Chapter 17 - Memories from the past

18 1 0
                                    

Jin's POV





"Isang truck at isang sasakyan ang nagkabungguan. Patay ang driver ng truck at ang dalawang studyante na nag aaral sa Clearine Academy ay sugatan. Isa ay nasa malubhang kondisyon. At ang isa ay puro sugat lang ang natamo."





Agad akong napabangon sa sofa na hinihigaan ko.




Kinuha ko ang phone ko at tinawagan si Coleen. Sumagot naman pero ibang boses. At sigurado ako na hindi si Coleen yun.




"Hello? Sino ka? Pakausap kay Coleen."



[ Ay, kaano ano niyo po ba yung pasyente? ]



"Ano kamo? Pasyente? Boyfriend niya ako."



[ Kung ganun, pumunta po kayo dito sa ***** Hospital. Naaksidente po ang syota niyo. ]





Agad akong tumayo at kinuha ang jacket ko. Nakasalubong ko pa si Jimin at Jungkook na kumakain ng cupcakes na binake ko.





"Saan ka pupunta hyung?!" Rinig kong tanong sakin ni Jimin.




Hindi na ko sumagot at agad sumakay sa kotse ko, pinaharurot ko 'to ng mabilis. T*ngina. Malapit na ko Coleen. Sh*t lang.





"Ms. Anong room ni Coleen Montero?" Tanong ko dun sa nurse.




"Room 69 po." Hindi na ko nakapag thankyou. Importante sakin si Coleen ngayon.





Walang katok katok at pinasok ko yung room na sinasabi nung nurse. Nandun si Coleen. Nakahiga at walang malay. May benda sa ulo tapos madaming sugat. Napamura ako.




"Coleen? I'm sorry. Sh*t dapat hindi ako pumayag na iba kasama mo pag uwi. I'm sorry." Yan lang sinasabi ko.




"Ikaw ba ang boyfriend ng pasyente?" Tumango ako dun sa doctor.



"Mabuti nalang at nadala agad siya pati na yung kasama niya. Mas malala ang nangyari sa syota mo pero naagapan din namin agad. Kailangan ko pa icheck ang katawan niya. Pero bukod dun wala ng problema."




"Thankyou po doc." Ngumiti sakin si doc at lumabas na. Bigla namang bumukas ulit ang pinto at pumasok si -- teka kaklase namin to ah? Si Gayle? Naka wheel chair siya. Ibig sabihin siya,ang kasama ni Coleen?




"J-jin i'm sorry--"



"Anong ginawa mo sa girlfriend ko ha? Ikaw ba yung nagmamaneho? Bakit nabunggo kayo ha? Bakit kasama mo siya? Ha?!" Medyo tumaas yung boses ko.




"S-sorry Jin. Mamaya ipapaliwanag ko. Please wag ka magalit." Napahampas ako sa noo ko. Tumingin ulit ako kay Coleen na wala pa ding malay.





***





Coleen's POV






Dahan dahan kong minulat ang mga mata ko. Tumambad ang mukha nila Jin, V, Jimin, Jungkook, Suga, Jhope, at Namjoon.






"Gising na si Coleen! Gising na siya!" Sigaw ni V. Natawa ako ng mahina pero agad din ako tumigil dahil naramdaman ko ang pagkirot ng ulo ko.






Anong nangyari?...






Biglang nagbalikan ang mga nangyari nung magkasama kami ni Gayle sa kotse niya. Kung paano niya sinabi sakin na siya si Andrea.. Ang bestfriend ko nuon na iniwanan ko...





Naalala ko na. Naalala ko na lahat ng nangyari noon. Nakalimot ako. Ibig sabihin nagka amnesia ako?






"Coleen.... S-sorry." Napatingin ako kay Gayle? Nandito siya?...






"Andrea.." Mahina kong sabi.






"A-anong sabi mo?" Tanong niya.






"Andrea.. Naaalala ko na lahat.." Sabi ko.






"Anong naalala?" Tanong ni Jin sakin.






"Si Gayle. Ang bestfriend ko noon. Ang taong iniwanan ko. Patawarin mo ko." Nakayuko kong sabi.

Fall In Love with BTS JinWhere stories live. Discover now