Chapter 28: My Sacrifice

2.4M 59.1K 20.4K
                                    

JEYDON


"Paano mo nalaman?"

Nakatingin siya sa mata ko na parang gusto niya pa ulit akong suntukin. Kitang-kita ko sa mata niya 'yong galit.

"Si Kim, sinabi niya sa 'kin lahat." Inalis niya 'yong kamay niya sa kwelyo ng damit ko. "Makasarili ka, pare! Bakit mo nilihim sa 'min? Bakit mo tinago samin?!"

Tumayo ako at inayos ko 'yong damit ko. Pagkatapos ay pinunasan ko 'yong labi ko na puno ng dugo.

"Sabihin mo, kapag ba sinabi ko 'yon may magagawa ba kayo? Mabubuhay ba ako? Hindi naman, 'di ba?"

Tiningnan ko 'yong kamay niya. Alam kong nagpipigil siya ng galit. "Mas magiging komplikado lang 'yong sitwasyon."

"Tangina naman pala, pre. Wala ba kaming halaga riyan sa buhay mo para ilihim mo sa 'min?" Nakaramdam ako ng pagkainis.

"Ayoko lang kayong masaktan!" Maaring dahil sa tensyon na meron kaming dalawa ni Shawn kaya may mga luha na pumapatak sa mata ko ngayon. Hindi ko na rin mapigilan na mapasigaw. "Wala akong pakialam kung masaktan ako basta 'wag lang kayo at 'wag si Candice! Kaya kong solohin lahat ng sakit para sa kanya."

"Duwag ka! Napakalaki mong duwag!"

"Oo, sabihin niyo nang duwag ako pero wala akong pakialam! Sabihin niyo nang walang kwenta 'yong dahilan ko pero wala naman talaga kayong alam e!"

Huminga ako nang malalim para kahit papaano, mabawasan 'yong bigat ng loob at tensyon na nararamdaman ko.

"Jeydon, sinaktan mo si Candice!"

"Alam mo bang mas doble 'yong sakit na nararamdaman ko tuwing makikita ko siyang nasasaktan? Pero ito 'yong mas makabubuti sa kanya e. Ang maghiwalay kami."

"Jeydon, pwede naman kayong lumaban ni Candice nang sabay e! Tingin mo ba iiwan ka niya? Mahal ka niya kaya hinding-hindi ka niya iiwan."

"Oo, hindi niya ako iiwan pero ako, iiwan ko siya! At kapag nangyari 'yon, masasaktan siya nang sobra at hindi ko 'yon kaya." Napaupo na lang ako. Ang bigat na ng pakiramdam ko. "Nasaktan ko man siya ngayon, alam kong panandalian lang 'yon dahil sa galit na meron siya ngayon, makakalimutan din niya ako. Isa pa, nandyan ka naman para sa kanya, 'di ba?"

Lumapit siya sa 'kin pagkatapos ay inangat niya ako. "Ano bang tingin mo kay Candice? Laruan na pwedeng iwan na lang kapag ayaw mo na? Na pwedeng ipamigay sa iba?!"

Sa galit ko, hinawakan ko na rin 'yong kwelyo ng damit niya. "Alam mo ba kung gaano kasakit 'yong nararamdaman ko ngayon?!" Tinulak ko siya palayo sa 'kin. Gusto ko man siyang suntukin, hindi ko magawa. Wala naman siyang kasalanan sa lahat ng nangyayari ngayon. "Ang sakit, alam mo ba 'yon? Ang sakit para pakawalan mo 'yong taong mahal mo at ipaubaya siya iba kahit na mahal na mahal mo pa rin siya. Pero ayon 'yong kailangan e, ayon ang dapat."

Napaupo na rin si Shawn. Nagulat na lang ako kasi nakita ko na naman siyang umiiyak. "Ang tanga mo, Jeydon. Ang tanga mo para isuko siya nang ganon."

"May mga bagay na dapat mong isuko at may mga bagay rin na dapat mong ipaglaban." Tumingala ako sa langit habang hindi pa rin tumitigil 'yong mga mata ko sa pag-iyak. "Sa kaso namin, gustuhin ko man siyang ipaglaban pero na hindi pwede."

"Pwede mo siyang ipaglaban pero hindi mo lang ginawa kasi umayaw ka na agad."

"Hindi ako umayaw. Tinanggap ko lang na hindi ako 'yong kailangan niya." Ikaw 'yon, Shawn, ikaw. "Sana nga namatay na lang ako kaysa ganito." Para akong tanga kasi naiiyak na naman ako. "Parang araw-araw akong pinapatay sa sakit na nararamdaman ko."

The Good Girl's Revenge (Published under IndiePop)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon