpa-oo
Sa labi't puso ko.

Mga kamay na nagsaklob,
Mga labing nagsiil,
Mga pangarap na alaala,
Mga pusong pinagpala

Hindi ko mipahayag, ang nararamdaman
Noong mga panahong tayo'y magkasintahan.
Sa bahay ng ama't ina,
Natutunang magmahalan.

Mga sandaling yumayakap.
Mga segundong naghaharutan,
Lahat yun Drake, pinahalagahan,
Nino? Ako.

Mahal na mahal kita. Mahal kita.
Paulit-ulit mong sinasambit.
Na sa akin ay napalapit,
Sa dalawang kamay na nakakapit.

Nung mga panahong, sadlak sa kapusukan,
At damdamin ay hindi mapigilan,
Isa't isa ang naging sandigan,
Sa malambot na paraiso, ang dalawa ay naging isa.

Halik,
Haplos,
Indayog,
Mga galaw mo at ako.



Seen



Ang Huling Tula #Wattys 2017WinnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon