HD # 2

9 1 0
                                    

Chapter 2

Alden’s POV

“Ah…eh…”

Hahaha. Nakakatawa talaga ‘tong bestfriend ko. Standard form lang di pa alam. Dali-dali eh. Okay. Ako na mayabang. Hehe. Nagtawanan tuloy yung iba pa naming classmate kasi nag a-A-E-I-O-U na sya . Pati ako tuloy natatawa na din.

Nakikita ko nga sa peripheral view ko na tumitingin sya sakin. Parang sinasabi niya ‘ Hoy, gwapong Alden! Anong sagot?’ Haha. Sorry, bestfriend. Takot ako kay Ma’am eh. Parang nangangain yata ‘to ng buhay si Ma’am. Rawrr..

Kahit kelan kasi ang lakas ng boses. Ayan tuloy, naparecite sya ng wala sa oras. Tsk.

I remember the day when I first saw her.

Flashback:

“Bukas ulet, AJ.”

“Sure.”

“Tol. Una na kami ha.”

“Sige, tol.”

Haay. Nakakapagod talaga magbasketball.  Pero, syempre enjoy din. Paborito ko kayang sport ang basketball.

Umupo muna ako sa bench sa plaza ng subdivision para magpahinga. Kaso, narinig ko na may umiiyak. Yung bata dun sa pangalawang bench mula sa bench na inuupuan ko. Nung una, di ko pinansin. Pero parang may humihila sakin na punatahan sya. Parang sobrang lungkot niya.

“Ehem. Ehem.”

Napalingon sya sakin at pinunasan niya yung mga luha niya.

“B-bakit?” Tanong niya pero may kasama pa ring hikbi yung  pagsasalita niya.

“A-ahm.. okay ka lang ba? Bakit ka umiiyak?”  Umupo ako sa tabi niya at umusog sya dun sa kabila.

“Ah. Wala. Malungkot lang ako kasi iniwan ako ng ate Jemie ko.” Tapos parang naluluha ulit sya.

“Patay na yung ate mo?”

Parang nagulat yata sya dun sa sinabi ko kasi napaharap sya sakin.  Tapos tumawa sya ng malakas. Ano bangmeron sa sinabi ko ? Nababaliw na yata sya. Kanina lang todo emote sya. Tapos ngayon ang lakas ng tawa niya.

“Hahahahahahahahahahaha.”

“A-ahm. Excuse me. Anong nakakatawa?”

Kinapa ko naman yung mukha ko kung meron bang dumi pero wala naman. Puro pawis lang. Yucks!

“Hahaha. Patay?? Pfft. Hahahaha.”

Weh? Anong tinatawa-tawa nito. Bakit ang saya niya pa yata na patay na yung ate niya? Diba dapat iiyak siya katulad nung kaninang nakita ko siya?

“Sige na nga. Mukhang naaasar ka na dyan. Di siya patay. Nasa ibang bansa lang siya. Hahahaha.”

“Hahahaha.” Pati ako natatawa na din hindi dahil sa mali yung sinabi ko kundi dahil sa nakakatawa pala yung itsura niyang tumawa.

“Haha. Salamat ha. Dami ko talagang tawa dun. Ah.. Janine Almira Mendoza nga pala. Pero Jam na lang. Ikaw ano name mo?”

Inabot niya sa akin yung kamay niya. Ngayon di na siya nakatawa ng nakanganga. Nakangiti lang siya. Cute din pala ang isang ‘to. Inabot ko din yung kamay ko at nakipagkamay sa kanya.

“Alden Joseph Jimenez. AJ na lang.”

“Ang common naman pala ng pangalan mo. Alden na lang para unique. Haha.”

Bipolar yata itong batang ‘to. Tapos common daw yung nickname ko? Ang ganda kaya ng AJ.

“Psh. Bahala ka.”

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 24, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

You're my Heart's DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon