Part 3 :: Fatal Accident

3.9K 156 21
                                    

Si Je Em na mismo ang nagpa-ikot ng botelya ng mineral water huwag lang matapos ang laro nila. At suwerte dahil sa kanya nga tyempo tumapat ang nguso ng bote.

"Yeah!" Sa katuwaan ay napasuntok sa hangin ang binata.

" Who do you want to kiss, bro?" tanong dito ni Harvey.

"Si Mieko!" Hyper na turo ni Je Em kay Mieko.

Bumusangot ang dalaga. "Sabi ko na nga ba may lihim kang pagnanasa sa akin."

Napahalagpak ng tawa si Je Em. Nakitawa na rin din ang lahat.

"Sige na kiss mo na ako. Baka 'pag hindi kita pagbigyan, eh, mabangungot ka mamaya," saglit ay pag-unlak naman ni Mieko. Ini-ready nito ang pisngi.

Nagmamadali na ngang lumapit si Je Em at madiing hinalikan ang pisngi ni Mieko. Mapang-asar nga lang talaga dahil umaktong ipapahiga pa ang dalaga.

"Eiiiiihhhhh!" Matinis na tili tuloy ni Mieko. Itinutulak nito ang binata pero ayaw nang magpaawat ni Je Em.

"Bro, tama na!" Grabe ang tawang hila nina Prince at Harvey rito.

Ang lutong naman nang naging tawa nina Hazen at Jane.

Pagkatapos ay sangkatutak na kurot at hampas ang ginawa ni Mieko kay Je Em. "Manyak ka talaga! Manyak ka!"

Mas napuno ng tawa ang buong classroom nila na hanggang ngayon ay madilim pa rin.

"Yahoooo!" Nadagdagan pa ang katuwaan nila nang bigla nang umilaw. Apiran sila. Sa wakas maitutuloy na nila ang pag-iinsayo.

Tumigil na si Mieko sa pambubugbog kay Je Em. Nagsitayuan na silang lahat. Hudyat na tapos na ang laro at oras na para mag-ensayo ulit sila.

"Practice na ulit tayo," ani Harvey.

"Geh," sagot ni Je Em. Ito na ang nag-play sa radyo.

Pumosisyon na sila.

"Jane, halika na," pag-anyaya ni Hazen sa isa pang kasama nila. Nakalimutan niyang hindi na kasali si Jane sa practice kaya pinasisintabi kanina ito ni Harvey.

"Hazen, hindi na siya kasama," pagpapaalala ni Je Em sa kanya. Ipinause nito ang sasayawin nilang tugtog.

Natigilan na si Hazen. Kasabay ng pag-aalala niyang tatanggalin na sa grupo si Jane ay ang pagbabalik din ng pagkaawa niya rito.

"P-paanong hindi na po ako kasama?" Nangilid na agad ang luha sa mga mata ng kawawang si Jane. Palipat-lipat ang tingin nito sa kanila. Nakaramdam na.

"Jane, pasensya ka na pero tanggal ka na sa grupo," walang pasintabi na sabi ni Je Em. "Babalik na kasi si Rosemarie kaya hindi ka na namin kailangan."

Bumagsak agad ang mga luha sa mga mata ni Jane. Parang pasabog kasi iyon sa pandinig ng dalaga. Mayamaya ay nagtatakbo na na umalis pagkapulot sa backpack nito.

"Jane, wait!" tawag ni Hazen. Ngunit parang hindi siya naririnig ni Jane.

"Hazen, let her go!" Hinaklit ni Mieko ang braso niya.

Tiningnan niya ng masama ang mga kaibigan. Ito na nga ba ang sinasabi niya. Dahil lang sa walang katuturan nilang plano ay nakasakit sila ng damdamin ng isang mabait na tao.

" Hazen, we already talked about this. She doesn't belong to our group because she's ug—" Igigiit sana ni Mieko sa baluktot nilang katwiran.

But Hazen shook her head widely. Mas dismayadong mukha ang ipinakita niya sa mga kaibigan. "Bakit, guys? Batayan na ba sa pagiging dancer ang hitsura? Beauty pageant ba ang sasalihan natin para ganituhin natin si Jane? Wala ba kayong konsensya dahil tinanggal natin siya na wala namang siyang ginawang pagkakamali?"

KISS, MARRY, KILL ( Soon to be published under HBP)Where stories live. Discover now