"This is tasty, Tita Nadia. Where did you buy this?" Muli siyang kumagat.

"In-order ko lang 'yan sa isang kakilala."

"What bakeshop, tita?"

"Wala siyang bakeshop. Natikman ko 'yan sa isang gathering na dinaluhan namin ng tito mo na in-organize ng dream wedding. It was the tastiest red velvet cheesecake I've ever tasted at naging isa sa paborito namin ng tito mo, even Wilson. Actually hindi lang 'yan ang masarap na binibake ni Mhelanie. Halos lahat masarap."

Kunot-noo niyang tiningala ang ginang.

"Mhelanie?"

"Nagustuhan mo ba? Ibibigay ko na lang sa 'yo ang contact number para puwede kang um-order kung gusto mo." Dream  Wedding? Mhelanie? Si MM kaya ang tinutukoy ni Tita Nadia? Imposible namang magbake si Harper para lang ipa-order sa iba. She doesn't need extra income. Pero  kalasa  ito  ng  brownies  ni  Harper.

ALAS nuebe ng gabi at sa halip na umuwi ay nagpasya si Mhelanie na matulog na lang sa loob ng van ni Harper. Sa pinakalikod siya puwesto. Pinauna na siya ni Harper na umuwi at si Queenie na lang daw ang bahala dito. Ayaw pa niya sana pero parang pinagtatabuyan na siya ni Harper. Parang wala rin sa mood si Harper mula pa kanina. Parang ayaw rin siya nitong isama sa set, kaso alam niyang kailangan siya ni Harper kaya sumama pa rin siya. Komportableng tulugan ang van ni Harper dahil kinostumize ito para magmukhang mini room.

Habang mahimbing sa pagtulog si Mhelanie ay naalimpungatan siya nang may marinig na ingay. Bahagya niyang kinusot ang mata nang magmulat. Pilit na inaanig ang pinagmumulan ng mahinang ingay.

"Oh, Morgan!" Natutop ni Mhelanie ang bibig nang marinig ang isang ungol. Hindi siya maaaring magkamali. Si Harper iyon.

"Fuck, Harper!" A growl came from a man.

Hindi niya kailangan makita ang mga ito para hindi malaman ang ginagawa. Inalis niya ang unan na napapatungan ng ulo at itinakip iyon sa tainga para hindi marinig ang mga ungol na nagmumula sa dalawa. Hindi niya ngayon alam kung ano ang mararamdaman? Iyong tibok ng puso niya ay ang bilis-bilis. Nagkabalikan na ba si Harper at Morgan? Naalala niya ang minsang pagtatalo ni Harper at Morgan sa condo. May sinasabi si Morgan na naputol dahil sa pagdating niya. 'Do you love him? Then why did  you sle—' It must be 'Then why did  you sleep with me?' Oh! God!

TAHIMIK na nakaupo si Harper at Mhelanie sa hapagkainan habang nag-aalmusal. Pasulyap-sulyap siya kay Harper na kumakain ng mixed fruits habang siya naman ay heavy breakfast; sinangag at tinapa. Ipinagluto naman niya si Harper ng usual na kinakain nito sa umaga. Harper want to aim for a breakfast that combines good carbs and fiber with some protein at iyon ang inahahanda niya rito. Pero hindi nito iyon kinain. Wala sa kahit isa sa inihanda niya ang kinain nito. Mixed fruits lang ang kinakain nito na ito mismo ang naghanda at isang basong fresh milk. Usually naman kapag may gusto itong kainin ay pinapakiusapan siya nito.

Gusto niya itong tanungin tungkol kay Morgan pero hindi niya magawa. Hihintayin na lang niya na ito ang magsabi sa kanya. Pero nababahala siya sa katahimikan ni Harper. Tumunog ang cell phone nito na nasa mesa. Nang mabasa nito ang minsahe ay sumilay ang munting ngiti sa labi nito. Muling ipinagpatuloy ang pagkain nang muling mailapag ang cell phone.

"Tuloy ba ang shooting niyo sa Calaguas Island?"

"Hmm-hmm. You don't have to come with me if you don't want. Sabihin mo na lang kay Queenie ang dapat gawin." Ani Harper na hindi man lang tumingin sa kanya.

"Sasama ako." Hindi na si Harper sumagot. Isinubo nito ang isang hiwa ng melon.

Magkapanabay na nag-angat ng ulo si Harper at Mhelanie at sabay na bumaling sa pinto nang bumukas iyon. Nahigit ni Mhelanie ang paghinga nang makita si Falcon na pumasok ng pinto. Nakatingin ito sa kanya habang naglalakad palapit sa kinaroroonan nila ni Harper. Seryoso ang ekspresyon ng mukha nito.

Fatal Attraction 4: Sinful AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon