"Naroon po siya sa magarang kotse." Bumusina ang sasakyan. Hindi ito ang kotse ni Falcon pero malay ba naman niya kung ilan ang sasakyan ng lalaking 'yon. Bigla ang mabilis na pagtahip ng dibdib niya sa isipang si Falcon iyon. Pero ano ang ginagawa nito rito?

"Salamat, boy." Lumapit siya sa sasakyan at nang nasa driver's seat na siya ay unti-unting bumaba ang bintana ng sasakyan. Hindi niya mapigilan ang pagitaw ng ngiti sa labi nang bumungad sa kanya ang isang kumpol ng Calla Lilies na hawak nito habang nakatakip sa mukha. Dahan-dahang inalis ang pagkakatakip ng bulaklak sa mukha nito at lalong lumawak ang pagkakangiti ni Mhelanie nang bumungad ang guwapong mukha ni Falcon.

"Ano ang ginagawa mo rito?" namamangha niyang tanong.

"Pasok ka muna." Mabilis siyang umikot sa passenger seat at lumulan sa sasakyan. Dumukwang si Falcon sa kanya at ginawaran siya ng halik sa labi bago iniabot sa kanya ang bulaklak at isang Swarovski Stitch figurine at muli itong umaayos ng pagkakaupo. Kung noong una ay isang asul na Swarovski stitch ngayon naman ay isang crystal white.

"Bakit mo ba ako binibigyan ng stitch?"

"Wala lang. Feeling ko lang paborito mo si stitch. Madalas kong makita na stitch ang print ng mga damit mo, even your slippers were stitch, too." Hindi naman niya alam na very observant pala si Falcon, na kahit maliit at hindi naman importanteng detalye ay napupuna nito.

"Paborito ko nga si stitch. Thank you. Pero bakit ka nga pala nandito?"

"Para makita ka."

"You travelled from Maynila to Batangas just to see me? Tres, nasisiraan ka na ba?"

"Mas masisiraan ako kung hindi kita makikita. I need to see you kahit saglit lang." Tila may mainit na kamay na banayad na humaplos sa puso niya dahil sa sinabi ni Tres. Bakit ba ganito ka-sweet si Falcon? Ganito kaya talaga ito sa lahat ng nakakarelasyon nito? Pero kahit isang beses hindi niya nakita si Falcon na sumunod kay Harper kapag may shooting ito sa malayong lugar. Dumukwang siya at hinalikan si Falcon sa pisngi.

"I appreciate your effort. Thank you so much. Pero next time huwag mo na itong uulitin. Napapagod ka lang." Si Falcon naman ang dumukwang at hinalikan siya labi.

"Mukha ba akong pagod? My source of strength is here." Inikutan niya ito ng mata para pagtakpan ang kilig na nararamdaman.

"Bolero ka." Isang damping halik ang muling iginawad ni Falcon sa labi niya bago muling umayos sa pagkakaupo.

"Magdate tayo." Binuhay nito ang makina at pinausad ang sasakyan. Kinuha ni Falcon ang kamay niya at pinagkawing ang kanilang mga daliri habang nagmamaneho ito ng sasakyan. Walang ibang nagawa si Mhelanie kundi ang ngumiti na lang nang dalhin nito ang kamay niya sa bibig at gawaran ng pinong halik. Wala pa naman siyang gagawin. Mamayang gabi pa kukunan ang eksena ni Harper. Gusto niya ring makasama si Falcon.

PAGKATAPOS nilang kumain ni Falcon sa pinakamalapit na restaurant at mamasyal ay inihatid rin siya agad ng binata sa lokasyon ng shooting nang kumagat na ang dilim. Itinabi ni Falcon ang sasakyan sa gilid ng madilim na daan at magkayakap na umupo sa likod ng sasakyan. Hindi niya mapigilang mapangiti dahil sa paraan ng pagkakayap sa kanya ni Falcon; iyong tila ayaw na siyang paalisin. Marahang humahaplos ang kamay nito sa likod niya habang nakahilig ang gilid ng kanyang ulo sa dibdib nito at panakanaka ang iginagawad na halik ni Falcon sa kanyang ulo.

"Kailangan mo nang umuwi, Tres. Gabi na." Gusto pa niya itong makasama pero gagabihin na ito at delikado sa daan.

"Let's spend the night together, love. Mag-check-in na lang tayo sa isang hotel dito. Gusto pa kitang makasama." Gusto man niya pero hindi puwede. Kailangan siya sa set.

Fatal Attraction 4: Sinful AffairWhere stories live. Discover now