Chapter 14 *Mr. Stalker*

Magsimula sa umpisa
                                    

“good morning din! Buti nakapunta ka! Akala ko hindi ka papayagan ng amo mo eh!”

Nginitian ko lang si Ashley. Hehehehe naku kung alam lang niya, nagtatampo saakin ngayon ang amo ko. Hehehehe

“Ash!” napalingon kami pareho ni Ashley doon sa tumawag sa kanya and nakita kong may isang lalaking tumatakbo palapit saamin.

“hey Ash  dumaan ako sa house mo kanina, naiwan mo tong inuminan mo” may inabot yung lalaki kay Ashley na water container

“ah thank you Kite!”

“no problem!” he tapped Ashley’s head “ikaw talaga napaka makakalimutin mo kahit kelan”

“hehehe sorry bestfriend! Ay oo nga pala!” tinignan ako ni Ashley “Kite, this is Dionne, kasamahan ko sa choir, Dionne this is Kite, best friend ko”

Nginitian ako ni Kite “nice meeting you” then inilahad niya ang kamay niya para makipag shake hands

I took his hand “nice meeting you too”

“sige pasok na muna ako sa loob ng church ah? baka magstart na yung mass” sabi ni Kite saamin

“ay sabay na ko sayo best friend” sabi naman ni Ashley “ikaw Dionne?”

“ha? hintayin ko muna si kuya Romy dito”

“sige una na kami ah, punta ka na lang sa may choir”

“Sure”

Tinignan ko yung dalawa na pumasok sa loob ng simbahan habang nag-aasaran. Napangiti naman ako at napatingin sa langit.


 

‘sorry kuya, mukhang may iba ng love si Ashley eh.  Pero nararamdaman ko na isang mabuting lalaki si Kite’

 

“Hey Dionne!” napalingon ako sa tumawag saakin at nakita ko naman si Kuya Romy na papalapit saakin. Siya yung pinaka head namin sa choir and siya din yung nakaisip ng project na to para sa mga batang may sakit. Mabait na tao si Kuya Romy, yun nga lang madalas siyang inaaway nung iba at nabu-bully kasi lalambot lambot siya. Parang bakla kung baga. Though hindi naman siya umaamin na bakla siya, hindi rin naman niya ito tinatanggi. But either way, Kuya Romy is still kuya Romy. Ang mahalaga ay meron siyang ginintuang puso.

Angel in DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon