"Hindi ko alam ang sinasabi mo"
"Kahit anong gawin mo hindi ka magugustuhan ni Matthew! kahit ibigay mo pa ang katawan mo, hindi ka nya magugustuhan! BestFriend ka lang nya! takbuhan ka lang nya kapag malungkot siya!" di ako nakapag salita, totoo naman sinasabi nya eh.. tatalikod na sana ako ng hawakan nya ko sa Braso.
"Oh ano? Nasasaktan ka no? Hindi mo matanggap na Hindi ka nya kayang mahalin? Hahaha! Nakakaawa kang talaga."
"Bitiwan mo ko." madiin kong sabi
"Eh paano kung ayoko?"
"Sabi ng bitiwan mo ako eh!" hinigit ko ng malakas yung braso ko, at nabitawan nya. Gulat siyang tumingin sa'kin "Wala akong alam na ginawa ko para magalit ka sa'kin ng ganyan. Dahil ba kay Matthew? BestFriend ko siya at Ikaw ang Girlfriend, ano pa bang ikinagagalit mo dyan?"
"Aba't!" sasampalin nya na sana ako ng may pumigil sa braso nya at itinulak siya ng malakas dahilan para mapaupo siya sa sahig..
"M-m-Matthew..Mathew, Babe..sinaktan nya ko.. babe." Umiiyak na sabi ni Krissa. Humarap naman sa'kin si Matthew at hinawakan ako sa Pisngi.
"Ok ka lang BestFriend?" nag-aalalang tanong nya. magsasalita pa sana si Krissa ng harapin siya ni Matthew. Dumami na din ang tao dito sa Gym. Kanina kaming dalwa lang ahh..
"Buti nalang nakita ko yung Sent Item ng Cellphone ko. Di ko alam na Pakealamera ka pala." sarkastikong sabi ni Matthew
"B-babe.. s-siya ang nagpapunta sakin dito!" psh. sinungaling -__-
"Narinig ko lahat Krissa! Kanina pa kami nasa gilid ng Gym at pinapanood ang bawat ginagawa mo! Sinabi ko na sayo dati, tanggap ko yang pagiging Madita mo! Pero sinabi ko na sayo na,Wag na wag mong gagamitin ang pagiging Maldita mo sa BestFriend ko dahil ako ang makakalaban mo!" madiin at seryosong sabi ni Matthew, iginala ko ang paningin ko sa Gym habang nakahawak si Best sa Kamay ko. Bakas sa mga mukha ng mga nandito sa Gym ang pagkagulat sa sinabi ni Matthew.
"What?! So, Your Choosing Her over me?!" Nanggigil at impit na sigaw ni Krissa.
"Hindi ko na kaylangang sagutin yan dahil masasaktan ka lang." nagulat si Krissa sa binitawang salita ni Best, kahit ako ay nagulat kaya napahigpit ang kapit ko sa kamay nya. Tumulo na ang luha sa mata ni Krissa.
"Ginagamit ka lang nyang babaeng yan Matthew! Palihim ka nyang nilalandi! at eto, siguro ay sinabi nya sayo na nandito kami sa Gym kaya pinapunta ka nya! para masira tayo, dahil Gust--" hindi na natapos magsalita si Krissa dahil muling nagsalita si Matthew
"Higit kanino man, AKO.. AKO LANG ang mas higit na nakakakilala kay Crystal. Limang Taon ko na siyang kilala, at nakilala ko na siya bago pa kita makilala, kaya wala kang karapatan na sabihin yan sa BestFriend ko." madiin at bakas ang galit sa boses ni Best.
"Babe.. Babe.. Im sorry ok? Im sorry.. wag mo lang akong iwan,," pagmamakaawa ni Krissa, sa totoo lang MAS naaawa ako sa kanya.. Hindi na siya pinansin ni Matthew at hinila nya na ako, pero bago pa kami makalabas sa Gym ay may binitawan siyang salita na lalong nakapagpaiyak kay Krisaa..
"Break na tayo."
Naglalakad na kami ngayon at nakahawak pa din siya sa kamay ko..
"Best, hindi mo naman kaylangan gawin yun ehh.. Hindi mo naman kaylangan na hiwalayan siya. May kasalanan din naman ako sa nangyari." sabi ko. Umiling-iling lang siya
"Balak ko na talagang hiwalayan siya, dahil sa twing kasama ko siya at ang mga kaibigan nya, palagi nalang ikaw ang Topic nila. Hindi ko alam bakit ganun sila sayo. Ang bait mo naman. Hindi ko na kaya yung mga pinagsasabi nila tungkol sayo. Kaya ayun. Ok na din yun para, sayo na ulit ang time ko.." napatigil ako sa sinabi nya, parang gusto kong umiyak, sakin na naman ang time nya kasi wala na siyang Gf.. ginulo nya ang buhok ko tapos inakbayan ako,
"Wag mo na isipin yung nangyari, tsaka, hindi na muna siguro ako mag G-GF, Focus muna ako sa Pag-aaral ko.. atsaka sayo.." biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Nakaramdam ako ng saya .. at Pag-asa..
tinignan ko siya habang papalayo matapos nya akong ihatid sa Apartment ko.. Nakalagay ang kamay sa Bulsa at Cool na Cool na naglalakad, Binigyan nya pa ako ng huling tingin, kumaway at ngumiti siya bago ulit nagpatuloy sa paglalakad..
haaayyys... Kung pwede lang sana.. kung kaya ko lang sana..pero hindi eh, kasi Parang pinapapili na din ako kung LOVE or FRIENDSHIP. ang hirap pala.. sana nung una palang.. sana nung una palang pinigilan ko na kung ano ang Nararamdaman ko ngayon .. Edi sana.. Hindi ako nahihirapan at nasasaktan ngayon..
YOU ARE READING
Gitara [Completed]
Teen Fiction©2014 Mahirap mainlove sa isang kaibigan, dahil hindi mo alam kung saan ka lulugar.. Pilit mo mang ipagsiksikan ang sarili mo, wala ka din magagawa dahil yung pinaglalaban mo, ay wala namang pagtingin sayo. wag ng umasa kung wala namang aasahan..
Gitara- Part 3
Start from the beginning
![Gitara [Completed]](https://img.wattpad.com/cover/13872409-64-k133868.jpg)