Part 1 :: The Matrix Dancers

12.6K 263 26
                                    

Nagha-hum si Hazen Nipay habang abala siya sa pag-aayos sa sarili sa may harapan ng salamin ng banyong kinaroroonan. Sinasabayan niya ang paborito niyang kanta na naririnig niya mula sa earphone niya. Nag-he-headbang pa siya paminsan-minsan dahil ang kanta ng paborito niyang K-pop ang pinaparinggan. Muntik-muntikan din siyang napapasayaw.

"Tapos na ako. Let's go." Kung hindi pa siya kinalabit ni Mieko ay hindi niya namamalayang tapos na sa pag-ihi ang sinamahan niyang kaibigan.

Tinanggal niya ang isang earphone sa tainga niya. Dire-diretso dapat ng layas sa banyong iyon si Meiko kung hindi niya nahila ito sa kamay.

Nag-'what-look' sa kanya ang kaibigan. She pursed her lips, expressing her skepticism about what she was about to request as a favor.

"Mieko, huwag na nating palitan si Jane. Magaling naman siyang sumayaw, eh." Gayunman ay naglakas-loob siya. Kailangan masabi na niya ang kanyang nais hililingin na pabor dahil huling chance na niya iyon.

"Duh!" subalit maarte na reaksyon ni Mieko sabay tingin nang masama sa kanya. Inis na binawi nito ang kamay mula sa pagkakahawak niya.

Hazen bowed her head. She felt a bit shy. Alam naman niya kasing napag-usapan na nila iyon na magbabarkada.

Si Jane Ablay na tinutukoy niya ay kaibigan din nila. Not actually a close friend or tropa dahil napilitan lang silang kaibiganin si Jane noon, dahil sa ayaw at sa gusto nila ay kasama na ito sa dance troupe nila.

Yes, they are a group of dancers with six members. Siya, si Meiko Kirishima, saka sina Harvey Gonzaga, Je Em Borlador, Prince Sayson at si Rose Marie Planta. They are known as The Matrix Dancers, the most famous hip-hop dancers at Sanchi High.

But because Rose Marie chose to pursue her studies at the States, nakulangan sila ng isang miyembro, kaya naman napilitan silang maghanap ng kapalit nito. Mas sanay kasi silang sumayaw kapag anim sila. Pakiramdam nila ay mas maganda sa paningin ng mga manonood kapag anim sila. Higit sa lahat ay mas naiisipan nila ng mga kakaibang choreography kapag anim sila. Kung kaya't nagpa-contest sila noon at ang mananalo ang siyang magiging kasama nilang bagong miyembro.

What they didn't expect was that Jane Ablay would be the one to win. Si Jane, na kilala bilang isang loner, may maraming pimples sa mukha, at itinuturing na baduy ang pananamit. In short, pangit!

Walang nag-akala talaga na ang pangit na dalaga ay may talent din pala sa pagsasayaw. Na may kaastigan din pala itong itinatago. At wala na silang nagawa noon kundi ang tanggapin na nga lang ang dalaga sa grupo nila. Wala naman kasi sa criteria na ginawa nila na bawal ang pangit.

"Kasi ayos naman siya makisama, 'di ba? She's kind and exceptionally skilled at dancing." Sinubukan pa rin ni Hazen na ipagtanggol si Jane. Noong nakaraan kasi ay napag-meeting-an nila na palitan ulit si Jane kasi raw ay panira raw sa porma nila ang kapangitan ng dalaga. Palalabasin nila na magbabalik si Rose Marie kahit hindi naman. At siya lang ang hindi nag-agree. Gayunman wala siyang ginawa at hahayaan na lang niya sana. Pero kasi ay nakokonsensya na siya ngayon kung kaya't lakas-loob pa rin niyang sinusubukang kausapin ang mga kasama na huwag nang ituloy ang plano nila.

"Hazen, puwede ba tantanan mo ako sa mga ganyan mo. Final na 'yung decision na 'yon, okay? And mamaya na ang the right time para sabihin sa kanya na tsupi na siya sa grupo. Si Je Em daw ang magsasabi sa kanya."

Napakagat-labi na lamang siya sa itinuran na iyon ni Mieko. Mukhang wala na nga siyang magagawa pa para kay Jane.

"Come on hinihintay na tayo ro'n. Baka magsimula na tayong mag-practice," anyaya na sa kanya ni Meiko.

Tahimik na sumunod na lang siya sa kaibigan. Ngayon pa lang ay naaawa na siya sa kapwa dalaga. Tiyak na masasaktan nang sobra si Jane dahil sabi noon sa kanya ni Jane ay pangarap nito talagang mapasama sa kahit na anong dance troupe. Lihim na pangarap na noon pa man ay inaasam na raw ni Jane. At hindi nga raw din inakala ni Jane na sa The Matrix Dancers pa ito mapapasama.

KISS, MARRY, KILL ( Soon to be published under HBP)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum