Author's Note: Dahil maikli at bitin ang chapter na to kay Patring ko na lang idededicate...supot kasi yan eh! :-P
Kriiiiinnnnggggg..... kriiiiiiinnnnggg....kriiiiingggggg (tunog ng alarm clock)
Napabalikwas ako ng bangon pano un alarm clock ko adik lang makatunog parang missed
call lang sa celphone kong high tech pero bihirang maka received ng mga text.....hehe makaka
rhyme ah.
Tumayo na ako at dumiretso ng CR para maligo at makapag-ayos ng sarili. Pagkatapos
kong mag ayos bumaba na ako ng hagdan wearing my sweetest smile aba dapat lang first day of
school dapat maganda ang aura ko.
As usual, si Yaya Lucy lang ang nadatnan ko sa dining room inaayos na nya ang
pinagkapehan ng parents ko meaning nakaalis na sila ng maaga na di ko man lang nakita at
nakausap.
"Anak, kumain ka na first day ng pagpasok mo dapat maaga kang pumasok at dapat may
laman ang tiyan mo, mahirap mag aral ng kumakalam ang tiyan." Si Yaya Lucy yan everyday yan
na naman ang mga dialogues nya pero di ako nagsasawa parang nanay ko na yan.
"Yes naman po Nanay Lucy pinaghirapan mo kayang lutuin ang breakfast ko kaya bilang
ganti uubusin ko lahat ng to!" I used to call her nanay kasi mula nun baby pa ako up to now sya un
matyagang nag aalaga sa kin.
Feel na feel ko ang paglalakad di kasi ako nagpapahatid sa driver namin kahit laging
sinasabihan ng parents ko un family driver namin na ihatid ako tinatanggihan ko lagi ang OA
naman kasi nila 2 blocks away from our house lang un school ipapahatid pa ako. Duh!
Malapit na ako sa school kaya lang bakit ganon parang wala ng estudyante na magugulo.
"Miss, baka gusto mong bilis bilisan kanina pag nag ring start na ng klase." Si Manong Guard
yun. Ansaveh?! Deym late nako kumaripas ako ng takbo bakit naman kasi nagpa cute pa ako
habang naglalakad. "Aray!" sabi ko ng biglang akong may nabunggo na matigas. Kaasar naman
kung kelan ka nagmamadali nagkandahulog un hawak kong mga gamit, pinulot ko na lang without
looking kung saan or sino ba un nakabungguan ko. "Stupid girl! Bakit kasi tumatakbo ng di
tumitingin sa dinadaanan. Nakakasira ka ng araw!" Unti-unti kong tinaas ang tingin ko..wow ang
poging nilalang bastos lang ang bunganga! "Ano sinabi mo?! Kung istupido ako mas istupido ka!
Nakita mo na pala ako bakit di mo pa ako iniwasan tapos ngayon sasabihin mong sinira ko araw
mo...pwes para sabihin ko sayo mas nasira araw ko dahil sayo!" Ang tigas ng pagkakasabi ko
para malaman nyang naiinis din ako. "Whatever... back off! Dadaan ako!" mala hari nyang
binigkas un with matching sanggi sa left shoulder ko. Kaasar late na nga ako ganito pa
mangyayari... asar! Ang sarap suntukin at syempre di na ako makakapasok super late na ako.
Patay ako kay daddy at mommy un ang kabilin bilinan nila... Precious Gem Gonzalez wag na wag kang male late sa klase mo.
BINABASA MO ANG
'Til the 12th of Never
Teen Fiction"Ang pagibig ay mapagpahinuhod, at magandang-loob; Ang pagibig ay hindi nananaghili; Ang pagibig ay hindi nagmamapuri, hindi mapagpalalo. Hindi nag-uugaling mahalay, hindi hinahanap ang kaniyang sarili, hindi nayayamot, hindi inaalumana ang masama...