Chapter four ✔️

6.3K 156 3
                                    

Chapter four

Apple's

IMBES na sa library tumungo ay hinayon na lang ni Apple ang daan papunta sa back garden ng school. Nagkalat ang mga nag lalakihang puno sa gawing iyon ng eskwelahan at panay mga upuan din na tila ninakaw pa mula sa mga classroom ang makikita duon. Kahit saan ka sumulyap may mga estudyanteng naka tambay at tila sarap na sarap sa hangin na umiihip sa buong paligid.

Tinungo niya ang isa sa paborito niyang puno at saka naupo sa ugat niyon. Napa ngiti siya ng pino ng isayaw ng hangin ang mahaba at medyo kulot niyang buhok. This is haven. Bulong niya sa sarili. Ang lugar na ito ang pinaka magandang parte ng eskwelahan nila at masaya siya na nararanasan niya ang ganitong pakiramdam na dulot ng nature.

Bahagyan niyang ipinikit ang mata at dinama ang kaginhawaang hatid ng hangin. Mas gaganahan siyang mag aral dito kaysa sa library na pulos libro ang nasa paligid at ang terror na bantay duon. Mabuti na lang talaga at naisip niyang dumito.

"You look so serene when you do that."

Napa pitlag siya ng may naupo sa tabi niya at masinuhan ito. Her heart starts to pound as she look at this handsome creature in front of her. Tila siya na batubalani at napatitig na lang sa mga mata nito na tila palaging naka ngiti at nang aayayang titigan ang mga ito ng maigi.

She gulp a little when her eyes caught his lips. He's so handsome when he smirks like that. Nakakaakit na lang ang lahat ng bagay na mayroon ito.

"So, what's the verdict? Palagi ka na lang talaga natutulala sa kagwapuhan ko, Apple fruit. Ganuon ba talaga ako ka guwapo para bigyan mo ng kakaibang tingin na gaya ng ganyan?"

"H-huh?"

"Ahhh... How I love to hear it when stammered like that just because of me. Nakaka taas ng ego na maski ikaw ay natutorete sa kagwapuhan ko. So, naaakit ka?"

"W-What?!" Namumula na ata maski tuktok ng ulo niya dahil sa pinag sasabi ng mokong na ito. Kahit pulos katotohanan naman ang pinag sasabi niya ay hinding-hindi niya ipapaalam iyon dito. Over her dead body!

"Stop denying it my Apple fruit. Masyado ka ng obvious. First day pa nga lang ng pagkikita natin nag declare ka na na crush mo ako, hindi ba?"

"Dashiele Quintania, yung totoo nawawala ka na naman ba sa katinuan mo? Ano nanaman bang nasinghot mo at nagkakaganyan ka? At FYI hindi ako nag declare na crush kita noon, at hindi kailanman. Baka ikaw ang may crush sa akin dahil palagi mong ipinipilit ang bagay na iyan simula't sapul pa?" Inis na umusog siya palayo dito lalo pa at nasisinghap niya ang pabango nito na nagdadala ng kilit sa loob niya.

Biglang natawa ang hudyo ng malakas dahil malamang sa sinabi niya. "Mas maganda pa din si my princess kaysa sa iyo. Cute mo talaga." He lightly pinched my cheeks.

Sapat na ang sinabi nitong iyon para magkaroon na namang muli ng pitak ang puso niya. Pero ikamamatay niya kapag nalaman nitong nasasaktan siya sa bawat oras na sinasabi nito ang lahat ng kalamangan ng ate niya sa kanya.

"I don't care. I know that I am beautiful in my own way. Alam kong mas maganda si ate, no doubt about that. Pero ano naman ngayon? Hindi ka rin naman niya crush, kaya nga hanggang lambing ka na lang sa kanya at sa walang katapusan mong kaka 'my princess' mo diyan."

Tila hindi naman nito ininda o tinamaan sa sinabi niya dahil todo ngisi pa si Dash habang nakatitig sa kanya. Bigla tuloy siyang na conscious na baka may dumi siya sa mukha.

"You're right, maganda ka nga. Pero mas maganda pa din siya."

Nanggigigil na hinampas niya ang balikat nito at saka pinitik sa ilong at ng hindi pa makuntento ay iniamba niya sa tapat ng mukha nito ang kamao niya. "Do you really want to taste this part of my body? Nakakapikon ka na, eh!"

An APPLE a day can keep your DOCTOR forever... (TCOMV CONTINUATION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon