Chapter four ✔️

Start from the beginning
                                    

Tila saglit itong natigilan at maya-maya ay ngumiti na naman sa kaniya ng may kung anong kislap sa mga mata. "Ahmm... How 'bout this part of your body, my fruit?"

Gulat akong natigilan ng ipag landas ni Dash ang daliri sa labi niya. Napa nganga siya ng wala sa oras at hindi naka huma. Hindi man lang siya nakapg react at nakapag rebutt dito.

Mabilis na natuliro ang isip niya sa dapat isagot. "W-What? Manyak ka talaga!" Handa na siyang paliparin ang kamao niya dito ng bigla nito iyong sinalag at sinalo sabay hatak sa kaniya ng may puwersa kaya napa lapit ang katawan niya sa katawan nito.m at maglapat ang mga labi nila.

Parang huminto ang pag-inog ng mundo niya ng marealize ang nangyari. She was dumbfounded when she felt his lips against hers. Akala niya ay hindi totoo ang lahat at nasa panaginip lang siya. Pero napa mulagat siya ng maramdaman ang dahan-dahang pag galaw ng labi ni Dashiele. Tila ilang boltahe ng kuryente ang rumagasa sa katawan niya dahil sa nangyari na naging dahilan para maitulak niya ito ng malakas.

Sa nangangatal na daliri ay natutop niya ang labi habang nanlalaki ang mga mata na tinitigan ang binata. "W-Why did you d-do that?"

Yung puso niya sasabog na ata sa lakas ng pintig niyon. Nakakaliyo, nakakahilo at nakakaiaba ang nanganap na paglapat ng labi nito sa kaniya. Gusto niyang maiyak sa iba't-ibang pakiramdam na nabubuhay sa kaniya. Ngunit hindi niya maitatanggi ang kilig at saya na bumabalot sa munting puso niya.

Imbes na mag explain dahil sa kapangahasang ginawa ay ngumiti lang ito na nagpalabas ng dimple nito sa pisngi. Napakamot din ito sa batok at saka tumayo. Pinag pagan muna nito ang pang-upo nito at saka siya binalingan. "You really have a soft and nice lips. Don't expect me to say sorry for what I did."

Iyon lang at umalis na ito. Iniwan siya nitong parang nahipnotismo at nakanganga pa. Kanina pa din nag-iinit ang buong mukha niya at hindi niya alam kung may mukha pa ba siyang maihaharap dito.

"Para saan ba iyon?" Bulong niya sa sarili habang nangangapa ng eksplinasiyon sa isip.

Maaari na ba siyang umasa ngayon na pareho din ang nararamdaman nila ni Dashiele? Pero imposible, hindi talaga maaari.


Dashiele's

Pabalik na sana si Dashiele sa headquarters nila ng makasalubong niya si Grapes na tila nang galing mula sa pag-iyak. Namumula pa ang ilong nito at medyo misty ang eyes kaya agad siyang nag-alala para dito.

"What's wrong?" Agad na umahon ang protective instinct niya para sa dalaga na isa sa pinaka malapit niyang kaibigan simula't sapul pa.

Imbes na sumagot ay niyakap lang siya nito at saka sumubsob sa dibdib niya. Napa tiim bagang naman siya sa kaisipan na baka binu-bully ito. Pero imposible iyon dahil kilala sa pagiging maimpluwensiya ang pamilya nito sa buong eskwelahan.

"What's wrong, my princess. May nangyari bang masama?" Napa tiim bagang siya sa naisip na baka may mga umaaway dito ng lingid sa kaalamanan niya.

"H-he doesn't care anymore. B-bakit ang bilis niya akong naipagpalit? I thought he loves me. Alam mo bang ang sakit-sakit na makita siyang may iba na?"

Natigilan siya sandali at mas lalong nag-init ang ulo niya ng maisip ang naging secret boyfriend nito. Para siyang sinapian ng kung ano at gusto niyang sugurin ito pero pinigilan lang siya ni Grapes at niyakap ng mahigpit.

"N-no, Dash. He doesn't desrve your attention. He is a certified jerk. Don't waste tour time on him."

"That's why I need to teach him a lesson that he wouldn't forget even in his death!"

"P-please, just let him be. Mangako ka na wala kang ibang gagawin sa kanya."

"Siya ba ang dahilan kung bakit mo pinipilit mag-aral sa ibang bansa, huh? Siya nga ba, Grapes?" He asked in a cold voice.

"N-no! That's my own decision at walang kahit na sinong involve sa plano kong iyon. So don't jump into a conclusion ng dahil lang dito."

"Gaano katagal ka na niyang sinasaktan ng ganito? Baka kailangan ko ng durugin ang pagmumukha niya, sabihin mo lang."

"No, Dash. Huwag mo ng pag aksayahan ng galit ang isang gaya niya." Puno ng hinanakit na saad nito.

Tila ilang palaso ang tumama sa puso niya sa nakikitang reaksiyon ng matalik niyang kaibigan. Niyakap na lang niya ito ng mahigpit. "You deserve someone better. Ayokong mababalitaan na isang kagaya lang din niya ang kukunin mong maging boyfriend kapag nasa ibang bansa ka na."

"I swear, but promise me na habang wala pa ako ay ikaw muna ang mag-aalaga sa kapatid ko. Please take care my little siste, she's so precious at maraming lalaki ang aaligid sa kanya ilang taon pa mula ngayon."

Napa lunok siya sa sinabi ni Grapes. "I promise."

"Huwag mong hayaang may ibang lalaki na manakit sa kaniya. Ayokong maranasan niya ang nararanasan ko ngayon."

Alam niyang imposibleng hindi masasaktan si Apple because to be hurt is part of falling in love. Ngunit tila hindi niya lubos o makayang isipin na may ibang lalaking makakalapit dito ng higit pa sa kaya niya. Tiim bagang kong sinagot nag dalaga. "I promise."

"Thanks, Dash..."

Tila may kung anong humahatak sa kaniya para tingnan ang paligid nila. At para siyang natulos sa kinatatayuan ng makita ang bulto ni Apple habang nakatingin sa kanila ni Grapes. Naka balatay sa magandang mukha nito ang sakit habang nakatingin. Maya-maya lang ay tumakbo na ito palayo sa kanila ng kapatid nito.

Kahit gusto niyang habulin ito ay hindi niya magawang iwan si Grapes sa ganitong sitwasyon. So he chose to stay, kahit masakit.

An APPLE a day can keep your DOCTOR forever... (TCOMV CONTINUATION)Where stories live. Discover now