For his love series: Songs for his love.

124 9 11
                                    

NOTE: Medyo maraming balik-tanaw ang kwento na ito. At ako na din po ang nagsasabing basahin niyo nang mabuti para hindi po kayo malito. Seryoso po 'yon. Pero, hindi naman mahirap 'yong takbo ng kwento. 'Yong balik-tanaw lang talaga ang nakakalito. Mehehe. Pero, masaya 'to. Bleh. Notice those big spaces, that might help, na baka inalala ang past o bumalik na ang isip sa present. Okay, ang labo. Basa na lang po kayo. :D

Enjoy po kayo! 

Matutuwa din po ako kung may vote/s at comments! Salamat po! *u*

______

"Those words. Those songs. Those memories. Just memories."

______

Just get rid of the fear… Promise that I'm here… I'll never be gone… So, baby, come with me… We can fly away and we can watch the stars shine… And baby you can be my love…”

Habang hindi matigil sa pagtugtog  ng gitara at pagkanta si Andrew ay hindi din matigil-tigil ang isang bahagi ng kanyang isipan ang isang kantang kahapon lamang ay kanyang kinakanta sa loob ng simbahan. Kinakanta niya habang pigil na pigil ang luha. Hindi dahil… Tama na, Andrew. Itinuloy niya ang kanyang ginagawa, at pinikit ang mga mata. Nakikita niya ang isang mukha ng isang babaeng nakangiti. Isang babae na nakangiting naglalakad sa aisle ng simbahan.

Hold on, I promise it gets brighter… When it rains I'll hold you even tighter…”

Hindi niya iminulat ang kanyang mga mata kahit nararamdaman niya na ang tulo ng kanyang luha. Nagbalik ang lahat sa kanyang aalala… Napangiti siya ng…

“Andrew…” 

Tinawag siya ng kanyang kaibigan.

“Oh?”

“May gig tayo next week!” Masaya nitong sabi. “Bagong lugar?”

“Ha?

Naguluhan siya sa sinabi ng kaibigan. Well, ganoon naman talaga si Christopher, magulo, hindi na yata iyon magbabago. Si Christopher ay matagal na niyang kaibigan, nakilala niya ito noong nasa college siya. Ah, mali. Noong nag-aral ulit siya sa college. He was then pursuing his passion, which is music. Sila-sila nila Xander, Christopher at Vincent ang nakabuo ng grupo nang dahil sa iisang hihilig, ang tumugtog. He’s the vocalist and the guitarist of the group. Madalas din, siya ang gumagawa ng kanta. Pero, this past few months, para siyang nawawalan ng ganang magsulat. Mismong siya, hindi alam kung anong dahilan ng bagay na iyon. Perhaps, he’s mind is not in the mood? O kaya…

Naaalala niya bigla ng minsang tumugtog siya sa isang bar. Isang pamilyar na mukha ang kanyang nakita. Hindi lang pamilyar dahil nakatatak na iyon sa isipan niya. He smiled when she saw her. At napalis ‘yon nang makita niyang makasama itong iba. Maghawak-kamay sila. She noticed him, she smiled at him. Akala ko, nakalimutan niya na ‘ko, sa isip niya. Akala niya lang pala talaga iyon. Dahil after niyang tumugtog ay pinuri pa siya nito at binati. Parang lang silang magkaibigan talaga. Parang walang nangyari... 

“Andrew?”

Napatingin siya sa nagsalitang si Christopher. 

“Hindi ka naman nakikinig, pare, e.”

“Camera kasi hawak mo, e. Hindi drumstick.”

Totoo iyon. Sa mga oras na iyon ay hindi ang drumstick ang hawak nito na nagsisimbolo sa pagkahilig nito sa music, kung hindi ay sa isa pa nitong kinahihiligan, ang photography. Well, nahilig naman ang kaibigan niya doon dahil sa babaeng mahal nito.

Trilogy Stories (One-shot stories)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant