Air's POV
"Bakit...bakit kailangan pang mangyari 'to?"
Gustuhin ko mang lumapit sa kinaroroonan nila ngayon, ay hindi ko pa rin magawang ikilos ang sarili kong katawan.
Para din sa inyo 'to, sana maintindihan ninyo ako.
Mula sa malayo ay dinig ko pa rin ang pagsisi nila sa kanilang mga sarili sa mga nangyari. But the truth is, ako lang naman ang may kasalanan sa lahat. Nadamay lang sila sa walang kwentang buhay kong 'to. Hindi ko magawang puntahan sila dahil natatakot ako. Natatakot akong ako ang mapagbuntungan ng galit at pighating nararamdaman nila ngayon. Hindi ko pa kayang harapin sila, dahil ayokong makita ang mga mata nilang nagsasabing niloko ko sila. At higit sa lahat, hindi pa ngayon ang tamang panahon.
Alam kong mas lalala pa ang lahat kung patatagalin ko lamang ito. Pero alam ko ring mas makakabuti sa amin ang ginagawa kong 'to. Hindi man para sa 'kin, mas kakayanin ko lahat para lang sa kapakanan nila. Kahit pa sabihing masira ang pagkakaibigang matagal na naming pinagsamahan.
"Ang sama sama niya!"
Ang sakit marinig ng mga salitang binibitiwan nila ngayon. Pero kailangan kong magtiis. Huling pagkakataon ko na itong makikita sila at maririnig ang mga boses nila kung sakali man.
"Ano ba Adeen! Itigil mo na yan!"
"No! hindi dapat siya nagsinungaling sa 'tin! Kung una pa lang sinabi na niya, edi sana hindi umabot sa puntong magkakaganito!"
Kung alam niyo lang.
But I know I can't explain myself anymore.
It's too late now.
"Tama na please! Ayoko na!"
Napaiwas ako ng tingin ng makitang patuloy silang umiiyak at tila nanghihina't sumusuko na.
Magpakatatag kayo. Huwag ngayon, baka hindi ko kayo matiis.
"Sang-ayon ako kay Adeen. That girl, sumobra na siya ngayon. Kung sakali mang makita ko siya, kahit sa kabilang buhay pa. Hindi ako titigil hangga't hindi niya ipinapaliwanag ang lahat. Tapos pagkapaliwanag niya, saka ko siya sasapakin."
Napapikit ako at pinipigilan ang sarili kong mapatakbo at hagkan sila. Sige, kamuhian niyo ako. Parte rin iyon ng plano. Hindi niyo man ako pagkatiwalaan ulit, basta maprotektahan ko lang kayo, ayos na yun. Kalimutan niyo na ako, basta wag lang kayong masaktan at umiyak ng ganito.
Maya maya pa, nakaramdam na ako ng presensya papunta sa pinagtataguan kong puno.
"Susunod na lang ako." sabi ko dito nang hindi siya nililingon.
"Hindi po pwe-"
"Hihintayin ko muna silang umalis." still not looking at him.
"Pero may oras po tayong hinaha-" this time, tinakpan ko na 'yong bibig niya dahil malakas ang pakiramdam nung mga minamanmanan ko.
Lumingon ako sa gawi niya at tiningnan siya ng masama, bago ko tinanggal ang pagkakatakip ng kanyang bibig. Huminga muna ako ng malalim bago nagpakawala ng sumusuko nang ekspresiyon.
"Fine, lead the way please."
Tumango muna siya bago tumalikod at tahakin ang daan papuntang portal.
Tatlo lang kaming nakakaalam nitong misyon kong 'to: Ako, itong sumundo sa 'king alalay named Quilo, at ang walang kwenta kong ama. Sa totoo lang, iyong ama kong iyon ang may pakana ng lahat kaya ako napunta sa ganitong sitwasyon. Katangahan ko na nga lang ang pumili ng kung nasaan ako ngayon.
I don't like this.
I hate to take this path.
But I don't have a choice.
Wala na akong ibang magagawa kundi tanggapin ang bagong buhay na naghihintay sa 'kin sa kabila ng portal na ito.
Here I go...
###
Arigatou for spending your time reading this.
:)
YOU ARE READING
Fantasy
FantasyWanna know what kind of story it is? Then follow your heart and take a risk... Read this little masterpiece... So you can find out if you're going to be impressed or pissed.
