Chapter Nine

116 7 0
                                    


BRIX'S P.O.V

12:30 AM na. Hindi parin ako makatulog. Iniisip ko parin si Shantal. Ang hirap pala talagang mag move on lalo na kung First Love mo. Bata palang kami gustong gusto ko na sya. Ang kaso lang, Hindi ako ang gusto nya. Sa totoo lang, umpisa pa lang naman sinabi at pinararamdam na sakin ni Shantal na hanggang kaibigan lang talaga ang level ko sa buhay nya. Ako lang talaga ang makulit.

Hay, Puso. Ba't di ka nalang mag mahal ng iba? Yung kayang mahalin ka rin pabalik.

Siguro, kailangan ko na talaga umpisahang mag move on. Pati si Sky dinamay ko dahil lang sa sya ang gusto ni shantal at hindi ako.

Biglang nag ring ang phone ko.

Si Shantal.

Sasagutin ko ba? Ano ba kasing pinag gagawa ko.

Pero wala rin akong nagawa, sinagot ko rin.

"H-hello?"

"Hello, Brix?"

Pinilit kong kausapin sya ng maayos. Na parang walang nangyari.

"Oh, Shantal. Napatawag ka? Na miss mo ko no? Hahaha"

Sumagot ka ng Oo, Please.

"Brix naman eh."

Awww. :'(

"Biro lang. Pero bakit ka nga napatawag?"

"Sorry. Alam kong nasaktan kita kanina."

Di lang nasaktan. Na durog pa.

"Di mo kailangan mag sorry. Nag sabi ka lang naman ng totoo sakin. Ako lang naman tong' makulit."

Oo. Pinipilit ko sarili ko sayo. Bobo ko lang.

"Sorry talaga, Brix."

"Ano ka ba. Di ako sanay na ganito tayo ka seryoso mag-usap. Awkward! Hahaha."

"Hahaha. Oo nga. Kaibigan talaga kita. Akala ko hindi mo na ako kakausapin ulit."

Ouch! Heto nanaman tayo sa 'kaibigan' moment.

"Hindi ah. Matitiis ba kita?"

"Salamat, Brix. Salamat."

"Sige na. Mag pahinga ka na. Bye, Shantal."

Binaba nya na ang telepeno.

Masakit parin. Masakit parin tangapin ang katotohanan na kahit kailan hindi mapapa sayo yung taong matagal mo ng gusto.

Napa-hinga na lang ako ng malalim. Bakit parang pakiramdam ko ang unfair ng tadhana saakin? Hays.


                          ***


SKY'S P.O.V
Hawak ko ngayon ang isang I.D at sa tingin ko, kay 'Supergirl' to. Nahulog nya siguro habang paalis sya. Bakit kasi sya madaling madali. Baka late narin siguro sya.

So, Cleigh Lopez pala ang pangalan nya. Napangiti nalang ako habang tinitignan ang Picture sa I.D nya. Yung ngiti nyang nakakahawa.

Binaliktad ko ang I.D at may nakita akong cellphone number nya. Baka kanina parin nya ito hinahanap.

Tinext ko yung number.

"Hi. Is this Cleigh Lopez?"

Hindi nag tagal, nag reply din sya agad.

"Yes. Who's this?"

She's MineWhere stories live. Discover now